• Join over 1.2 million students every month
  • Accelerate your learning by 29%
  • Unlimited access from just £6.99 per month
Page
  1. 1
    1
  2. 2
    2
  3. 3
    3
  4. 4
    4
  5. 5
    5
  6. 6
    6
  7. 7
    7
  8. 8
    8
  9. 9
    9
  10. 10
    10
  11. 11
    11
  12. 12
    12
  13. 13
    13
  14. 14
    14
  15. 15
    15
  16. 16
    16
  17. 17
    17
  18. 18
    18
  19. 19
    19
  20. 20
    20
  21. 21
    21
  22. 22
    22
  23. 23
    23
  24. 24
    24
  25. 25
    25
  26. 26
    26
  27. 27
    27
  28. 28
    28
  29. 29
    29
  30. 30
    30
  31. 31
    31
  32. 32
    32
  33. 33
    33
  34. 34
    34
  35. 35
    35
  36. 36
    36
  37. 37
    37
  38. 38
    38
  39. 39
    39
  40. 40
    40
  41. 41
    41
  42. 42
    42
  43. 43
    43
  44. 44
    44
  45. 45
    45
  46. 46
    46
  47. 47
    47
  48. 48
    48
  49. 49
    49
  50. 50
    50
  51. 51
    51
  52. 52
    52
  53. 53
    53
  54. 54
    54
  55. 55
    55
  56. 56
    56
  57. 57
    57
  58. 58
    58
  59. 59
    59
  60. 60
    60
  61. 61
    61
  62. 62
    62
  63. 63
    63
  64. 64
    64
  65. 65
    65
  66. 66
    66
  67. 67
    67
  68. 68
    68
  69. 69
    69
  70. 70
    70
  71. 71
    71
  72. 72
    72

Urbana at Feliza: Review. Urbanisasyon ang panawagan sa panahong pinalalago ang kalakalan upang lalong mapatampok ang halaga ng salapi at sistemang kapital.

Free essay example:

ANG URBANA AT FELIZA ni modesto de castro

AT

 ANG TRAFFIC ROAD SIGNS AND REGULATIONS

SA

METRO MANILA

 MGA BATAS - ETIKA SA PANAHON NG URBANISASYON

ni

GLECY C. ATIENZA

        Urbanisasyon ang panawagan sa  panahong pinalalago ang kalakalan upang lalong mapatampok ang halaga ng salapi at sistemang kapital. Sa panahon ng pag-unlad ng urbanisasyon, ang mga sentro ng kalakalan ay nakapagtatatag ng sistema ng palitan ng produkto.Upang mapabilis ang daloy ng mga produkto mula sa isang lugar tungo sa susunod, lumilikha ng mga daanang makatutugon sa mga pangangailangang ito. Umiikot ang kapital, nagpapalipat-lipat ang mga produkto mula sa isang lugar tungo sa mamimili kasabay ng pagdami ng salapi at ng kita.

        Upang mapadaloy ang ganitong palitan, mahalagang magkaroon ng batas etikang makapagpapatatag sa ganitong uri ng kalakaran.Itong mga batas na ito ang siyang magtitiyak na ang daloy ng produkto at ang pagkamal ng salapi ay patuloy na nagaganap sa lahat ng larangan--mula sa mga produktong ikinakalakal hanggang sa serbisyo ng lakas-paggawa na inilalaan ng mga taong kasangkot sa kabuuang daloy ng sistemang ito. Mahalagang magkaroon ng batas  ng mga dapat at hindi dapat. Mahalagang magkaroon ng mga tanda ang mga batas  ito na tuwina’y   isasagawa ng mga mamamayan , saan man sila naroon, sa anumang panahon, sa lahat ng uri ng anyo at manipestasyon nito, bilang pagsubay sa mga batas na itinatakda ng kalakaran ng urbanisasyon.(Fillingham,l993:122).

        Sa pagpasok ng dekada nobenta, sa panahon ng pagpapatupad ng malawakang programa sa industriyalisasyon sang-ayon sa programang Phil.2000 ng pamahalaan, nagsisikipan ang mga kalye ng Metro Manila dahilan sa sunud-sunod na flyover,skyway at lansangan ginagawa sa mga pangunahing daraanan sa siyudad. Mahalaga ang pagpapalawak ng mga daraanan at pagpapatayo ng mga imprastrukturang magpapadaloy sa kalakalang pauunlarin sa bansa. Kaugnay nito, mahalaga ang pagpapatupad ng mga iskema sa mahusay na pagpapadaloy ng trapiko sa kabila ng mabigat na suliranin sa congestion ng siyudad.

        Layunin ng papel na itong matunton ang nagsasanga-sangang ugnayan ng mga batas etika noong panahon ng dantaong labinsiyam , na kinakatawan ng Urbana at Felisa ni  P. Modesto de Castro at ang kasalukuyang batas etika ng dantaong dalawampu na kinakatawan ng mga regulasyon , batas  at senyales  sa daloy ng trapiko at regulasyon sa lansangan sa lungsod , na siyang sentro ng urbanisasyon o urbanidad sa Pilipinas. Sa pagtalakay dito’y mangyayaring maglakbay sa iba’t ibang dantaon at panahong hindi kronolohikal na paraan. Gayundin, mangyayaring ilahad ng iba’t ibang mukha ng batas etika sa iba’t ibang larangang may kinalaman sa ilang mahahalagang konsepto pagtutuunan ng pansin sa pagtalakay na ito---urbanisasyon----lansangan---kalakalan---kababaihan---bilang sangkap ng pangkabuuang diskurso sa  pagpapanatili   ng kapangyarihan sa sistemang kapital sa kasalukuyan.

ANG SIYUDAD BILANG SENTRO NG URBANISASYON

         Bago ang pananakop ng mga Kastila, ang mga komunidad ay pinamamahalaan ng mga pinuno ng barangay laban sa mga mananakop mula sa  ibang baryo.Nakahanay ang kanilang mga kabahayan sa baybay dagat para sa lalong madaling pagtatanggol sa mga mananakop. Sa pagdating ng mga Kastila, sinubukan nilang ipunin ang mga mamamayan sa mga lugar na malapit sa simbahan.  Ipinatupad ang palisiyang bajo delacampana kung saan mas madaling maabot ng kanilang pamamalakad ang mga mamamayang makaririnig sa kalembang ng mga kampana. (Le Roy,l969,23-24).

        Ang palisiya sa bajo dela campana ay hindi lamang pagpapatupad ng palisiyang relihiyoso. Ang pagpapalapit ng mga taumbayan sa simbahan ay paraan na rin upang makontrol ang kabuhayan ng mga mamamayan. Nagpatupad sila ng mga paniniwalang ang malayo sa kampana ay malayo sa kabihasnan ng tao. Ngunit tiniyak din nilang ang mga indiong lalapit sa kampana ay susunod sa pamantayan ng gawi na katanggap-tanggap sa kanila. Kailangang turuan ang mga indio ng paraan ng pamumuhay at pakikitungong angkop sa bagong ipinakikilalang konsepto ng urbanidad. Tinawag  itong pagpapatupad ng planong reduccion (resettlement). (Reed, l978: 13-15,24)

        Ang pagpapatupad ng planong reduccion ay alinsunod sa pagpapatupad ng isang sistemang urban, na siyang  kung saan nakaluklok ang sentro ng kapangyarihang kolonyal.(Le Roy,1969:24) Dito makikita  ang sentro at  gusali ng gobyerno, ang simbahan at ang komersyo. Nakaluklok sa mga ito ang mga peninsulares,criollos at mestizo na bahagi ng sistemang kolonyal. Ang mga ito ay itinuring na ciudad de espanoles. Ang mga prayleng Kastila ang maaaring tumira sa mga cabecera ng mga probinsiya kasama ang kanilang mga alalay.Malaki ang bahagi ng mga prayleng misyonero sa paglalatag ng programang hispanisasyon at kristiyanisasyon kung kaya’t ang mga sentrong hawak nila ang itinuring ding sentro ng kalakalan at pagbabagong kultural at relihiyoso. Masasabi kung gayon na ang kolonisasyon ng mga Kastila ay nasiguro sa pamamagitan ng paglalatag ng isang sentro ng urbanidad.(Reed,l978:15) Ang mga kalyeng nagmumula sa sentro ng bayan ay nahihilerahan ng mga bahay kubo at panaka-nakang bahay na bato ng mga may-kayang residente. Sa mga komunidad na pinagmamay-arian ng iisang tao, nakasentro kadalasan ang mga kabahayan. (Le Roy,l969: 23-24)

                Ang pagtatakda ng isang sentro ng kalakalan at pamahalaan ay mahalaga sa panahon ng urbanisayon. Dito nagaganap ang mahalagang palitan ng kalakal na siyang buhay ng urbanisasyon. Sa gayun, mahalagang maging maayos din ang daluyan ng mga kalakal upang mapabilis ang palitan at pasok ng komesriyo.

Noong l948, ang bagong tatag na Republika ng Pilipinas ay hinati sa 50 probinsiya ayon sa mga pamantayan at katangian ng isang estadong Amerikano. Ang isang probinsiya ay may gobernador at nahahati ito sa mga munisipalidad na may alkalde. Ang bawat munisipalidad ay binubuo ng maraming baryo. Bawat komunidad ay may munisipyong itinuturing na sentro ng baryo. Kilala sa katawagang plaza ang sentro. Binubuo ito ng munisipyo, palangke, eskuwelahan,simbahang Katoliko. Dito nagaganap ang mahahalagang pangyayariri sa baryo. Sa paligid ng plaza makikita ang mga bahay ng mga may-kaya sa lugar, mga tindahang may pasilidad na senyales ng urbanidad--telepono,radyo,telegrama, elektrisidad,imprenta at iba pa. Dito rin makikita ang mga gawi ng urbanindad. Ipinakikilala dito ang mga bago saka ikinakalat sa mga kalapit na baryo.  Ang plaza ang simbolo ng antas ng kaunlarang naabot na ng isang munisipalidad. (Hart,l955:1-8)

ANG MGA DALUYAN   SA SIYUDAD

        Noong panahon ng mga Kastila, ang unang tinuring na mga daluyan at lansangan ay ang mga ilog. Ayon sa salaysay ni Jean Mallat (1846), sa isla ng Luson, maraming malalawak na ilog na maaaring daanan ng malalaking barko. Isa rito ang ilog Pasig. Ang Pasig River ang tinuring bilang pangunahing kalye pagkat dito dumaraan ang mga malalalaking barkong naglalako ng mga produkto mula sa ibang bansa. Nakadadaan dito ang mga barkong may bigat na 400-500 tonelada. Ang nakasasagabal lamang dito ay ang mga tulay. Kung hindi lamang sa tulay ng Maynila, makararating ang mga malalaking barko sa maliliit na bayan tulad ng Malacanan, at marahil ay maging hanggang sa Pateros at maaaring mahadlangan lamang ng mababaw na tubig na patungo sa lawa. Ang bunganga ng lawa ay katatagpuan ng mga kawayanan at sa mga tabing-ilog ay maraming nakahilerang baryo. Ang daungan para sa maliliit na bangka ay matatagpuan din dito. Isang kalapit na baryo, ang San Gabriel, ang daungan ng mga malalaking barkong kukumpunihin sa murang halaga. Sa pamamagitan ng ilog na ito’y nakararating sa Maynila ang lahat ng uri ng produkto mula sa iba’t ibang bahagi ng Luson.(Mallat,1983:82-83) Ang mga maliliit na daluyan ng tubig na kaugnay nito ay pinagtatakpan kapagdaka at ginawang mga kalyeng daraanan ng mga sasakyang de-motor tungo sa mga baryo. (Ira/Medina: l977:2)

        Ang Maynila ang pinakamahalaga sa mga lugar sa Luzon pagkat nakapuwesto ito asa baybayin ng mahabang lawa kung saan dumadaloy ang maraming ilog mula iba’t ibang bahagi ng kapuluan.Sa mga ilog na ito dumaraan ang mahahalagang produktong mula sa ibang lugar  tungo sa sentro ng kalakalan.  (MacMicking ,1967:5) Ang mga baryong malapit sa bunganga ng ilog ang sentro ng komersyo sa Maynila. Ang Tondo ,na tinawag ni Mallat na isang probinisya sa panahong iyon, nakasasakop sa 27 pueblo at kasama na rin dito ang mga pueblo ng  Binondo at Sta. Cruz, na kapwa nasa tabi rin ng ilog.Tinuturing itong pinakamayang probinsiya kundi man pinakamahalaga at pinakamataong probinisya sa buong kapuluan. Matatagpuan sa Tondo ang mga pabrika ng tapis,saya,panyong gawa sa koton at seda,sinamay,guinaras,pinya at telang koton. Pangingisda ang pangunahing hanap-buhay ng mga taga-rito bagaman ang mga tindahan ay pinamamahalaan ng mga mga kababaihang mestiza (Mallat,1983:119)

        Ang Binondo ay katabi ng Tondo  at hinihiwalay ng  ilog Pasig sa Maynila. Gayunpaman, isang tulay na may 149 vares ang haba ang nag-uugnay. (Mallat,l983:p.119) Katabi ng Binondo ang Sta. Cruz ,bagaman lugar na pinaglagakan ng mga Intsik upang ipaghiwalay sila sa mga Pilipino .(Ira/Medina:1972:2)  Lahat ng mga bundok na nakapalibot sa Tondo ay mayaman sa kahoy,hayop ,ibon,prutas ,multicaule (mulberry) at bigas na secano. Malawak ang pakikipagkalakalan  ng Tondo sa iba pang bahagi ng Pilipinas at dito lamang pinahihintulutang makapagtatag ng negosyo ang mga dayuhan.(MacMicking:l967:5) Sinasabing kung hindi dahil sa tulay na nag-uugnay sa fort (Fort Santiago) at sa komersyal na distrito ay hindi sana nasagabal sa pagdaan ng malalaking barko tungo sa mas maliliit na baryo sa tabing-ilog. (Mallat,l983:160)

        Ang mabuti at mabilis na transportasyon ay mahalaga sa paghikayat ng mainam na produksyon ;gayundin, mahalaga ito sa pagpapalaganap ng impormasyon na makapagkukumbinse sa tao ukol sa kahalagahan ng mabuting pamahalaan at makahihikayat ng katipiran at kasipagan sa mamamayan. (Wilcox,l901:31) Isang dayuhang manlalakbay, si Wilcox ang nagsabi noong l901 na ang isa sa pinakamalaking pangangailangan ng bansa ay ang mga mahuhusay na kalye o lansangan. Mahalaga ang isang regular na sistema ng mga highway na mag-uugnay sa mga mahahalagang lugar para sa mas mainam na kalakalan. Makikita ito sa kalagayan ng mga baryong may mga lansangan na itinayo ng mga Kastila. Mahalaga rin ang pagpapalaganap ng Ingles sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga riles ng tren. Matututunan ito ng mabilis ng mga tao upang makahanap sila ng trabaho.Ayon sa isang Mr. McLeod, miyembro ng Philippine Commission na matagal nang nakatira sa Pilipinas, ang  nagsabing mahalagang makagawa ng mga lansangan at riles ng tren pagkat  ang Pilipinas ang “finest countryin the world for building railways.” Ang paggawa ng kalye at riles ng tren mula Maynila hanggang Bayombong ay mag-uugnay sa mga probinsiya ng Cagayan at Isabela sa Maynila, kung saan nanggagaliing ang mahuhusay na kalidad ng tabako,troso,baka at bigas. Mabilis na itong makauugnay sa Kordileyera na may malawak na lupaing maaaring tamnan. Ang isla ng Pilipinas ang pinakamayaman sa Malayong Silangan at wala nang mas mahalaga pa kaysa rito. (Wilcox, l901: 230-231)

        At hindi lamang ang mga daluyan ang mahalaga sa panahon  ng urbanisayon. Ang mga sasakyan ding gagamitin upang magilulan ng mga kalakal ay kinakailangang maiayos upang matiyak ang daloy ng komesryo. Ang mga banca ang pangunahing paraan ng transportasyon sa mga panahong dinantnan ng mga Kastila ang  kapuluan, tulad ng silbi ng mga jeep sa kasalukuyan. Mahusay ang mga indio sa pamamamalakaya ,batay na rin sa mga salaysay ni Le Roy  na naglalarawan sa kanila bilang “water-man par excellence” (Le Roy,l969:11) Ang mga kalalakihan ng Maynila ay kilala sa buong mundo bilang mahuhusay na tauhan sa mga bangkang pangkalakalan.Maging ang mga Australyanong manlalayag ay may maiikling salaysay ukol dito.(MacMicking,l967:33) Maraming sa mga kalalakihang ito ang nagsilbi sa mga galyon ng Kastila, ilan din sa kanila ang hindi na bumalik sa Pilipinas (Blair at Robertson, vol.18:183).Sa kasalukuyan, mahigit sa  siyamnapung porsiyento ng mga drayber ng pampublikong transportasyon ay pawang kalalakihan. Sila ang nagmamaneho ng mga jeep, taxi, bus, na nagdadala sa mga tao mula sa isang lugar ng siyudad tungo sa isa pa. Maging ang mga eroplano, tren, light rail transit (LRT),kalesa,tricyle,traysikad ay pawang minamaneho ng mga kalalakihan.

        Pansinin naman nag nangyari sa mga lansangan ,kalakalan at teknolohiya noong dantaong labinsiyam.

        Sa isang artikulo ni Arnold Azurin,  (Azurin,l995), binanggit niya ang ukol sa gamit ng mga ilog bilang pangunahing paraan ng paglilipat ng kultura sa Kordilyera. Ang mga lugar na malapit sa ilog ang siyang katatagpuan ng mga gawi na katulad sa mga kalapit na baryo/grupong nasa tabi rin ng ilog. Sa gayun ang ilog ang pangunahing paraan ng paglilipat ng kultura. Sa sinaunang Maynila ang mga malilit na ilog na nag-uugnay sa mga baryo tungo sa mas malalawak na ilog tulad ng ilog Pasig ay tinakpan at ginawang kalye noong dumating ang mga Kastila (Ira/Medina,l972:6  )

        Kung ang mga ilog ang pangunahing paraan ng paglilipat ng kultura sa panahong wala pang mga kalye, bakit s tinakpan ang mga ilog upang gumawa ng mga kalye? May ugnayan ba ang urbanisasyon at ang ilog ang konsepto ng urbanisasyon?

         Maaari. Ang tubig ay isang malayang lagusan na tumutuloy sa malawak na karagatan. Dito rin maaaring pumasok ang mga malalaking barkong mula sa ibang lugar na makapagdadala ng bagong kaalaman ,produkto at tao sa mga nasa tabing ilog. Gayundin, may ibang uri ng sasakyang kinakailangan sa paggamit ng ilog bilang daluyan. Kailangan ng kakaibang skill sa paggaod sa bangka at ilog na hindi kilala ng mga misyonero at kolonisador na Kastila. Idagdag pa rito ang kasanayan ng mga Muslim na  katutubo sa paglalayag , ang ilog, bilang daluyan ng mga pangunahing kaisipan ay mahirap panghawakan kung hindi ito kontrolado ng mga nais magdala ng mga bagong kaisipan. Mahalagang mapanghawakan ang lagusan at ang mga sasakyang tatawid dito upang mapanghawakan din ang paglipat ng kaalaman at kaisipang isasakay rito. Dahil dito mahalaga ang pagtatakip ng mga ilog tungo sa paglikha ng mga kalyeng magiging pangunahing lagusan ng pagdadala ng mga ideya at “kabihasnan” na mula sa mga Kastila. Sa pagtatakip ng mga ilog, nalilimita ang larangan ng kolonisasyon sa lupa . Sa paglilimita sa lupa ,sa halip na ilog o katwan ng tubig bilang  larangan ng kolonisasyon, kailangan pang bumutas ng bagong daan mula sa isang baryo tungo sa kabila, sapagkat ang dating ilog na daraanan ay natakpan na. Sa gayun, nagagawang ibaling ang daluyan ng komersyo sa sentrong likha ng mga nasa kapangyarihan. Maging ang kabuhayan at komersyong dating nakakabit sa lagusan ng tubig ay mamamatay at kailangang umangkop sa bagong sentrong lilikhain ng mga kalye. Kung dati-rati’y nakapagsasagawa ng  kalakalan ang mga taong nasa tabing ilog, dahil sa paglikha ng mga tulay na nakapaglilimita sa pasok ng malalaking barko, napipilitan ang mga taong pumunta sa mga sentro ng kalakalang niliikha ng mga nasa estado. Nagkakaroon tuloy ng kontrol ang estado sa kalakalan pagkat sa mga sentrong likha nila ay may konrol sila at maaari silang magpataw ng buwis at iba pang danyos na makapagsusuporta sa kanila . Gayundin, ang teknolohiya ng paglikha ng kalye ay hawak ng mga Kastila, gayundin ang paglaganap ng mga karwahe at sasakayang-lupa na higit na pamilyar sa teknolohiya ng mga Kastila, samakatwid at kontrolado nila. Sa paraang tulad nito, napanghahawakan ang pagpapalaganap sa konsepto ,produkto at galaw ng mga tao.

        Ganito rin sa cyberspace at information highway dala ng teknolohiya.         

        Kamakailan lamang  noong Marso ,l998ay bumisita sa Pilipinas si Bill Gates, ang may-ari ng negosyong software na Microsoft. Itinuturing na  isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo si Bill Gates sa pag-unlad ng kanyang computer software technology na nakapagpaunlad ng isang bagong lansangan at daluyan ng mga kaalaman at produkto--ang cyberspace na tinuturing na siyang pinakabagong teknolohiya sa larangan ng pagpapadaloy ng kaalaman,produkto at negosyo.Sa paglawak at mabilis na pag-unlad ng computer technology at paglawak ng bagong information-highway, nakalikha ng paraan ang teknolohiya ng microchips at electroniccommunication industry na mapaluwag ang mga lansangan at daluyan ng produkto at tao .Sa pamamagitan ng telepono, maaaring makapag-usap ang dalawang tao  mula sa magkabilang dulo ng daigdig upang makasagap ng balita, bagong inobasyon at bagong produkto. Hindi na kailangang pumunta sa mga aklatan sa ibang bansa ang sinumang magnais na mag-library doon. Sa pamamagitan lamang ng pag-hook-up sa internet ay maaaari na siyang makakuha ng access sa mga naka-hook-up na aklatan saan mang sulok ng daigdig.Maaari nang makapag-kumperensiya sa pamamagitan ng teleponong may mga monitor na maaaring magkaharap sa computer monitor ang mga magkakausap mula sa malalayong lugar.Kamangha-manghang teknolohiya. At lalong kamangha-mangha kung sisipatin na ang ganitong kalakaran ay walang pinagkaiba sa kalakarang ipinatupad ng mga Kastila at kolonisador noong dumaong sila sa Pilipinas noong dantaong labingsiyam.

        Pansinin na sa pamamagitan ng paglikha ng teknolohiya para sa pagpapadaloy ng komunikasyon sa pagitan ng mga taong mula sa magkalayong lugar, hindi na kailangang lumakad ng mga tao o gumamit ng lansangan. Maaari silang manatili sa kanilang bahay o opisina habang isinasagawa nila ang kanilang nais na transaksyon. Kailangan lamang nilang magkaroon ng instrumento ng komunikasyon tulad ng computer at telepono upang maisagawa ang kanilang pakikipagkalakalan o pakikipag-usap. Kung sa internet naman, kailangang lamang naka-hook -up sa isang internet server ang isang nais na makapasok sa cyberspace upang magkaroon ng access dito. Lahat ng ito siyempre’y nangangailangan ng isang takdang halaga upang makakuha ng instrumento ng teknolohiyang kailangan sa ganitong uri ng daluyan. (Philworld Brochure,l998)  Susi sa sistemang ito ang paglilimita ng pagkilos ng mga tao at produkto sa pamamagitanng paglikha ng mga daluyan ng tao, ideya at produkto na kontrolado ng may hawak ng sistemang ito.         

 Sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga kailanganing instrumento na makukuha rin lamang mula sa pakikipagkalakalan sa nasa nakapangyarihan , nakokontrol  ang daloy ng kaalaman, produkto at tao. Ang mga information highway ay maaari lamang maabot sa pamamagitan ng mga server na walang ipinagkaiba sa mga institusyon  nagpapataw ng danyos at buwis sa mga produkto ; katulad din ito ng mga seksyon sa gobyernong namamahala sa pagpapalakad ng mga produkto at tao sa daloy na mapakikinabangan ng nasa kapangyarihan upang mapangalagaan ang mabilis at mahusay na daloy ng kalakalan, kaalaman at tao  na iniinstitusyonalisa ng nasa kapangyarihan.

ANG KALAKALAN, KAALAMAN,  AT MGA DALUYAN SA SIYUDAD

        Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, may maunlad nang komersiyong nagaganap sa mga lugar kung saan  bumubukas ang mga ilog sa dagat. Naroon ang mga Muslim bago pa man dumating ang mga kolonisador. Ang sultan ang kinikilalang pinakamataas na pinuno, tulad ng hari sa kanluran. Ang mga mamamayan ay tila mga alipin na pag-aari ng sultan at ng mga datu na malupiut na naghahari sa kanila. Anumang nais ng mgas datu ay batas kaya’t hawak nila ang buhay ng kanilang mga nasaakupan.(MacMicking,l967:148-149)

        Ayon kay Reed, maraming mangangalakal na Pilipino ang nakapaglalakbay sa ibang bansa at nakakikita ng ibang kalagayan ng lipunan doon. Gayunpaman, ang mga panimula ng urbanisasyon ay hindi naganap sa pagkaalam ng mga katutubo sa mga bagong kalagayan sa ibang bansa. Magandang tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa urbanisasyon noong bago dumating ang mga Kastila:

        “The beginnings of urbanism as characterized by social stratification,state formation,population concentration,military draft,occupational specialization,elaboration of bureaucracies,codified law and taxation and redistribution economy--required an organizing

principle capable of stimulating inernal forces within pre-urban society which could lead to synoecism of  villages and to higher levels of socio-political integration..on the eve of Spanish conquest, Islam had already begun to serve as a powerful stimulus to change...” (Reed,l978:3)

        Tinutukoy ni Reed ang mga komunidad sa daungan na nadatnan ng mga Kastila noong dntaong 1500. May mahigit sa 2,000 kataong nakatira dito at maunlad na ang kanilang kalakalan.Nagpupunla na ng Islam sa ilang kabayanan sa Gitnang Luzon. Gayundin, mayroon nang kinikilalang mga pinuno sa Maynila at Tondo na nakikita sa umaabot hanggang ibang bahagi ng kalapit na komunidad. Maging si Raha Sulayman ay nagpapasimuno na ng kumpederasyon sa pagitan ng mga komunidad na Muslin sa bunganga ng ilog Pasig. (Reed, l978: 3-5) Samaktwid, nakalatag na ang mga punla ng isang urbanidad na hindi batay sa pamantayang Kanluranin. Kaya nga ba’t mahalaga ang pagkontrol ng daluyan ,ang ilog , at ng daungan sa bunganga ng ilog,  dahil narito ang sentro ng kalakalan at pamahalaan sa mga barangay na kontrolado ng Islam.Kailangang maagaw ng kolonisador ang kapangyarihan at kontrol sa kalakalan upang malubos ang kontrol sa bagong kolonya.                                        

        Makikita ito sa urban planning ng pangkaraniwang baryo napanghawakan ng mga Kastila na tinawag na plaza complex.. Gayundin, ang paglikha ng mga kalye mula sa siyudad tungo sa baryo sa kabundukan ay nakalilikha ng panibagong sentro ng komersyo sa buhay ng mga tao. Ang mga kalye ang bumabagtas sa pagitan ng mga sentro at baryo at ito’y nalilikha mula kaalamang hawak ng kolonisador. Dito rin nakapaloob ang pagpapalaganap ng bagong konsepto  ng sentro ng komersyo, hindi sa palitang likha ng mga pangunahing ilog at tributaries kundi sa pamamagitan ng mga kalye   sa sentro ng komersyong kontrolado  ng kolonisador at naghaharing uri.

        Sa malawak na pagpaplano ng mga lansangan at daluyan ng mga produkto para sa itinatayong siyudad, hindi lamang teknolohiya ang kailangan kundi maging mga panandang maaaring gamitin sa pagkilala ng mga lugar na binabagtas ng mahahabang lansangan, riles ng tren o daungan ng mga barko . May mga punong malalaki, tulad ng mga puno ng sampalok sa gitna ng klaye Narra sa Proj. 3,Quezon City  na maaaring gawing markers. Mayroon ding mga senyales tulad ng mga traffic signs. Mayroon ding mga larawan ng babae tulad ng nasa karatula ng PAL na nagsasabing “Mabuhay!Welcome to the Philippines.” Higit sa lahat ,maraming lugar ang nakikilala at ipinakikilala sa pamamagitan ng mga larawan ng mga babaeng nagsisilbing pananda sa mga lugar na ito tulad halimbawa ng Makati Avenue, M.H. del Pilar, Ongpin, Quezon Boulevard, Elliptical Road. Ito ang lalong kilala bilang tambayan ng mga babaeng nagbebenta ng seks para sa mga parokyano.

         Ano ang ugnayan ng babae at ng kalye? Ano ang ugnayan ng babae bilang pananda ng mga daluyan ng produkto at ideya sa siyudad?

ANG MGA BABAE SA MGA DALUYAN AT KALAKALAN SA SIYUDAD

         Sa mga lugar kung saan nagbubukas ang mga ilog at kalye, dito kinikilalang mga sentro ng pamilihan o kalakalan. Dito dumadaong ang mga barko mula sa ibang lugar. Dito rin binabagsak ang mga produktong pangkalakal at iniimbak sa mga malalaking warehouse. Halimbawa na nito ang lugar ng Binondo. Dito sa Binondo nakalugar ang  pabrika ng sigarilyo namay 15,000-20,000 manggagawang karamihan ay babae. Ang Binondo rin ang sentro ng pagtitingi.Narito rin ang mga otel, at ang pangunahing teatrong nagpapalabas ng mga dulang kontinental. (Bankoff, l996:41)     Tinawag ni Gironiere ang Binondo bilang ang “city of pleasure,luxury and activity.It is also that of amorous intrigues andgallant adventures.” Interesante ang paglalarawan sa pamamasyal ng mga Kastila,Pranses at Ingles sa gabi, sa pagpunta nila rito upang pagmasdan ang mga kababaihan  india. Magandang pagkakataon ito sa mga dayuhan upang pagmasdan ang mga kababaihan pagkat suot nila ang mga damit na maninipis at nakaaaninaw ng kanilang magandang katawan. Mahusay ang pagkakalarawan sa mga kababaihang may lahing Kastila-Tagalog at Tsino-Tagalog, katangi-tangi at kakaiba sa inaasahan ng mga bagong saltang-dayuhan.

        “That which distiguishes the female half-breeds is a singularly intelligent and expressive physiognomy. Their hair,drawn back from their face, and sustained by long golden pins, is a marvelous luxuriance...A transparent chemise, of the same stuff as the headdress,descends as far as the waist,but not concelaling, a bosom that has never been imprisoned in stays...Nothing can be more  charming,coquetish and fascininating than this costume which excites to the highest degree the admiration of strangers.” (Gironiere,l854:35-36).

        May paghanga at pagnnasa sa paglalarawan ng dayuhang ito.  Ang pagkilala hindi lamang sa alindog na sekswal ng babaeng india . Ngunit saan nagmula ang mga babaeng ito?

        Bilang pinakapopular na red-light district noong dantaong labingsiyam, sa Binondo makikita ang mga lugar ng mujeres publicas. Karamihan sa mga kababaihang ito ay mga dating labandera at criadas . Marami sa kanila ang mula sa baryo at tumungo sa lungsod upang maghanap ng mabuting buhay; 28 porsiyento lamang ang pinanganak sa Maynila sa pagitan noong 1871-1896. Karamihan sa mga mujeres publicas na nasa kalye ay pulos kabataan: 41 porsiyento nang mga nahuli noong pagitan ng taong 1871-1896 ay mas bata pa sa edad 20 at 68 porsiyento naman ay mas bata pa sa edad 25. Karamihan sa mga ito ay pinamamahalaan ng  mga cavecillas de prostituta na siyang nag-aalok ng serbisyo sa mga patron. (Bankoff,l996:41-46) Ang mga babaeng nahuhuli  ay pinarurusahan sa pamamagitan ng pagpapatapon sa Davao o Balabac island sa bandang timog ng Pilipinas. Ang mga babaeng ito ay maaari lamang mapigilan sa pagpapatapon kung may lalaking magpapakasal sa kanila. Maraming kaanak ang naghahanap ng mga lalaking maaaring magpakasal sa kanilang anak. May ilang kaso naman na ang mga babaeng pinakakasalan ay ginagawang alila sa bahay o di kaya ay pinagtatrabaho muli bilang puta upang makapagsugal at makapagsabong ang kanyang napang-asawa. (Camagay, l989:123-124). Sa pagpasok ng dantaong labingsiyam, nagkaroon ng malawakang paghihigpit sa mujeres publicas dahilan sa paglaganap ng syphillis . Subalit dahilan sa  napakahirap ng pagpapatupad ng pagpalis sa mujeres publicas dahil na rin sa tulong na nagagawa nila sa pagpapahilom ng pagod ng mga mangangalakal na Tsino, minabuti na lamang na bigyan ng restriksyon ang mga ito sa halip na patawan ng mas mahigpit na parusa. Noong 1897, binigyan ng kapangyarihan ang Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan  na  magbigay ng katibayan ng kalusugan at lisensiya sa mga mujeres publicas na magpapatingin sa kanila. Dahil dito ang mga mujeres publicas ay kinailangang kumuha ng katibayan na wala silang sakit upang makapagpatuloy sila sa pagtatrabaho.(Bankoff,l996:41-44)

        Ang paglalako ng serbisyo,kasama na ang komersyal na pakikipagtalik ay ginagawa din ng mga kababaihang Ifugao kapalit ng mga konsumong tulad ng bigas,asukal ,dami,salapi at iba pang kailanganin.Bago dumating ang mga Kastila sa Kordileyera, hindi kilala ang kosnepto ng pakikipagtalik na komersyal. Nang dumating ang mga Kastila at Pilipinong sundalong nag-aalok ng pera kapalit ng serbisyong sekswal, naimbento ang salitang “caballeriza” na nangangahulugang “stable” at ang salitang “kabuleleha” ay ginamit para tukuyin ang mga babaeng naglalagi sa mga lugar na ito. Nagpatuloy ang ganitong gawi hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.Naging laganap ito sa mga lugar kung saan laganap ang sistemang “wage income” tulad ng Kiangan, Banaue at Mayoyao. Mayroon ding mga baryong makilala dahil sa mga kababaihang “kabuleleha”.  Ang Cambulao, sa hilagang Ifugao, kasama ang Barlig at Natonin ng hilagang Bontok ay kilala sa mga tinatawag na “red house.” Bukod dito, kilala ang mga kababaihan mula sa Cambulo na dumarayo sa mga kampo ng mga nagtatrabaho sa kalye upang maglako ng  serbisyong sekswal. Paglaon, nakilala ang Cambulo bilang lugar na pinupuntahan ng mga sundalo at manlalakbay na nais “mag-good time.”(Jenista,l987:208-209).

        Bukod sa Tondo, kilala rin ang lugar ng Sampaloc bilang pugad ng mga”kalapating mababa ang lipad.” lalo na sa isang kalyeng kilala bilang Gardenia. Noong unang bahagi ng pananakop ng  Amerikano sa Maynila, sa maliit na halaga, maaaring kalimutan ng isang lalaki ang kanyang sarili at maglunoy sa makamundong kaligayahan. ((Agoncillo,l978:57)

        Sa sitwasyong ito, ang babaeng nagbibigay ng serbisyong sekswal ay naiugnay sa mga lugar na ginaganapan ng kalakalan. Hindi lamang kalakal ang ibinagbagsak sa pamilihan kundi maging ang mga katawan at serbisyo ng mga babae.

        Sa paglaganap ng kalakalan sa Pilipinas, isa sa mga lalong popular na lugar sa bawat baryo ay ang palengke o pamilihan.         Kadalasang makikita ang palengke sa isang bahagi ng kabuuuang plaza ng isang karaniwang baryo. Sa mga espesyal na araw, maaaring kumalat hanggang sa plaza ang mga pagtitindang nagaganap sa palengke. Sa mga ganitong araw makikita ang pagtitinda ng mga sariwang karne (  na hindi itinitinda sa mga regular na araw) , ang pagdating ng mga naglalako at ang pagdagsa ng mga taong mula sa ibang baryo na hindi dumarating sa palengke araw-araw. Kadalasang matatagpuang nagtitinda ay ang mga kababaihan; ang mga kalalakihan ay tumutulong lamang sa pagdadala at pagbibitbit ng mga produkto sa palengke ngunit kadalasa’y nagliliwaliw na sa sabungan (Hart,1955:27).Bukas ang pamilihan mula umaga hanggang gabi. Dito mahahanap ang lahat ng uri ng mga produkto mula sa bigas, isda, gulay,prutas, at iba pang mga pangangailangan ng mga tao na itinitinda ng mga kababaihan.  Sinasabing ang pinakamagagandang prutas at gulay ay mula sa probinisya ng Kabite, dala-dala ng mga kababaihan sa mga basket na nakapatong  sa  kanilang ulo(MacMicking,1967:104-105)

        Karaniwan nang ang kababaihang Pilipino ang may hawak ng pisi sa isang pamilya. Ayon sa salaysay ni Le Roy, hindi karaniwan ang kalagayan ng babaeng Pilipina kung ihahambing sa ibang babaeng Oriental. May relatibong kalayaan ang babaeng Pilipina at totoong malaki ang bahaging ginagampanan nila sa pagkontrol ng pamilya, sa larangang sosyal at larangang pang-ekonomiya. Mayaman man o mahirap, malakas ang karakter ng mga kababaihan at higit na mahusay sa negosyo kaysa sa mga kalalakihan.(Le Roy,l969,27) Karaniwang ang mga babae ang bumubuhay sa kani-kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke ng mga gulay, bigas, mga banga o habi ng abaka. (Hart,1955,27) Makikita rin ang mga kababaihan sa pintuan ng sabong bilang takilyera ng bayad  sa sabungan o sa pintu.Sila rin ang nagtitinda ng mga kakanin, nganga, tabako sa labas ng sabungan.Samantala, ang mga batang babae naman ang nagtitinda sa mga nanonood sa loob ng mga teatro,kasunod ang kanilang mga ina. (Le Roy,l968:33-34,l94-197) Bagaman napasok na ng mga mumurahing koton mula sa bansang Aleman at Inglatera ang pamilihan mula nang magbukas ang Suez Canal, nanatiling larangan ng kababaihan ang maliliit na industriyang pantahanan tulad ng paghahabi at pagbuburda. Sa pangkalahatan ang pagtitingi ay tinuturing na teritoryo ng mga kababaihan pagkat magaling sila dito. Ang mga kalakalang  hindi nangangailangan ng tawaran ay para sa mga kalalakihan.(Fegan, l977: p.2657) Mas nais nang maibenta ng mga kababaihan ang kanilang tinging paninda sa isang kapwa Pilipino, matapos ang mahabang tawaran at kuwentuhan, kaysa sa mga dayuhan  , nang maramihan sa mas mababang halaga.(MacMicking,l967: 106)        

        Pansinin halimbawa ang paglalarawan ni Carlos Bulosan  sa mga kababaihang nasa pamilihan sa nobelang “Amerika is in the Heart” na itinuturing bilang isa otobiyograpiya ng awtor sa panahong 1920’s..

        “ My mother’s trading business was very simple and primitive..We awakened in the early morning and filled the earthen jar with bogoong, or salted fish, and peddeled it int the villages. My mother carried the jar on her head,while I carry a long tube of salt on my shoulder. ..My mother and I carried on our trade with the peasants by barter.For one cup of salt ew would get three cups of rice or four cups of beans;but for one cup of salted fish, which was more valuable than salt, we would get five cups of rice or six cups of beans. Sometimes the peasant had no rice or beans so we willingly accepted chicken eggs.( Bulosan, n.d.:33)

        “It was five in the morning when we started with big baskets of beans on our hands.The overland highway had just been finished on our side of the Kataklan River, but beyond it and on to Puzzorubio it was still muddy.” (Bulosan,n.d..36)

        Ang paglalarawang ito ni Bulosan ay kakikitaan ng karaniwang bahagi ng babae sa pamilya bilang tagalako ng mga produkto sa komunidad at sa pamilihan. Ang paglalagi ng mga kababaihan sa pamilihan ay nakapagbigay sa kanila ng maraming pagkakataon. Una kinikilala na dahilan sa sila ang nagdadala ng mga produkto sa pamilihan, sila ang nagkakaroon ng pagkakatoang makakilala ng mga bagong mukha at makasagap ng mga bagong balita. Pansinin halimbawa ang salaysay ni Bulosan  sa  “America is in the Heart”  ay ukol dito:

        “Selling bogoong (salted fish)  and salt with my mother gave me an opportunity to meet many people and to become part of their lives...When we reached our destination we knew at once that we would have a good day.Whie my mother sat in the booth, behiond her two baskets of beans, I stoodon the cement pavement and watched the buyers going by. they were more elegant there than in our town. The marketers were dressed in immaculate white dresses. The women were agile in their leather slippers.Sometimes they came by carromata or horse-drawn flimy cab ..My mother brightened up when the more well-to-do citizens came with their servants. When we dished out the beans with polished coconut shell, her hands trembled and the beans spilled over the pavement.Se did not pay too much attention to her work but was admiring the delicately emrboidered dresses of the rich women, their smooth,silk handkerchiefs and he eay they carried themlselves in the market. For the first time I realized that mother,always in rags,noticed how people wore elegant clothes and walked royally in the crowded place.

        A young girl who came into the market with two women servants attratced general attention.I knew immediately that she had not come to buy anything but to display her elegant dress and obedient servants. She walked like a queen between the long row of cloth dealers,poking at their merchandise with her tiny silk umbrella. Then having poked every roll of finery came to our side of the market; and the traders of beans and rice looked upon from their baskets,trembling with envy and admiration for the beautiful creatures “ (Bulosan,n.d.:.37)

        Dahil sa pangangailangan ng  gawaing pagtitinda, napipilitan ang mga kababaihang matuto ng mga kasanayan tulad ng pagbibilang, aritmetika na kailangang nila para sa maaayos na palitan. Gayundin, dito nila naeenkwentro ang mga bagong ideya at inobasyon. Halimbawa ang konsepto ng sanitasyon na malayo sa hinagap ng sinaunang Pilipino (LeRoy,l969:30) ay ipinakilala sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksyon ng mga pagkaing itinitinda noong panahon ng Amerikano. Sa mga tindahan din ng lutong pagkain unang na-enkwentro ang gamit ng kubyertos na hindi madals gamitin ng mga taga-baryo. Dito rin naipapakila ang mga bagong pagkain at gamit, mga dayuhan at bagong salta sa baryo pati na balita mula sa ibang bayan na nababasa sa mga supot ng pinamili (Hart,l955:29-30. ) May salaysay si Hart ukol sa  pag-aangkat ng mga lumang diyaryo sa mga maliliit na baryo sa Pilipinas para gamitin bilang recyled na supot noong l953. Sa mga pamilihan din, tulad ng mga itinatayo tuwing may pista, sinasamantala ng gobyerno ang pagpapabatid sa madla ng nais nila pagkat dito nakikita ang mga hindi halos nakararating sa plaza.(Hart,l955;40)         Ang mga pista ay nagkakaroon ng mahahalagang gamit para sa mamamayan. Pagkakataon ang pista para sa propagandang pulitikal lalo na sa mga lugar na hindi madaling maaabot . Pangalawa, sa mga parada at mga karosa sa parada, nakapagpapakilala ng mga bagong impormasyon at ideya tulad ng mga bagong gamit ng asin, disenyo ng basket at iba pa. Pangatlo, sa mga pista naipapakilala ang mga bagong gamit at ideya lalo na sa mga taga-baryo.Halimbawa, ang pagpapakilala ng ice cream ,mansana at orange at mga laruan  ay naganap sa mga pista. Sa madaling salita, ang mga dayong may dalang bagong ideya ang isang mahalagang salik ng pista. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit nag-aangkat pa ng mga taga-siyudad na  artista ang mga baryo tuwing pista. Ito na kasi ang naksanayan nilang konsepto ng pista. Gayundin, napalalawak ng mga pagpapakilala ng mga tauhan na mula sa ibang bansa (tulad ng sarsuwela o moro-moro) ang mundo ng mga taga-baryong walang-ideya ukol sa itsura ng ibang lugar o bahagi ng mundo. Gayundin, dito nakikita ng mga tagabaryo ang mgabagondisenyo ng damit o ang mga bagong uso na siya naman nilang gagayahin para sa susunod na pista (Hart,l955:46-50). Sa mga pamilihan din nagaganap ang palitan ng balita, ang interaksyon at pagpapakita ng pagkakaiba ng uri  sa lipunan at mga inobasyon sa pamamagitan ng pagpapakilala ng lahat ng uri ng mga produkto.(MacMicking,l967:104).

        Bukod sa mga produktong dala ng mga kababaihan sa pamilihan, bahagi rin ng kanilang inilalako ay ang serbisyong domestiko o komersyal. Sa pag-aaral  ni Luisa Camagay sa mga kababaihan noon dantaong -labinsiyam, inisa-isa niya ang mga trabahong pinapasok ng mga kababaihan. Ang mga ito ay ang pagiging lavanderra,tenderra,cigarrera,criada (katulong), maestra,matronas titulares, mujerespublicas. Karamihan sa mga gawaing ito ay  may kinalaman sa pagdadala ng isang produkto o isang uri ng serbisyo. Sinasabing ang mga babae noon  (at kung tutuusin ay hanggang ngayon) ay nakikilala sa mga produktong kanilang nilalako--si Aling Maria Magsusuman  si Aling Petrang Lechera , Aling Juaning na Mangguera , si Felisang mujeres publica at kung anu-ano pa. (Camagay,l995:3-99) Madalas, sa ulo nila ito sinusuno upang ilako sa baryo o sa komunidad. Tingnan ang mga larawan ng mga kababaihang tindera sa apendise. Madalas, kapag nakukunan ng larawan ang mga kababaihang ito’y nagkakahalo na ang imahe ng babae sa itsura ng kanyang mga produkto. Ang kanyang tapis at barong napapalamutian lamang ng bahagyang kulay bughaw  at linya ay nabubuhay sa  matitingkad na kulay ng mga prutas,gulay at iba pang produktong  agrikultural na nilalako niya.

        Ano kaya ang epekto ng pagkilala sa mga babae kasama ng mga produkto at serbisyong kanilang inilalako?

        Pansinin ang paglalarawan sa mga babae maging sa pelikula. Sa pelikulang “ Titanic” (1998), kapansin-pansin ang hitsura ng mga headgear ng mga kababaihang nakasakay sa barko sa panahong 1900’s.Karamihan sa mga ito ay  may mga dekorasyong bulaklak na nagtatayugan at nagpapalaki sa ulo at kabuuang hitsura ng mga nagsusuot nito. Gayundin, ang mga disenyo ng mga damit ng kababaihan sa kasalukuyan ay kadalasang kinakikitaan ng mga  floral patterns at design , maging ang mga kulay ay may kinalaman sa kulay na kadalasang makikita sa mga bulaklak,prutas at mga produktong agrikultural. Maging ang ayos ng buhok na kulot , nakabolga , naka-tease upang umangat at magpalaki ng itsura ng ulo ay walang iniwan sa imahe ng mga malalaking puno, kung titingnan mula sa malayo. Dito sa Pilipinas, makikitang nagsusuot ng mga matitingkad na kulay ay ang mga kababaihang mula sa pook na hindi naaabot ng popularidad ng mga kulay na mahinahon. Ang mga kulay dilaw na mangga o di kaya’y lilang ube o di kaya’y naghuhumiyaw na kahel tulad ng kanlang mga produkto ay  sa mga kababaihang mula sa kanayunan makikita.

         May kinalaman kaya ang imaheng ito ng pagtutulad ng mga itsura ng puno at kababaihan sa karaniwang imahe ng mga kababaihan sa pamilihan?

        Maaari, pagkat kung susundan ang proseso ng pagtutulad ng imahe sa babae at sa produktong dala-dala niya, maaaring ang pagtutulad sa mga produktong agrikultural ay nagiging isa sa imahen ng mga babaeng nagdadala dito. Kaya nga ba’t mas naiuugnay ang mga kulay na tulad ng sa mga prutas at bulaklak, imahen ng punong pinagmumulan ng mga prutas at pati na ang mga bulaklak at kulay nito sa mga babae pagkat sila ang nagdadala nito sa pamilihan at sila rin ang nagaalaga nito sa mga bukirin.

        Sa isang banda, maaaring  hindi  lamang ganung kasimple ang prinsipyo ng pagkilala at representasyon., pagkat ang mga babaeng nagsusuot ng mga sumbrero at nagsusuot ng mga floral patterns at kulay na tulad ng sa nabanggit  ay hindi naman mga kababaihang indio ,pagkat sa panahon ng 1900, ang mga babaeng indio ang itinuturing na pinakamababa sa uri ng mga kababaihang kinikilala sa Pilipinas.(Tiongson,l977: 1783  ) Nariyan ang mga babaeng Kastilang ipinanganak sa  Pilipinas (criollo,criolle o creole) , ang mga may lahing Kastila-Pilipino na kilala bilang mga mestisa at ang mga indio. Kung ang mga indio ay madalas makita sa mga pamilihan pagkat nagdadala ng mga produktong mula sa mga probinsiya at bukid, ang mga kababaihang creole at mestisa ay nakikita naman sa simbahan, sa mga tertulia , at sa bahay , habang walang kapagurang nagpapahinga mula sa nakakapagod na pag-aayos ng sarili at pamimili ng mga tela sa mga tindahan ng Intsik ng walang nabibili.(Gironiere,1854:34-36   )         

        May kinalaman din ang pagpapatupad ng patakaran ng pamahalaan sa kalakalan para sa itsura ng mga babae. Halimbawa, ang paggamit ng kulay na hindi bughaw at indigo ay maaaring may kinalaman sa patakaran sa kalakalang ipinataw noong panahon ng Kastila. Maingat ang mga  indio sa pagteterno ng kulay ng kanilang mga damit, lalo na ang mga kababaihan. Malaking halaga ang inilalaan nila sa pagbili ng mga kagamitang pangkasuotan tulad ng mga aretes at iba’t ibang disenyo ng saya. Paborito ang kulay na bughaw at indigo kaya’t kahit na magkakaiba ang nais nila sa mga disenyo at patern ng damit  ay nakaayon sa mga kulay na ito. Hindi nila iniisip na magiging bagay sa kanila ang mga kulay tulad ng dilaw. Batid ito ng gobyerno  nang magtakda sila ng mas mataas na buwis para sa mga kagamitan sa damit na kulay bughaw o indigo.Hinayaan nilang makapasok sa bansa  sa mas mababang buwis ang mga produktong kulay  dilaw at iba pang kulay na hindi gusto ng mga indio.  Hinayaan  pa nilang makapasok sa pamilihan ang isang uri ng dilaw na cotton twist nang walang buwis. Kung ano man ang layunin ng gobyerno sa palakad na ito ay hindi tiyak. Maaaring ito’y upang gawing pangit ang mga india na pinagseslosan ng isang asawa ng isang opisyal na gobyerno; maaari ring bahagi ito ng plano ng pagkawala ng paggalang sa sarili ng mga katutubo upang higit silang madaling mapanghawakan sa harap ng mga mapuputing criolle.(MacMicking,l967:136)

        Bukod sa patakaran ng gobyerno, nariyan din ang mga patakaran ng simbahan na sinusunod ng mga indio. .Sa mga karaniwang indio, ang pagsubay sa sinasabi ng simbahan ang pinakamainam na edukasyong gabay sa pang-araw-araw na buhay. May mataas silang pagtingin sa sinasabi ng simbahan kaya’t anumang sabihin ng pari ay itinuturing na batas. Malakas ang impluwensiya ng pari sa mga gawi at pagpapahalaga ng mga mamamayan. Halimbawa,  ang unang gawain ng isang alila ay ang pagliinis ng simbahan at pagdarasal. Matapos nito, maaari na niyang gawin ang anumang makasalanang gawain nang hindi nag-aalala sa mga idudulot nito. Gayundin, hindi nakalilimot ang mga kababaihan sa pagdarasal ng kanilang mga orasyon sa takdang oras na kadalasa’y ipinaaalala sa pamamagitan ng kalembang ng kampana. Bukod sa pamilihan, ang simbahan ang isa rin sa mga larangan pinaglalaanan ng kababaihan ng kanilang serbisyong walang bayad. Maraming nagsasabing siyam na buwan matapos ang isang pista, maraming anak na bastardo ang isinisilang.(MacMicking,l967:44-45)

        Bukod sa lokal na kalakalan, ang kalakalan sa mga baybaying dagat  ay pinapayagan lamang sa pagitan ng mga lokal na mangangalakal at hindi sa mga dayuhang mangangalakal.(MacMicking,l967:160-163). Kaya’t ang dayuhang mangangalakal ay mahalagang magkaroon ng lokal na kasosyo sa negosyo upang mapaunlad ang kanyang kalakalan. Ang mga manlalakbay noong unang panahon ay walang matuluyang disenteng lugar kung kaya’t ang mga kumbento ang nagsisilbing tuluyan para sa kanila. (Tiongson,l977:1785/Wilcox,l901:155-156)Naririto ang mga babaeng napipilitang magbibigay ng serbisyong libre sa paniniwalang bahagi ito ng kanilang serbisyo sa simbahan. Marami rin sa mga Kastilang napupunta sa Pilipinas ang walang-asawa kaya’t nakagawian nanilang mamili ng isang kakasamahin mula sa mga mestisa o di kaya ay mga india. Higit na kilala ang mga india sa pagiging tapat pagkat tinitingnan nila ang ganitong relasyon kaugnay ng pagpapakasal  at pag-aasawa. Gayunpaman, hindi nila itinuturing na imoral ang pakikiapid nang walang basbas ng kasal.  (MacMicking,,l967:51).          

        Ang pagiging bahagi ng kalakalan ay nangangailangan din ng angkop na kaanyuan at hindi lamang kasanayan.Dito nasok ang pamantayan ng kagandahang kinkilala ng mga Kastila. Ang konsepto ng kagandahang dala-dala ng mga babaeng Kastila ,halimbawa, ay halaw pa sa pamantayang mula sa Espanya. Sinasabing ang pamantayang ito ay mula pa sa pamantayan ng “wit,smut and scandal” mula sa Pranses noong dantaong labingpito.

        “The Spaniards said that to make a woman all perfect, complete and absolute in loveliness, she must needs have thirty several beauties, the which a Spanish lady did once enumerate to me at Toledo...

        Three things white:            skin,teeth and hands

        Three black:                       eyes,brows and lids

        Three red:                         lips,cheeks and nails

        Three long:                       body hair and hands

        Three short:                     teeth ears and feet

        Three broad:                    bosom,forehead and space between the eyes

        Three narrow:                 mouth,girth of waist and ankle

        Three big and thick:         arm,thing and calf

Three long and fine:          fingers,hair and lips

        Three small and delicate:          breast, nose and head” (MacMicking,l967:56)

Ang mga babaeng Kastila ay mapuputi at higit na marikit sa gabi kaysa sa araw. Mahilig sila sa masasayang kulay upang mabigyan ng kulay ang kanilang maputlang kutis.Bagaman madaldal sila at masayahin, bihira silang makilala sa mga usapan bunga ng hindi mahusay na edukasyon.  Karamihan sa mga babae’y tumataba pagsapit ng edad treinta.Ang mga ibang nahihiyang sa klima at nananaba at gumaganda samantalang ang iba naman ay nangangayayat at pumapangit. Gayunpaman, ang kanilang mga gawi ay makinis at kasiya-siya. Ang kanilang gamit ng pamaypay ay para sa panghahalina  ng isang napupusuan at pangdedepensa sa sarili. Ang damit ng mga Kastila ay nakasunod sa uso sa Pranses. (MacMicking,l967:55-57).

        Mahirap ilapat ang pamantayang ito sa babaeng india pagkat kaiba ang kanilang itsura. Ang mga babaeng india ay magaganda kahit na maitim ang kanilang kutis. Ang kulay ng kanilang dugo ay nakikita sa kanilang pisngi at nakalilikha ng maganda kulay.Sinasabing ang kanilang mga mata’y napaliliwanag ng katalinuhan at ekspresyong hindi mahahanap sa iba pang babae sa kapuluan. Kapansin-pansin din ang kabukasan ng kanilang itsura nalalong nagiging kahali-halina kapag nasamahan pa ng kayumihan ng mga Asyano. (MacMicking,l967:108) Gayunpaman, mayroon din namang mga dayuhang nagsasabing pangit ang mga india. Ang  katangiang makapagsasalba sa kanila ay ang kanilang kalinisan. Bukod dito, katangi-tangi ang kanilang maparaanin, tiwala sa sarili, pagpigil sa sarili sa salita at gawa, maayos na decorum,katipiran, pag-iingat, katahimikan, hospitalidad at tama bagaman hindi malikhang panlsa. Wala silang masasabing “social manners” pagkat hindi nila kayang abutin ito. Karaniwang ang mga india ang nagtatrabaho sa pinakamababang antas ng lipunan. Sila ang nagbuburda ng mga tela, nagbabalot ng tabako sa mga pabrika, nagaalaga ng mga bukid, nag-iigib ng tubig,naglilinis ng mga bahay upang magkaroon ng panahon ang mga mestisa at criolle na makadalo sa simbahan at mga tertulia at upang magkaroon ng pagkakataong yumaman ang mga mestisa mula sa kanilang pinagtrabahuhan. Sa dami ng gawain ng mga india, ni hindi nila kayang magpakasal  o di kaya’y makapagpapakasal na lamang sila kung mayroon na silang sapat na perang pambili ng mga pangangailagan para sa bahay. Wala na rin silang panahong magpaganda.(Tiongson,l977:1780-1786)

        Samantala,ang mga babaeng criolle ay maghapong nakahilata sa kama at hindi mabubuhay ng walang nakaalalay na muchacha. Matapos gumising ng tanghali na at mag-almusal,magpapahinga ito ng siesta at gigising na lamang sa bandang alas-singko upang maghanda para sa paglalakad sa parke at pagdalo sa mga tertulia matapos ng hapunan. Sa pangkalahatan, walang gasinong ginagawa ang babaeng criolle kundi ang maghilata,magpasyal at magpaganda. Dahilan na rin marahil sa kanilang maputlang kutis na gumaganda lamang sa lamlam ng gabi kaya sa gabi lamang nakikitang lumalabas ang mga kababaihang criolle.(Tiongson, l977:1780-1786   ).

        Ang india ay karaniwan nang masipag, masayahin ,tahimik at maalalahanin sa kanilang mga responsibilidad. Maraming mahusay sa pagbuburda at nakalilikha ng mahuhusay na panyo at burda ng pinya na natatapos sa loob ng anim-labindalawang buwan ang isang burdang ga-panyo ang laki.. Ang mahabang panahong inilalaan sa paggawa ng ganitong uri ng produkto ay patunay lamang sa kasipagan ng mga kababaihang ito. (Wilcox,l901:201,208). Gayunpaman, ang mga binurdahang sinamay na ito ay igingawa ng mga india para sa mestisa na siyang nagtitinda ng mga produktong ito sa pamilihan. Tinatawag na sinamayera ang mga ito, pagkat  bagaman  karaniwang inda ang nagbuburda ay nakukuha rin nilang gawin ang gawaing ito habang nakikipaghuntahan sa kanilang mga manliligaw, suot-suot ang magagandang sinamay kanilang itinitinda. (Camagay, l995: 43 ) Mga mestisang sinamayera lamang ang maaaring makapagsuot at pagtinda nito pagkat hindi ito mabebenta ng simbilis kung ang india ang magsusuot nito at maglalako. May malaking kinalaman ito sa konsepto ng kagandahan na pilit na ginagaya ng mga mestisa mula sa mga Kastilang kanilang binebentahan ,pagkat sila ang may pera at sila rin ang larawan ng sulong na urbanidad na pilit nilang inaabot mula sa kanilang kalagayan sa lipunan..Wala silang ipinagkaiba sa mga modelo ng mamahaling damit at couture fashion sa kasalukuyan. Inilalako ng mga babaeng maganda at may tinatawag na “class” ang mga damit na ito sa mga fashion show at sa mga karatula sa kalye  at maging sa mga magasin at pahayagan. Maging sa itsura ay napipilitang umangkop ang india upang makalugar lamang sa kalakalan sa urbanidad.

        Paano nating sisipatin ang kababaihan,kalakal at daluyan sa panahon ng urbanisasyon?

        Karaniwang service-oriented , matrabaho at mabusisi ang partisipasyon ng babae sa moda ng produksyon sa lipunan. Pangangalaga ng hayop, halaman, anak, asawa at bahay. Sa pataniman, ang mga babae ang nagbebenta ng mga gulay na inani, mga isdang nahuli sa karagatan at iba pang produkto. Sila ang “nagbababa” ng mga ito mula sa bundok o bukid tungo sa siyudad upang ibenta sa mga pamilihan. Sila rin ang  unang nakakasaksi sa mga bagong reglas o regulasyon na itinatakda ng urbanidad sa mga indio. Gayundin, ang mga lugar sa  pamilihan  ay nakikilala sa mga produktong  nilalako o tinitinda rito. Ang mga lugar ay binabansagan ng mga pangalan ayon sa vegetation o pananim na nakikita rito. Sa kaso ng mga babaeng naglalako ng kanilang paninda, ang mga babaeng ito ang isa rin sa mga kaparaanan upang matandaan ang isang lugar--sa produktong nakalako rito , na may kasamang mga babaeng naglalako nito. Sa ganitong pagkakataon, ang mga babae ang mga unang marker ng mga lugar na kahahanapan ngmga produkto o kalakal ng isang pamayanan pagkat ang produkto at babae ay kasingkahulugan dahilan sa  asosasyon ng produkto sa naglalako at ng naglalako sa produkto. Ang mga babae ay nagiging pananda dahilan sa mga paninda nila--produkto man ito o serbisyong bahagi ng pagpapadaloy ng pag-unlad sa kalakalan. Ang babae ay nagiging pananda dahilan sa kanilang paninda. Babae-paninda-pananda.

        Sa mabilis na daloy ng mga produkto mula sa bundok at bukid tungo sa siyudad, mahalagang papel ang ginampanan ng mga kababaihan bilang tagadala ng produkto  at komersyo pati na ang serbisyong kakabit nito. Kapagdaka ang mga babae at daan,direksyon tungo sa isang lugar ay naging magsingkahulugan na rin. Ang karatula ng PAL para sa pag-welcome ng mga bagong dating mula sa isang lugar, ang mga advertisement ng Shell para sa isang bagong produktong para sa kotse ,na ginagamit bilang moda ng transportasyon ng tao at produkte sa mga kalye, ang mga karatula sa mga mall na nagtuturo ng this way please ay bahagi rin ng kabuuang larawan ng babae, produkto,daluyan.

        Sa jeepney, ang mga road signs at regulations ay pinapakita sa mga sticker na may kasamang babaeng naka-bikini o babaeng seksi. Maging ang mga salita ay doble ang kahulugan. Halimbawa,  isang babaeng naka-bikini at naka-pose ang kasama ng karatulang  “danger: sharpcurves ahead,” ;gayundin sa “do not enter at oneway.” Katabi  ng mga sticker na ito ang mga sticker ng Ina ng Laging Saklolo at  Our Lady of Antipolo (Ina ng Kapayapaan at Kaligtasan sa Paglalakbay). Dalawang magkaibang imahe ng babae ,ang birhen at puta, ngunit kapwa bahagi ng kabuuuang larawan ng  produkto,traffic signs and regulations.

        Ang paglalarawan ng babae bilang pananda  sa magkaibang pananaw--bilang puta at santa  ay naglalagay sa babae sa isang pananaw pandaigdig na maaaring sa isang banda ay kakaiba sa konsepto ng babae bilang paninda at manininda ngunit maaaring sa huling pagsusuri ay maaari pa ring sipatin sa loob ng isang pangkalahatang diskurso ng kapangyarihan  at kaalaman sa loob ng mundo ng kalakal.

        Pansinin na sa simula at sapol, mahalagang bahagi ang ginagampanan ng kababaihan sa kalakalan. Sila ang lumilikha ng produkto, nagdadala ng mga produkto sa pamilihan, nakasasagap ng mga bagong inobasyon at ideya mula sa pakikisalamuha sa mga sentro ng pamilihan ng produkto at ideya. Bukod rito, bahagi rin sila ng mekanismong nagpapadaloy sa pagpapabilis ng kalakalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo sa mga tao--lalaki man at babae, para sa lalong maayos na daloy ng kalakalan. Samantala, ang mga mestiza sa pagpasok ng dantaong labingsiyam ay masasabing nakaukit na ng kanyang puwesto sa lipunan. Ito’y nagawa niya sa pamamagitan ng pangunguna sa mga kalakalan sa kalye na higit niyang napanghahawakan kaysa sa mga kalalakihang walang mabuting gawin kundi ang magsugal at maging gobernadorcillo o cabeza de barangay. Namasukan din siya sa mg paaralang pang-kababaihan tulad ng Sta.Potenciana  kung saan niya natutunan kung paanong sumunod sa doktrina ng simbahan kaya’t samantalang ginagawa niya ang mga gawi ng india na lubos naman niyang minamaliit ay pinipilit din niyang umayon sa mga pamantayang itinatakda para sa mga criolle.(Tiongson, l977: 1784)

        At ano ang natutunan niya sa loob ng simbahan, maging ito man ay sa pagiging utusan sa simbahan, tagapagsimba o bilang interna sa mga paaralang pinamamahalaan ng simabahan?

        Kung sisipatin sa mula sa karanasang kolonyal, ang doktrinang relihiyoso ay nakapagturo sa mga kababaihan (mesitza man o indio) ng mga pagpapahalaga’t gawi  na mula pa sa edad medyang kanliang pinagmulan. Kinakailangan ito ng kolonisador upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan. Kaibang-kaiba ang bahaging ginagampanan ng mga kababaihan sa Pilipinas kung ihahambing sa bahagi at turing sa mga kababaihan sa Europa noong panahon ng edad medya. At dahlan sa sila ang nakalulong ng tuwiran sa kalakalan, mahalagang malagyan sila ng supil upang matiyak ang paglalagay sa kanila sa tamang lugar sa lipunan, ayon sa punto de bista ng mga kolonisador. Sa panahong ang turing sa mga kababaihan  sa Europa ay isang malaking suliraning pinapasan ng mga lalaki upang mapalawak ang kanilang kayamanan at kapangyarihan, ipinakilala sa kababaihang Pilipina ang ganitong uri ng pagtingin sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga dapat at hindi dapat para sa isang tunay na babae,ayon sa mata ng mga kolonisador.(Aresty,l970:118) Kaya’t samantalang umaalagwa ang mga babae sa kalakalan, itinuturo naman sa kanilang ang kanilang lugar ay dapat na sa bahay lamang ,upang mag-alaga ng anak at mag-alaga ng asawa. Ito’y batay sa pagtitiyak ng lugar ng babae kaugnay ng lalaki--ang pagtitiyak ng kanilang pagiging ama ng mga anak ng babae.

        Ang pagsupil sa kababaihan ay bunga ng kanyang mahalagang papel sa lipunan bilang tagalikha at tagapagpadaloy ng produksyon. Kung sa reproduksyon ng tao, ang babae lamang ang makatitiyak ng ama ng kanyang anak; walang katiyakan ang isang lalaking kanya nga ang anak ng kanyang asawa kung hind niya ituturo at ipatutupad ang pagpapahalaga sa pagiging tapat at  sa chastity ng isang babae. Samakatwid,wala sa lalaki ang kontrol ng salinlahi ng kanyang lahi. Gayundin, kung ang mga kababaihan ang may hawak ng pisi sa kalakalan, nasa kababaihan din ang kapangyarihang pangka-kabuhayan. Kung hindi ito susupilin, ano pa ang magiging papel ng lalaki sa lipunan  kundi bilang palahian o “stud”? Tila kabaligtaran ito ng nananaig na pagtingin na ang babae ay palahian lamang ayon sa pananaw na pinalaganap ng relihiyong Katoliko na mula pa rin naman sa edad medyang may pagturing sa babae bilang pasanin at mga bagahe ng buhay. Ngunit bakit naging ganito ang paglalarawan sa kababaihan? Maaaring ang ganitong pagtingin ay mula pa rin sa gitgitan sa kapangyarihan sa pagitan ng kakayahan ng kababaihan at kalalakihan. Kung isusunod sa sinasabi ni Engels na ang babae ang naging unang pag-aari ng lalaki sa pamamagitanng monogamous na kasal at bunga na rin ng pagsuko ng babae ng kanyang kasangkapan sa produksyon dahilan sa kanyang papel sa reproduksyon ng lahi, lalabas na sirkumstansiya sa reproduksyon ng lahi ang may malaking kinalaman sa pagtatalaga sa babae ng lugar sa lipunan bilang pasanin at palahian lamang pagkat totoong babae lamang ang makagagampan ng papel na ito sa pagpaparami ng lahi. (Engels, 1972:29-49  ). Ang maikling panahong hindi nakasasabak ng tuwiran ang babae sa produksyon bunga ng panganganak ay lubhang pinalaki ng lalaki at nagbunga na ng pagtingin na pasanin at palamunin ang babae ng lalaki. Ngunit kung titingnan ang realidad ng babae , siya pa rin ang namamahala sa kuntil-butil na gawaing pangkabuhayan--mula sa paglalaba at pagluluto hanggang sa pag-aalaga ng bahay,bata,asawa,pananim at hayop. Samakatwid, mayroon pa ring tuwirang partisipasyon ang babae sa mga suportang istrukturang nagpapadaloy sa produksyon sa lipunan. At dahilan sa mahalagang daluyan ng produkto (kalakal man o tao) at kaalaman ang babae, mahalagang magkaroon ng mga batas , regulasyon at batas etikang makapaglalagay sa kanila at sa mga taong kasalamuha nila sa angkop na lugar upang mapadaloy ng maayos ang kalakalan sa lipunan. Kung gayun ang babae ay hindi lamang ipinagkaka-isa sa paninda at pananda kundi pati na rin daluyan  ng kalakal at kaalaman.Babae-daluyan-paninda-pananda-bata.

        Kung gayon, usapin pa rin ng pagpapanatili ng kapangyarihan ang usapin ng paglalagay ng supil sa kahalagahan at kapangyarihan ng babae sa lipunan. Ang paglalagay ng takdang lugar sa kababaihan sa lipunan ay walang ipinagkaiba sa konsepto  ni Foucault na spatialization o pagkakahon upang malagyan ng simula at hangganan ang sakop ng kapangyarihan ng isang tao o grupo  ng tao.(Fillingham,1993:121) Gayundin, ang konsepto ng pag-uulit ng mga kaisipang nais palaganapin ay makikita sa lahat ng bagay.(Selden,l993:160) Mahalagang maunawaan ang mga kondisyon at kalagayang naganap na maaaring kasabayang umiinog ng paglaganap ng kalakarang nais panatiliin. (Foucault,1970: 208).

        Ganito ang kaisipang isinasaad sa isang salaysay ukol sa nagaganap noong dantaong labingwalo.

        “ The 18th century...saw the beginnings of greater class distinction and social wariness than ever before. Little cause had existed when everybody knew his place and was reasonably content to remain in it. But not the social stratification grew more intricately stratified as the upsurge from below increased steadily and the middle class expanded. As Voltaire said, as in any beaker of ale, the expanding middle sought to merge with the froth at the top. The upper class struggled to prevent this and evolved a code of manners--regulations really-- modeled on those that governed court life but also composed of numerous private ceremonials observed in certain cliques and sets. Each ceremonial was an invisible bar against intruders and by the end of the century these had been codified into the rules of etiquette.” (Aresty,l970:129)

ANG BATAS ETIKA, BABAE, KALAKALAN, KAALAMAN AT DALUYAN SA SIYUDAD

        Nang ipatupad ng mga Kastila ang programang reduccion noon dantaong 1500, binago nila ang kaayusang pisikal ng sentro kung saan patitirahin ang mga taong mula sa gubat at bundok. Kailangang maging kaigay-igaya ang itsura at kalagayan sa lungsod upang mahikayat ang mga taong lumipat dito mula sa kanilang kinamulatang lugar. Ang paghahanda ng mga kalye, ang imprastruktura ng mga gusali at kabahayan, ang paglalatag ng plaza complex  ay bahagi ng aparatong magsasabuhay sa kalakarang nais ipatupad ng mga Kastila. Mapanghikayat man ito sa mga bagong kaayusang nais na ipasunod ng mga Kastila sa mga indio, ang higit na mahalaga dito ay ang pagsesentralisa ng kapangyarihan sa mga kolonisador sa paraang madali nilang makikita ang mga kilos at galaw ng mga tao sa pamamagitan ng estratehikong puwesto ng mga institusyong panlipunang magpapakalat ng kalakarang kolonyal. Ang bajo dela campana, ang puwesto ng kalakalan sa tabi ng munisipyo, ang pagkakalapit o konsentrasyon ng mga bahay sa malapit ng sentro ay indikasyon ng  pagiging malapit ng mga nasa poder na ito sa may-kapangyarihan. Ang sinumang hindi nakapasok sa espasyong ito ay itinuturing na tagalabas, taong-labas. (Baquiran,l 996: xi)

        Sa pagpasok  din ng dekada nobenta,  ipinatupad ang programang Philippines 2000 ng pamahalaang Ramos upang mapaunlad ang Pilipinas sa pagiging isa sa mga bansa sa Asyang mayroong tinatawag na tiger economy. Tampok sa programa ng Philippines 2000 ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng paghikayat sa mga dayuhang mangangalakal na magtayo ng negosyo sa Pilipinas . Nililikha ng gobyerno ang  maayos na kalagayang pisikal  at pulitikal upang mahikayat ang mga dayuhang mamumuhunan na mag-invest sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga highway, paglikha ng mga flyover upang mapabilis ang daloy ng trapiko, pagbubukas ng high-technology information superhighway, pagbubukas ng mga paliparang bukas sa mga international flights tulad ng sa Cebu at Davao, pagbuwag sa monopolyo sa telekomunikasyon at eroplano. Pinaunlad ang pagbubukas ng mga pabrika sa mga export-processingzone kung saan naka-konsentra ang mga malalaking pabrika at kung saan bawal ang welga, kontraktwal ang pagkuha ng mga manggagawa (kaya’t walang benepisyo). Nagbunga ito ng malakihang eksodo ng mga mamamayang nais mamasukan ng trabaho sa siyudad. Ang mga dating nagtatrabaho sa bukid na nagi nang pag-aari ng mga korporsyong agrikultura ay lumuwas ng siyudad bunga ng ginintuang pangako ng matiwasay na buhay sa lungsod.

        Sa pagdagsa ng mga mamamayan sa sentro ng urbanidad,  kinakailangang umangkop din sila sa daloy ng buhay sa loob ng urbanidad na ipinalalaganap ng may kapangyarihan.  Kaya nga ba’t mahalagang magtakda ng mga batas etika  o mga regulasyon sa dapat igawi o iasal ng mga tao upang makaangkop sa urbanidad. Ang ganitong pangangailangan ay dulot na rin ng nagbabagong realidad nang mas malapit na pakikitungo sa isa’t isa , lalo’t  kung ihahambing sa pamumuhay sa gubat na lubhang malalayo ang mga kabahayan. Gayundin, sa harap ng mabilis na daloy ng bagong kaalaman at kalakalan sa lipunan, mahalagang magtakda ng mga regulasyong makapaglalagay sa mga produkto at tao sa kanilang tamang lugar sa lipunan. Ang mga regulasyong ito’y hindi  ibinibigay sa isang papel at saka isa-isang pinasusunod sa sinumang bagong salta sa urbanidad. Ang mga batas na itoy’ nakikita sa lahat ng larangan ng buhay, bagay na sinusubukan upang matutunan at mabuhay ng nakaaangkop sa batas ng urbanidad. Ang mga batas na ito’y nakalaang magbigay ng direksyon sa mga bagong salta sa urbanisasyon, oryentasyon sa mga regulasyon at batas-etika sa urbanidad at mga patakarang dapat subaybayan upang mapanatili ang mabilis at madulas na pagdaloy ng kalakalan  sa lipunan.

        Paanong padadaluyin ang mga batas etikang kailangan sa pagliipat ng ideya at kalakal sa urbanidad?

        Mahalaga ang pagkontrol sa sistema ng transportasyon sa panahong ito. Mahalagang magtakda ng mga regulasyon upang mapanghawakan ang daloy ng trapiko. Dito nagkakaroon ng sistemang pang-transportasyon na nagtatakda ng sino ang maaaring maglakbay sa lansangan, paanong maglalakbay sa lansangan, ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa paglalakbay sa lansangan.

        Isa sa unang salaysay ng pagsasaayos ng daloy ng trapiko ay ukol sa pagaayos ng daloy ng daanan patungong Teatro Binondo noong l846. Katatapos pa lamang ng isang sunog sa isang lugar na dating kinatatayuan ng mga bahay buko.Dito itinayo ang teatro sa lugar na ito. Iniayos ang pagpasok sa kalye sa pamamagitan ng pagsok sa isang kalye Jacinto at isa pang bagong kalye upang maiwasan ang trapik ng mga karwahe. (MacMicking,l967:125) Sa kasalukuyan,ang sistema ng transportasyon  ay binubuo ng mga sasakyang de-motor na ginagamit sa lupa at maaaring itinatawid sa dagat tungo sa isa pang isla sa pamamagitan ng mga inter-island na bangka. Ang ganitong sistema’y bunga ng pagiging pulu-pulo ng bansa. Gayundin, maraming mga pampublikong sasakyang  gumigiyagis sa mga lansangan bagamat marami ring mga pribadong sasakyang  dumaraan sa mga kalye. Ang mga lansangan ay mga kalyeng mula sa mga daraanan  para sa mga sasakyang hila ng mga hayop hanggang sa mga konkretong expressway at flyover na makikita sa lungsod o di kaya ay tungo sa pagpasok sa lungsod. Noong l992 mayroong 1.3 milyong rehistradong sasakyang de motor sa Pilipinas at humigit-kumulang sa 7.8 milyong propesyunal  at non-professional na drayber.(Lichauco, l993:1)

        Ang mga drayber ng mga sasakyang de-motor ang makikitang nagmamaneho ng mga sasakyang bumabagtas sa mga lansangan sa siyudad. Upang makapagmaneho ng mga sasakyang de-motor kailangan munang matupad ang mga rekisitos ng  Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon ( na lalong kilala bilang LTO o Land Transportation Office) upang makakuha ng lisensiyang nagbibigay pahintulot sa sinuman na magmaneho ng sasakyang de-motor. Ito ang unang hakbang sa pagbagtas ng lansangan bilang drayber sa siyudad.  Bahagi sa mga rekisitos na hinihingi ng  LTO  ay ang birthcertificate na nagpapatunay na ang nais magmaneho ay labing-anim na taong gulang at higit pa,nasa matinong pag-iisp,malusog na pangangatawan at walang nakakahawang sakit,marunong magbasa at sumulat sa sariling wika o Ingles. Mayroon pang ibang ligal na dokumentong hinihingi tulad ng pahintulot ng magulang, ID na magpapatunay ng edad, larawan at kabayaran ayon sa uri ng lisensiyang nais kunin. Kailangan ding mag-aral ng pagmamaneho sa mga may lisensiyang propesyunal o non-professional ngunit mas mainam kung makapag-aaral sila sa isang accredited na driving  school. May labinglimang sesyon para sa  pagtuturo ng batas-trapiko, “defensive driving”, wastong pag-ugali ng drayber  at ang mga pagnunahing kaalaman para sa mekanismo ng sasakyan. Mayroon din sampung sesyon para  sa praktikal na pagmamaneho. Matapos nito, kukuha ng pagsusulit ang nais na makakuha ng lisensiya--praktikal at nakasulat na eksam.  Kapag nakapasa siya rito,  saka pa lamang siya makakukuha ng lisensiya.(Corsiga,l994:3-10) Para sa mga mayroon nang lisensiya, namimigay pa rin ang LTO ng mga  brochure para sa mga regulasyon at batas trapiko sa lansangan. Bahagi dito ang mga senyales,road signs at mga regulasyon na mahalagang kabisado ng drayber upang hindi matikitan ng mga traffic law enforces.

        Kung mayroong mga regulasyon sa paglipiat ng kalakal mula sa isang lugar tungo sa isa, mayroon ding mga regulasyon at batas ng dapat at hindi dapat sa pagkilos ng mga tao sa loob ng urbanidad. Nakasaad ang batas-etikang ito sa isa sa mga kinkilalang akdang pampanitikan sa Pilipinas--ang Urbana at Felisa ni Modesto de Castro.

        Noong  1857, natapos isulat ni Padre Modesto de Castro ang isang aklat na siyang maituturing na pangunahing gabay sa mga katanggap-tanggap na kabutihang asal at gawi. Ang aklat na “Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza” ay isang protonobelang naglalaman ng mga pagpapahalaga sa panahong hinihikayat ng mga Kastila ang mga tagabundok na magsipuntahan na sa lungsod. Mahabang panahon  na ang pagpapatupad ng reduccion o ang pagpapatira sa mga indio sa isang lugar kung saan higit na mapapangasiwaan ng mga prayle at mga Kastilang pisyal ang pagkokolonisa  sa mga indio.(Reed,l978:15) Hindi lamang maaaring bumaba mula sa kabundukan ang mga indio nang hindi natututo ng mga gawi ng urbanidad. Ayon kay Santos, ang Urbana at Felisa ay isang mahusay na alulod ng urbanidad at ahente ng kolonisasyon pagkat dito nila hustong natutunan kung paanong gagarin ang mga gawi ng mga Kastila. (Santos,l994:198) Sakop ng aklat na ito ang paglalahad ng mga dapat ikilos sa  lahat ng laranga ng buhay.Pinauuna siyempre ang pagpapahalaga sa Diyos tapos ay sa magulang. Bahagi na rin dito ang mga dapat na ikilos sa simbahan sa pakikipagkapwa-tao,pakikipagsulatan,pagdalo sa piging,paglalakad sa lansangan, ,pakikipag-ibigan, at paglagay sa estado, mga dapat igawi ng babae sa lipunan. (Baquiran,1996). Sa paraang  nakasaad sa sulat, isinasaad ni Modesto de Castro ang mga paraan at regulasyong dapat gawin ng isang lalaki at babae sa lungsod. Pangunahin sa mga tagubilin ni de Castro ang pagkilala sa Diyos nang higit sa lahat at ang pagdakila sa mga magulang,kahinhinan, ang pagiging masunurin sa mga ipinag-uutos ng nakatataas, ang pagiging matimpiin ,malinis sa diwa at sa kaanyuan at ang pagiging mapagkumbaba. Ilan lamang ito sa mga reglamentong lagi’t laging ipinaaalala ni de Castro sa pamamagitan ng mga bibig nina Urbana at Feliza. Bukod sa mga ito, may mga partikular na gawi na laging ipinaaalala tulad ng hindi pag-aalis ng sapatos habang nakaupo sa simbahan o di kaya’y  ang hindi  pagbitbit at paglalagay sa ilalim ng kili-kili habang naglalakad sa lansangan. Gayundin, ipinagpapamarali din ang pagsadsad ng mga sapatos habang naglalakad.(Baquiran,l996:18,83). Mayroon ding mga batas etika na may kinalaman sa pagbibigay -galang sa pagpunta sa piging, ang pagtitimpi sa pakikipag-usap at pagsalo sa pagkain, at ang gamit ng mga tamang pagbabantas sa pagsusulat. Lahat ng mga ito ay matamang itinuro sa mga paaralan noong panahon ng Kastila at itinuring bilang mga batas ng kabutihang asal,ayon sa pamantayan ng mga kolonisador. Pansinin ang mga paalala para sa mga kababaihan na pinadaanan sa mga bibig nina Urbana at Feliza:

        “1. Pakaisipan ng isang dalaga na ang kanyang puri ay maipaghahalimbawa sa kayaman, sa hiyas na iisa-isa na iniingatan, sa minsang masira’y di na mauuli, sa minsang malaglag ay di na madarampot. Kaya may nagmamahal sa puri na mahigit pa sa buhay, na sumasagasa sa lalong dakilang panganib, huwag lamang mawala ang puring iniingatan. (Baquiran,1996:81,107)

        2.Sa isang dalaga naman ay hindi nababagay ang lakad na pinag-aralan, ang magpakakendeng-kendeng at tumingin ng pasulyap sa binata sapagkat ikapupula sa asal.(Baquiran,1996:81)

        3. Kung nalalansangan ang isang babae at napapamumutihan ng marikit na damit at mahahalagang pahiyasan ay parang magwawalang-bahala sapagkat masamang tingnan ang palagiang nag-aayos sa daan (Baquiran,l996:81)

        4.Masama rin namanang kaasalan sa lansangan ang tingnang palagi ang chapin o tsinelas, pagpagin kung kinakailangan, bunutin sa paa’t bitbitin sa kamay o kipkipin sa ilalim ng kilikili...sapagkat nakikilala na hindi datihan ang paang sangkapan ng tsinelas at chapin. (Baquiran,l996:83)

        5. Kung ikaw’y may anak na babae, pakaturuan mong matakot sa Diyos...pakaingatan ang kanilang pagkabirhen, turuang magmahal sa asal at magpakahinhin nang di lapastanganin ng binata.(Baquiran,l996:131)

        6.Huwag tulutang mamintana lagi pagkat ang dalagang namimintana lagi ay kaparis ng isang buwig ng ubas na bibitin-bitin sa sanga  sa tabing daan at nag-aanyayang papitas sa sinong makaibig.” (Baquiran,l996:131)

.

        Ang panuntunang ito ay kalakhang nakatuon para sa mga babae bilang mga inang nagtuturo sa mga bata at para sa mga batang bagong sasabak sa mundo ng urbanidad. Ang pagsunod sa bawat sinasabi nito ay pagtitiyak na ang mga bumababa mula sa bundok upang maging bahagi ng urbanidad ay kumikilos ayon sa pamantayang tanggap ng mga may kapangyarihan sa urbanidad.Ang mga panuntunang ito ay napalaganap sa pamamagitan ng

kolonyal na sistema ng edukasyong kontrolado ng estado. Upang makapagsanay ng mga relihiyoso at masunuring guro , nagtatag ang pamahalaang Kastila ng isang  paaralang normal para sa kalalakihan noong l863 sa Maynila, isang paaralang normal para sa mga kababaihan sa Nueva Caceres (Naga City) noong l875 at sa Maynila noong l892. Nagtayo rin ng mga paaralan para sa instruccion primaria ng mga lalaki at babae (isa para sa lalaki at isa rin para sa babae). Kinakailangang makapasa ang mga estudyante sa tatlong grado--ang entrada, ascenso at termino at  pati na ang doktrina Kristiyano, moralidad, kasaysayan, pagbasa at pagsulat sa Kastila, batas paggalang, aritmetika at kasaysayang Kastila. (Tiongson,l978:135)

        Patuloy na naglabas ng mga aklat na nauukol sa tamang gawi sa urbanidad. Noong 1932, naglabas si Clemente ng isang aklat na may pamagat na “The Laws ofEtiquette”. Nakahanay asa aklat na ito ang mga pamamaraan ng mga dapat sabihin at paanong sabihin upang maging katanggap-tanggap sa lipunan. Sakop din nito ang lahat ng larangan ng buhay mula sa pagdalo sa piging, paglalakad sa lansangan, pagbati sa kaibigan,pagsusulat,pakikitungo sa lalaki at babae,paggalang sa Diyos at magulang at iba pang mga paksaing mahahanap din sa “Urbana at Felisa”. (Clemente,l932) Noong 1949, naglimbag si Simplicio (F) Bulaklak at Ignacio (L) Buwan ng isang aklat na may pamagat na  “Anak na Magalang: Urbanidad.” Estilong usapan sa pagitan ng magulang at anak ang aklat .Nasa berso ito at naglalarawan din ng mga dapat na iasal sa mga okasyon ng pakikisalamuha sa tao, sa mga piging,pagdalaw sa bahay,pakikipagkapwa na tulad ng sa pagtalakay at mga ipinapangaral ng “Urbana at Felisa” . Pinangungunang pahalagahan ang Diyos, ang mga magulang at pati na ang mga dapat iasal sa mga okasyon tulad ng simbahan,pagdalaw  sa bahay, pagdalo sa isang piging, sa eskuwelahan. Tinawag itong “Aklatang Lunas” na ginamit sa mga pampublikong paaralan na marahil ay ginamit bilang panlunas sa hindi pagkaalam ng mga galing sa bukid ng mga koda ng etika sa siyudad. Sa pagdaloy ng panahon, nakilala ang mga ito sa iba’t ibang katawagan tulad ng “Good Manners and Right Conduct” o GMRC, deportment , social orientation at ang lalong bagong terminong “values education”.

        Kamakailan lamang isang kolumnista sa Manila Bulletin ang naglathala sa kanyang kolum na “ Safety in the Streets “ ng ilang gabay para sa pangangalaga sa sarili sa lansangan . Isang maliit na larawan ng manunulat na si Vic Vega ang napapalibutan ng kanyang mga naihanay na gabay sa ligtas na paglalakad sa kalye. Animo’y kausap ng magbabasa ang manunulat  habang inaalam ang kanyang paalala.  Isang paalala ni Vega ang nagsasabing “stay near people but beware from drunks andgroups of suspicious looking people and drugaddicts. If you pass them, ignore their snideremarks.” Sa mga salitang ito’y para na ring umalingawngaw ang salita ni de Castro na “ huwagkang makikain o makiinom sa masamang tao at nang huwag kang sumamang katulad nila.” (Baquiran,l996:103).

        Mayroon ding mahigpit na tagubilin si Vega para sa pangangalaga sa mga kababaihan. Ayon kay Vega, ang krimeng laban sa puri ang pinakabrutal na krimen. Dahil dito mainam nang isagawa ang mga susunod na hakbangin bilang proteksyon sa kababaihan.

“1. Parents and guardians must be the first ones to protect their daughterwards against  sex maniacs. Girls must not be allowed to wear provocative garbs which attract attention of sexually-inclined persons.

        2. Women should not accept rides or invitations from strangers, even friends they don’t completely trust.

       3.When walking alone, avoid drunks,unruly groups and hangers on a street corner or intersection and most important,avoid walking alone.

        4. When a woman is attcked by a sex maniac, she should use her natural defense and act fast,scratch,kick,jab,bite and lastly scream.

       5. Women, when at home must not move about half-dressed or naked because this invites peeping toms and rapists.” (Vega,l998)

        Pansining ang mga paalala ni Vega ay walang ipinagkaiba sa mga paalala ni de Castro noong dantaong labingsiyam. Nakatuon pa rin ito sa usapin ng pangangalaga sa puri ng babae sa harap ng urbanisasyon.

        Hindi rin kaiba ang mga aklat na lmumabas sa dekada nobenta sa pamantayang Urbana at Felisa. Kumikita ang mga aklat ni Margie Holmes ukol sa mga katanungan ng madla ukol sa kanilang lovelife at sex life.  Isa itong kumpiliasyon ng mga sulat mula sa mga lalaki at babaeng may suliranin sa kanilang love life at sex life. Itong huli ang higit na pinagtutuunan ng pansin. Sa kanyang aklat na “Sexy Saucy Spicy”, tinatalakay ni Holmes ang mga suliraning may kinalaman sa sex na itinuturing na rin bilang isang suliraning pangkalusugan sa kasalukuyan.Gayunpaman, marami sa mga tanong at suliranin ay maaaninagan ng  mga values na maaaring nakapaaekto ng malaki sa sex life ng mga magkarelasyon,mag-asawa o mga single. Nariyan ang usapin ng pagka-birhen, ang pagkakasakit dahil sa sobra o kulang sa seks, ang mga katanungan ukol sa pleasurable sex. Kapansin-pansin na sa kabila ng popularidad ng programang ito at pagiging laganap ng mga programang ito, marami pa rin ang mga suliraning ukol sa mahirap na ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae; ang hindi maintindihang double treatments sa mga isyu tulad ng promiscuity vs. virginity sa babae, enjoyment vs. sin, enjoyment vs. stereotyping of women. Karamihan sa mga sumusulat ay mga middle class na lalaki at babae.(Holmes, l993  )

        Sulatan din ang pormat ng aklat tulad ng sa Urbana at Felisa. Nagsasabi rin ang sinusulatan na si Margie Holmes ng mga do’s and don’ts sa pag-ibig at sexlife na upang ma-assure ang mga sumusulat na OK pa rin ng kanilang ginagawa sa parametro ng mabuting gawi at asal at siyentipikong pagtingin sa sex at relasyon. Sa biglang tingin ay parang moderna na ang mga ito,malayo sa mga pamantayang sinasabi sa Urbana at Felisa.Gayunpman, kapag sinuri ng mabuti,marami sa mga sulat ang nagiging sulat dahil pa rin sa mga pamantayan ng Urbana at Felisa at dapat ikilos ng lalaki at babae sa urbanidad. Gayunpaman at senyales ng urbanidad ang mga sulat kay Margie Holmes, ang mga ito ay naglalaro pa rin sa parametro ng tanggap at hindi tanggap sa lipunan. Ang mga usapin halimbawa ng pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend ay bahagi ng pamantayan ng pagiging “angkop” (proper) para sa isang lalaki o babaeng nasa urbanidad. Katulad pa rin ito ng mga batas etika ng mga gawi at dapat na asalin na isinulat ng mga manunulat na lalaki ukol sa pag-iibigan noong edad medya. Samantalang mukha itong moderna at siyentipiko, may mga batas at regulasyon pa ring kailangang sundin upang mapanatili itong katanggap-tanggap.

        Ang pormat ng sulatan at tanungan na para bang nililikha ang ideya na may isang makapangyarihang nagsasabi ng tama at mali ay umalingawngaw maging sa mga programa sa radyo at telebisyon. Sa mga usong programa tulad ng “Kris”, “Isumbong Mo kay Tulfo”, “Mareng Winnie”, at maging sa mga kolum ng mag-asawang Meilly at iba pang kolum ng pagdulog sa mga magasin tulad ng MOD,Women’s at iba pa,  naroon ang pormat ng tanong sagot na  walang ipinagkaiba sa pagtatakda ng tanod na hindi nakikita para sa gagawin ng mga tao. Naroon ang pagkilala sa bisa ng isang awtoridad na sasagot sa suliranin samantalang naghahanap naman ang tao ng sagot dito hindi mula sa kanyang sariling karansan kundi mula sa mga sagot at pamantayang takda ng isang awtoridad.

        Kung tutuusi’y hind naman nauna si de Castro sa pagsusulat ng ganitong aklat sa batas etika sa lipunan. Nagkataon lamang marahil  na sa Pilipinas ay siya ang unang nakapaghanay ng mga patakarang dapat sundin ng mga nasa urbanidad.  Sa Europa, kung saan din sumalok ng mga kaalaman at gawi ang Espanya  ay marami nang nagsulat ukol sa mga batas etika . Karamihan sa mga batas na ito’y halaw din sa mga batas etika na ipinatutupad sa mga korte ng hari at reyna noong panahong edad medya.

        Isa sa mga unang nagsulat ukol sa mga gawi  ng pagiging sibil  sa panahon ng edad medya sa Europa ay ang mga Italyano. Karamihan sa mga manunulat na ito ay may malakas pang impluwensiya mula sa mga Griyego noong unang panahon. Isa mga unang manunulat ng ukol sa mga gawi ay si Tommasino di Circlaria  na nagsulat ng “Treatise on Courtesy” noong dantaong 1200.  Ang kanyang panulat ay  ukol sa moralidad ngunit karamihan dito ay nakatuon sa wastong gawi. Halimbawa sinabi niya ang paggawa ng usap,pagbubunyag ng mga sikreto at pagyayabang ay malapit sa kasalanan at ang pagwasiwas ng kamay habang nagsasalita ay senyales ng hindi mahusay na kinalakhan. Sinabi rin niyang hindi dapat maglakad ng napakabilis ng mga babae at hindi rin dapat umupo ng naka-cross ang binti.  Hindi rin dapat maglagalag ang mga mata ng mga kababaihan ;dapat ay tuwid lamang ang tingin nito pagkat hindi kanais-nais ang gawing palinga-linga habang naglalakad sa lansangan. Sinabi rin niyang hindi dapat makipagpitpitan ng talino ang isang babae sa harap ng mga kalalakihan. Nakakahiya ito para sa buong kababaihan at mas mainam nang hindi siya maging masalita sa harap ng mga lalaki. Sa pangkalahatan, hindi maganda ang isang babaeng masyadong maraming nalalaman pagkat ang inaasahan lamang sa mga babae ay ang maging kaakit-akit, kaibig-ibig at madaling pamahalaan. (Aresty,l970:27-28).

        Bukod sa aklat na ito, nariyan din ang “The Booke of Urbanite”(1460) ni John Russell na ukol din sa mahusay na gawing marka ng mahusay na pamilyang pinagmulan, ang “The Order ofChivalry” (1484) ni William Caxton , “The Book of Good Manners” ni  Jacques LeGrand at marami pang iba. (Artesy,l970:49-60) Kapansin-pansin sa mga aklat ng etikang ito’y umiikot ang mga batas etika sa mga paraan ng tamang pakikisalamuha sa lahat ng larangan ng buhay ,mula sa detalye ng paghihiwa ng karne sa pinggan hanggang sa tamang paraan ng paghawak ng baso hanggang sa wastong paraan ng pananamit. Kapansin-pansin din na karamihan sa mga ito’y nasusulat ng mga lalaki.

        Kakatwa lamang na hindi maaaring hindi mabanggit ang mga batas etika nang hindi binabanggit ang inaasahan  sa kababaihan  sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga inaasahan salalaki. Isang nagngangalang Baldassar Castiglione (Baldesar Castiglione sa salin ni Charles Singleton,l959)) ang nagsulat ng “The Book of theCourtier”(1528).  (Aresty,l970:62-63) Sa isang salaysay batay sa ilang gabi sa korte ng Urbino, inilarawan ni Castiglione ang mga kaibig-ibig na katangian ng lalaki  na batay sa katangian ng isang ideyal na courtier.  

        1.”I would have our courtier born of a noble genteel family, because it is far less becoming for one of low birth to fail to do virtious things than for one of  noble birth ..And since this luster of nobility does not shine forth in the dees of the lowly born, they lack that spur, as well as that fear of dishonor, nor do they think themselves obliged to go beyond what was done by their forebears; whereas to the well-born it seems a reproach not to attain at least to the mark set by their ancestors. Hence it is almost always happens that in the profession of arms, as well as in other worthy pursuits, those who are distiguished are men of noble birth, because nature has implanted everything that hidden seen gives a certain fornce and quality of its own essence to all that springs from it. ... I do not deny that the same virtues can rule in the lowborn as well as in the wellborn but since its our task to form a courtier free of any defect whatsoever, and endowed with all the praiseworthy, I deem it necessary to have him of noble birth, not only for man other reasons but because of public opinion which sides with nobility”

        2.” The courtier should be endowed not only with beauty and grace  but with that certain grace we call an air.”

        3. “I hold that the prinsipal and true profession of the courtier must be that of arms which I wish him to exercise with vigor and let him be known among others as bold energetic and faithful to whomever he serves. And the repute of these good qualities will be earned by exercising them every where,every time and place...so the reputation of a gentleman whose profession in arms if ever in the least way he sullies himself through cowardice or other disgrace always remains defiled before the world and covered with ignominy. “

        4.”However we do not wish him to make a show of being so fierce that he is forever swaggeringin his speech.....therefore let the man we are seeking be exceedingly fierce,harsh and always among the first,wherever the enemy is; and in every other place humancemodest,reserved,avoiding ostentations above all things as well as that imprudent praise of  himself by which a man always arouses hatred and disgust who hear him”

        5.”I would have our face be not so soft  and feminine, as many attempt to have who not only curl their hair and pluck their eyebrows ,but preen themselves in all those ways that the most wanton and issolute women in the world adopt; and in walking in posture and in every act, appear so tender and languid that their limbs seem to be on the verge of falling apart; and utter their words so limply that it seems they are about to expire on the spot; and the once they find themselves in the company of men of manners, the more they make a show of such manners. These, since nature did not make women as they clearly wish to appear, and he should be treated not as good women but as public harlots, and driven not only from the courts of great lords but from the  society of all noble men....

        6.Then coming to bodily frame, I say it is enough that it be neither small nor big, because either of these conditions causes contempoptous wonder. men of either sort  are gazed at in much the same way that we gaze at monstrous things. And yet, if one must sin in one or the other of these two extremes, it is less bad to be on the small side than to be excessively big; because men  who are so huge of body are often not only obtuse of spirit but are also unfit for every agile exercise,... and hence I would want him well build and shapely limb and would have him show strength and suppleness, and know all the bodily exercises that befit a warrior. ...

        7.And in this judge it is his first duty to now how to handle every kind of weapon, both on foot and on horse, and know the advantages of each kind and be especially acquianted with thoseof arms that are ordinarily used among gentleman, because apart from using them in war (where perhaps so many fine points are necessary) there often arises differences between one gentleman and another, resulting in duels, and quite often those weapons are used which happen to be at hand. Hence knowledge of them is a very safe thing. Nor am I one of those who say that skilll is forgotten in the hour of need. ;for he who loses his skill at such times shows that out of fear he has already lost his heart and his head. I wish our courtier to be a perfect horseman in every kind of saddle and in addition to having a knowledge of horses and what pertains to riding let him put every effort and diligenc into outstripping others in everything a little, so that he may be always recognized as better than the rest...

        8.The courtier should know how to hunt because it resembles war.He should also know how to swim,jump, throw stones for besides their usefulness in war, it is frequently necessary to show one’s prowess in such things.Another noble exercise and most suitable for a man of the court is the game of tennis which sows off disposition of body, quickness and litheness of every member and all the qualities that are brought out by almost all other exercise. “

        9. “Let  him do all others that others do in a comely manner.”

        10.”What is important  and necessary to the courtier in order to speak is knowledge.

What one has to say or write must be given in good order. It must then be well expressed in words, which words, must be proper, select, lustrous, and well-formed, but above all be words which are still used by the people.”(Singleton,l959: 28-43)

        Nakasaad sa mga ito ang mga katangiang karaniwang hinahanap sa lalaki hanggang sa kasalukuyan--matapang, marunogn humawak at armas upang magtanggol, maginoo,matalino, mahusay sa larangan ng palakasan--mga katangiang may kinalaman sa kanyang bahagi bilang inaasahang tagapagpalawak ng kapangyarihang sakop ng isang poder o kaharian.

        Maging ang mga kaibig-ibig na gawi ng isang lalaki ay nakabanggit din sa aklat ni Castiglione.

        1. “The courtiers should above all else, obey and to further the wishes of  the one he serves without adulation; I would have the courtier bend himself so that the prince cannot see him without feeling. Our courtier will not indulge in foolish presumption;,he will not be careless in speaking words which can offend,instead of trying to please.”

        2.”He will not try to make his way into his masters’ chambers or private quarters when not invited. But if a courtier shoud happen to be in private with his lord, he must become another person, and lay aside grave matters for another time and place, and engage in conversation that will be amusing and pleasant to his lord, so as not to prevent him from gaining such relaxation...let him take care not  to cause his lord any annoyance..”

        3. “The courtier must take great care to make a good impression a the start and consider how damaging a fatal a thing it is to do otherwise.”

        4. “The courtier will not suffice to win him universal  favors with lords and cavaliers  and ladies unless he have also a gentle and pleasing manner in his daily conversation.” (Singleton,l959:109-133)

        Habang inilalarawan ni Castiglione ang mga katangian ng isang mabuitng lalaki, panaka-naka’y nabanaggit din ang mga katangian ng babae ngunit hindi sa larawang kaibig-ibig.Halimbawa ay ang sumusunod:

“..this man, who is favored by so many women must have been an simpleton and practically worthless, For it is the way of women always to favor the worst and like sheep to do what they see the first one do, be that for good or ill. Moreover, they are so jealous among themselves that this man could have been a monster and they would still have tried to steal him away from one another.”(Singleton,l959:132)

        Ang ganitong hindi mabait na paglalarawan ng babae ay bunga na rin ng pagtingin sa babae bilang mga bagahe at pasanin ng mga lalaki. Nakapaloob sa sinabi ni  Sir John Suckling ang pagtingin sa mga babae noong edad  edad medya:

        “Women are the baggage of life; they are

        Troublesome and hinder us in the great march

        And yet we cannot be without  ‘ em.” (Aresty,l970:115)

        Ang mga ganitong konsepto ay halaw sa  konsepto ng sining ng pag-ibig na  lalong kilala sa tawag na  courtly love. Una itong nakita sa mg panulat ng makatang si Ovid ng Roma  na nabuhay noong panahon ng Haring Augustus. Mula sa kanyang mga tula na “The Art of Love”, ‘The Cure of Love” at ang “Amours” hinalaw ng mga kalalakihan ang kanilang sistema sa .konsepto ng pag-ibig at pag-iibigan. Katangian ng ng pag-ibig ang pagiging senswal at nagaganap sa labas ng kasal.(Parry,l960:4)Katulad nito ng pagtingin ng mga kalalakihan noong edad medya na ang isang lalaking nag-aasawa ay hindi nagaasawa dahil sa pag-ibig kundi upang mapalawak  ang kanyang lahi, kapangyarihan at kayamanan kaya’t ang kanyang ibang pangangailangan ay maaari na niyang gawin nang labas sa kasal.(Artesy,l970:116). Ipinakilala rin sa courtly love ang konsepto ng pag-ibig bilang isang giyera at ang bawat mangingibig ay tulad ng isang sundalo.Kailangan niyang malansi ang isang babae,habang hindi tinututulan ang kanyang mga ibig. Ang konseptong ito ni Ovid ay nahalo at napaunlad sa mga panitikan at sa mga trubador sa timog Pranses at ito na ngayon ang lalong nakilala bilang courtly love   .  Nakabatay ang pagtingin na ito sa konsepto na ang pag-ibig ay isang sining at dahil sa isa itong sining ay mayroon batas na kailangang sundin. Bilang bahagi ng sundalo ni Kupido, kailangang pangayayat at hindi makatulog sa kanyang serbisyo; hindi niya maaaring ibigin ang sariling asawa kundi ang asawa ng iba kung kaya kailangan itong gawing lihim. Hindi maaaring manatili ang pag-ibig nang walang panibugho o pagseselos. Sinasabing ang ganitong konsepto ng pag-ibig ay napagyaman na rin ng mga trubador na naimpluwensiyahan na rin ng kultura ng Kastilang Muslim noong dantaong sampu.(Parry,l960:7)

        Hindi miminsang sa mga aklat ng etikang nasulat ay laging nababanggit ang mga gawing dapat iasal ng mga babae. Mula sa pananamit na dapat na nagtatakip ng katawan hanggang sa mga patakaran at gabay sa pag-iibigan. Isa sa mga aklat na malawakang tinalakay ang mga katangian ng babae ay ang aklat ni Andres Capellanus (Andreas the Chaplain) na “The Art of Courtly Love”

Ilan sa mga katangian ng babaeng inihanay ni Cappelanus sa kanyang aklat ay ang sumusunod

        “1.The mutual love which you seek you cannot find in a woman,for no woman ever loved a man or could bind herself to a lover in the mutual bonds of love.For a woman’s desire is to get rich through love.

         2.All  women are spotted with the vice of a grasping and avaricious disposition and they are always alert and devoted for the search for money or profit.

          3.All women are thieves and  we say that they carry purses.You can not find a woman of such lofty station or blessed with such honor or wealth that an offer of money will not break down her virtue.

        4.Every woman is by nature a miser but she is also envious and a slanderer of other women,greedy and a slave to her belly,inconstant, fickle in her speech, disobedient and impatient of restraint, spotted with the sin of pride and desirous vainglory, a liar, drunkard, a blabber, no keeper of secrets, too much given to wantonness, prone to every evil and never loving a man in her heart.

        5. Everything a woman says is said with the intention of deceiving, because she has always one thing in her heart and another on her lips.No woman ever trusts any of her men friends and she thinks everyone of them is a deceiver so she always keeps herself in the mood for deception.

        6. Woman is also prone to all sort of evil. Whatever evil  this world is greatest,that any woman will commit without fear and for a trivial reason.” (Parry, l960:200-210)

Mapanlinlang, ganid, walanghiya--ito ang mga katangiang karaniwan sa babae. Ano kayang dahilan at ganitong kasama ang pagkakalarawan sa kababaihan? Ano kayang dahilan at ganoong kaibig-ibig ang paglalarawan sa isang lalaki?

        Isipin na lamang nating kung hindi ganitong kasama ang larawan ng kababaihang inilalahad ng mga kalalakihan sa kanilang mga panulat, hindi magkakaroon ng dahilan upang magtakda ng mga batas etika na susupil sa malayang pamamamahayg ng kababaihan. Hindi magkakaroon ng matuwid ang pagtatakda ng mga regulasyon sa pakikitungo ng babae sa lipunan. Mahalagang salik marahil ang sinasabing ang mga kababaihan dati’y ginagawang asawa ng mga kalalakihan upang mapalawak ang kanilang kayamanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karapatan sa kayamanan ng babae at sa pagpapalawak ng kanilang lahi. Itong huli, ang isang aspeto ng buhay na lubhang kinaiingatan ng mga kalalakihan pagkat tanging ang babae lamang ang may kontrol nito. At napatutunayan ito ng isa pang sinabi ni Castiglione.

        “For since women are imperfect creatures and since of themselves they  were not able to do any worthy thing,, it was necessary ,through shame and fear of infamy, to put a curb on them which would give them some good quality. And it was chastity that seem more needful for them than any other quality, in order for us to be certain of our offspring; hence it was necessary to use our wits, art and all possible ways to make women chaste and as it were,allow them, in all other things to be of little worth , and to do constantly, the opposite of what they should do.Therefore, they are permitted without blame to commit all other faults, if we try to sting them for all those defects which as we have said are permitted them” (Singleton,l959:189)

        Sa pahayag na ito’y maiuugat nang lahat ang mga hindi magandang larawang iniuugnay sa babae at ang usaping ng gitgitna ng kapangyarihan. Totoong kinikilala ng kalalakihan ang malaking bahagi ng babae sa produksyon at reproduksyon ng lahi sa lipunan. Mahalaga ang bahagi ng babae sa produksyon pagkat sila ang pinagmumulan ng mga produkto bilang mga tagapaglikha at tagapangalaga  ng mga ito sa bukid at pabrika. Gayundin, sa pamamagitan ng kakayahan ng mga kababaihan sa reproduksyon, ang babae rin ang may tiyak na tagasunod sa kanyang lahi pagkat siya lamang , at wala nang ibang maaaring daanan ang isang tao sa mundo kundi sa pamamagitan ng isang babae. Malaki ang kapangyarihang naidudulot nito pagkat ang pagkakaroon ng tiyak na linya ng salinlahi ay nakapagtitiyak ng sakop at kapangyarihan sa kababaihan. Kung hindi kikilalanin ang lalaking nagpunla ng semilya sa sinapupunan ng babae, tuluyan nang mababaon sa limot ang lalaki at maaari na nga lamang mauwi ang kanilang existence sa mundo bilang mga sisidlan ng semilya, mga buhay na tapayan ng sihay-punlay. Kaya’t mahalagang tunay na maitakda nila ang mga hangganan ng pinaglalagyan nila ng kanilang semilya upang matiyak nilang ang mga produktong iluluwal ng mga babaeng pinagpunlaan nito ay maaari nilang ariing kanila. Ang mga produktong ito na magiging bata kapagdaka , ang magtitiyak ng kanilang patuloy na existence sa mundo, sa pamamagitanng itinakdang kalakaran ng pagdadala ng pangalan ng lalaki bilang bansag, upng matunton ang kanilang pinagmulan. Ang mga babaeng nagkanlong at naging daluyan ng pagkamulat ng mga batang ito sa mundong ibabaw ay pinagwawalang -bahala at naisasaisantabi. Binabansagan ng kung anu-anong mahahayap na bintang upang masupil at maikintal sa isipan na ang hangganan ng kanilang kapangyarihan ay hanggang sa pagluwal lamang pagkat hindi kanila ang pangalang dala kundi ang sa lalaking nagpunla ng semilya sa kanilang sinapupunan. Usapin pa rin ng pagkilala sa kapangyarihan.

        May ugnayan kaya rito ang mga batas etikang inihanay ni de Castro para sa kababaihang bagong sumasabak sa mundo ng urbanisasyon?

        Balikan natin ang mga senyales  at regulasyon ng trapikong nakakalat sa kalye.

        Ang mga batas trapiko ay itinakda upang mapanatiling maayos ang daloy ng mga produkto at tao sa loob ng siyudad. Ayon sa “Updated Traffic and Transport Management Plan for Metro Manila (l993-l998),

        “ The increase in Metro Manila’s population and its dominant commercial and industrial activities has necessitated the provision of an efficient urban transportation for maximum mobility within and around the metropolis.Consequently the ensuing urban transportation demand has put pressure on government to implement improvements and upgrading of transportation services and traffic engineering facilities...Like roads, there exists an increasing pressure for the upgrading and maintenance of traffic facilities to respond tothe increasing urban transport demand..” (MMDA,l993:1-2)

        Ang mga senyales ng trapiko at regulasyong kailangang sundin sa pagpapadaloy ng mga produkto at tao mula sa isang lugar tungo sa isa pa ay mga batas na ipinatutupad upang matiyak ang kaayusan ng kalakalan sa lipunan. Mahalaga ang sistema ng pananda upang sa isang tingin ay mapagsino ng sinumang motorista o manlalakbay ang mga daan na maaari niyang pasukan ,daanan, pag-ingatan at iba pang kailangang isaalang-alang habang nasa kalye. Ang mga panandang ito ay mabilis na nauunawaan ng mga motorista sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalaganap ng konsepto ng representasyon ng ideya ng mga senyales tulad ng do not enter, one way, accident prone area, danger at iba pang karatulang sa isang tinginan ay makikilala ng motorista. At dahil  sa ito ang ipinalaganap na senyales para sa pagtitiyak ng pagsasagawa ng isang uri ng gawi at pagkilos, naging pamilyar na konsepto ito , naging  representasyon sa loob ng urbanidad kaya’t  madali itong mauunawaan at tatanggapin ng motorista bilang senyales at regulasyon sa kabuuang proseso ng daloy ng transportasyon ng produkto at tao sa lungsod.

        Saan muling papasok ang babae sa usaping ito?

        Kung susundan ang kabuuang talakayan ng mga konseptong babae at daluyan ng kalakalan,kaalaman at produkto, makikita na ang babae at lansangan ay masasabing iisa. Kung ang mga lansangan at kalye ay nagiging mahalagang daraanan ng mga produkto at kalakal sa loob ng siyudad, ang mga babae ay mahalaga ring daluyan ng kaalaman ,produkto at kalakalan. Sa simula’t sapul ay nakita na ang mahalagang papel na ginagampan ng kababaihan sa produksyon sa lipunan. Mula sa reproduksyon ng tao, produksyon ng mga produktong dinadala sa pamilihan, pagdadala at paglalako ng mga produktong kaugnay ng kalakalan hanggang sa paglalako ng mga serbisyong makapagbibigay suporta sa pagpapaunlad ng kalakalan ay naroon ang mahalagang ambag ng kababaihan. Ito ring partisipasyon ng kababaihan sa kalakalan at produksyon ang siyang nagbibigay sa kanya ng pagkakataong makatuklas ng mga bagong kaalaman na higit pang nagpapalalim at nagpapatibay sa kanyang mahalagang papel sa produksyon. At tulad ng papaunlad na bahagi ng anumang uri sa lipunan, ang banta ng pag-unlad ng kababaihan bilang isang mahalagang salik ng produktibong sektor ay nangangailangang supilin kung para hindi manatiling banta sa kalalakihang may hawaka ng kapangyarihang nananaig sa lipunan.

        Bakit kababaihan?

        Pansinin na sa Pilipinas, ang mga unang mangangalakal na dayuhan ay kinailangang magkaroon ng kasosyong lokal upang makapagpatuloy ng pangangalakal sa mga baybaying komunidad. Ang pinakamainam na kasosyo ay ang mga kababaihang nakasabak sa produksyon at kalakalan at di tulad ng mga kababaihang Europeo, ay walang habas sa pakikisama sa mga kalalakihan nang labas sa kasal. Gayundin, nasa kababaihang Pilipino ang kahusayan sa pakikipagkalakalan kaya’t wala nang iinam pang kasosyo kundi sila. Ngunit kailangang mapanatili ang kontrol ng mga kalalakihang dayuhan sa kalakalan kaya’t kailangang ipakilala, sa paraang institusyonal , ang mga batas etika na ginagamit sa Europa , na lubhang nakapaglalagay sa kababaihan sa isang lugar na hindi nagsisilbing hamon sa kapangyarihan at kontrol ng kalalakihan. Ang pagtuturo ng mga pagpapahalagang Kanluranin ay nakapagsupil sa umaalagwang kalakasan ng mga kababaihan , sa larangan ng produksyon at reproduksyon. Ang pagpapalaganap sa imaheng ng babaeng mahina, kimi, may may puring pinag-iingatan at ang imahen ng babaeng harot at walang bait sa sarili ay pawang mga katangiang nagbibigay ng pagmamatuwid sa pagtatakda ng mga batas etika sa kababaihang nais maging bahagi ng urbanisasyon.

        Samaktwid, ang katatayuan ng kababaihan, pagkat nananatiing banta sa kapangyarihan sa lipunan bunga ng kanilang partisipasyon sa kalakalan ay kailangang lagyan ng mga regulasyon at supil upang matiyak ang pagkakaroon ng puwang sa kapangyarihang tinatamasa ng mga kalalakihang naghahari sa kalakalan. Tulad ng mga batas at regulasyon sa lansangan na nagtitiyak sa maayos na daloy ng kalakal mula sa isang kontroladong pagawaan tungo sa isang kontroladong pamilihan, ang mga batas-etikang ipinatutupad para sa kababaihan ay naglalayong supilin ang anumang hamong maaaring iharap ng partisipasyon ng kababaihan sa produksyon ng lipunan.

        Ang pagtatakda ng mga batas-etika at regulasyon sa pakikitungo ng mga tao sa loob ng urbanidad ay mahalaga ring magkaroon ng mahusay na pagtatagpo ng ideya at representasyong mabilis na mauunawaan ng mga tao. Mahalagang mapalaganap ang mga konseptong iniuugnay sa mga taong kasangkot sakalakalan sa lipunan upang  sa isang tingin ay mabilis itong mapagsino at maunawaan. Kaya nga ba’t ipinalaganap ang mga isteryotipong kaisipan ukol sa kababaihan upang marasyunalisa ang mga batas at regulasyong nilikha upang makontrol sila. Pagkat bakit pa nga ba lilikha ng mga regulasyon kung wala nang kailangang supilin? Kung ang mga kababaihan ay sing-bait ng mga larawan ng mga kalalakihan, anong pangangailangan para sa isang batas na magtatakda ng mataas na pagpapahalaga sa katapatan, pagkakimi at kapurihan? Itong huli, ang kapurihan ay lubhang pinalalaganap na kaisipan sa pamamagitan ng mga imaheng magkasalungat bagaman pareho ang nais sabihin. Ang imahen ng birhen na dapat gayahin at ang imahen ng puta na hindi dapat gayahin kaya’t dapat na ibaling ang pansin sa pagiging birhen na lamang. Kakatwang ang pagtatakda ng batas etika ukol sa kapurihan ay may malaking kinalaman sa pagpapahalaga ng kalalakihan sa pagtitiyak ng pagpapalawak ng kanilang lahi, samaktwid ay  usapin pa rin ng kapangyarihan .

        Ang pagpapalaganap ng urbanidad ay bahagi ng pagpapalaganap at pagpapanatili ng sakop ng isang  puwersa ng kapangyarihan sa  lipunan . Ang konsepto ng urbanisasyon ay walang iba kundi ang pagpapatupad ng programang magbabago sa pisikal, kultural, pang-ekonomiya at pampultikang kalakaran na magpapadaloy ng kontrol ng kaalaman, kapangyarihan at taong kasangkot sa kabuuang sistemang ito. Ang daloy ng kaalaman at produktong bahagi ng kalakalan  ay kinakailangang lagyan ng mga batas at regulasyon upang mapanatiling kontrolado ayon sa kaayusang pabor sa nasa kapangyarihan. Ang daluyan ng produkto at kaalaman  ay nakikilala at nagagawang tanggap bunga ng pagpapalaganap  ng kaisipan  na minamarkahan ng pagkilala sa mga  babaeng nagdadalo at lumilikha ng produkto . Upang mapanatili ang mga produkto,kalakal, daluyan at babae sa kani-kanilang puwesto sa lipunan na sumusuporta sa kalakaran ng kalakal na kontrolado ng nasa may-kapangyarihan,  nagpakilala  ng mga batas ng etika  at regulasyong magtitiyak ng disiplina para sa mga bahagi ng kalakalan at ang karampatang parusa sakaling sumalungat sila sa batas na naitakda. Wala itong ipinagkaiba sa konsepto ng panopticon na nagpapasunod ng isang kalakaran bunga ng representasyong kinikilala ng mga tao bilang batas, kahit na wala nang isang taong tuwirang nakabantay dito.(Barry,l996:176) Makikita ito sa pagkastigo bilang mga outcast sa mga babaeng hindi sumusunod sa mga batas etikang itinakda  sa kanila upang  mapanatili ang kanilang puwesto sa tabi ng buong daloy ng produksyon;gayundin, ang mga batas trapiko at regulasyon ay may  karampatang multa at parusa sakaling hindi sumunod ang sinumang motorista . Ang konsepto ng tama at maling gawi at pag-iisip ay nahuhubog, kung gayon ng mga batas etikang para sa kababaihan at  lansangang  kapwa daluyan ng kalakal  , kaalaman at tao  sa loob ng kabuuang dinamiko ng diskursong pangkapangyarihan sa lipunan.

        Samantala, habang nananaig ang kalakarang ito, hindi nababanggit ang mga nasusupil na pagkilos na bahagi rin ng kabuuang istrukturang pangkapangyarihan sa lipunan. (Fillingham,l993)Pagkat hindi mabubuuo ang larawan ng kapangyarihan kung walang mga pagtuligsa o paghamon sa kapangyarihang nakapagpapatibay din sa kabuuang diskursong ito. Dito marahil maiuugnay ang pangkalahatang disgusto ng mga humahawak sa programa ng trapiko sa hindi magtagu-tagumpay na programang pangtrapiko, gaano man itong kahusay na iplano o gaano man itong kasipag na pagtulung-tulungan ng mga institusyong panlipunan. Lagi’t lagi’y nasasabing isang araw lamang daw kayang ipatupad ng mga mamamayan ang batas at pagkatapos nito’y kinakalimutan na.Maglagay man ng mga bakal na harang upang itaboy ang mga tumatawid sa pedestrian lane ay tiyak na magkakaroon ng mga binaklas na baka na siyang nilulusutanng mga tumatawid na ayaw pumunta sa malayong tawiran. Gayundin, ang kalakaran sa mga bus at malalaking trak ng produktong pinagbabawalang dumaan sa flyover sa Tandang Sora. Kapag walang pulis na nagbabantay, gumagamit pa rin ng flyover ang mga bus at malalaking trak kahit na bawal. Gayundin, kahit na anong pagkastigo ng lipunan sa mga babaeng hindi umaayon sa batas etikang itinakda ,patuloy pa rin ang pagbubuntis ng babae nang walang kasal o di kaya’y pagiging bahagi ng kalakalan upang mabuhay.

        Kunsabagay, ang ganitong pagtuligsa at pagsuway ay bahagi pa rin ng pangkabuuang diskurso ng tunggalian ng kapangyarihan sa lipunan.

                ****

MGA PILING SANGGUNIAN

MGA AKLAT

  1. Aresty,Esther B. The Best Behavior. New York: Simon and Schuster.1970.
  1. Bankoff,Greg. Crime Society and the State in the Nineteenth Century Philippines.Q.C. Ateneo de Manila Press,l996.
  1. Barry,Peter. Beginning Theory.An Introduction to Literary and Cultural Theory. Manchester at New York: Manchester University Press,l995.
  1. Blair, Emma Helen at James Alexander Robertson. The Philippine Islands.1493-1898. 55 vols. Mandaluyong:Cacho Hermanos Publishing House,l973.
  1. Bulaklak,Simplicio F. at Ignacio L.Buwan. Anak na Magalang:Urbanidad. Maynila: Ignacio Luna at mga Anak,1949.
  1. Bourdeille,Pierre at Seigner de Brantome.Lives of Fair and Gallant Ladies. salin ni Allinson. New York: Liveright,l933.
  1. Bulosan,Carlos.America is in the Heart. New York: Harcourt,Brace and Company.reprinted by National Book Store,Inc.Manila, n.d.
  1. Camagay,Ma. Luisa. Working Women in of Manila in the 19th Century. Q.C. UP Press and University Women’s Studies Center, l995.
  1. Capellanus,Andreas.The Art of Courtly Love.salin,intro. at tala ni John Parry.New York:Columbia Press,l960.
  1. Castiglione,Baldesar. The Book of Courtiers. trans. by Charles Singleton. New York: Anchor Books, Doubleday and Company,Inc.
  1. Clemente,E. The Laws of Etiquette. Manila: n.p. l932.
  1. Corsiga,Thelma. Ang Drayber na Pinoy.Lungsod Quezon:Land Transportation Office,l994.
  1. De Castro,Modesto. Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Felisa  inedit ni Romulo Baquiran Jr. Lungsod Quezon:Sentro ng Wikang Filipino,Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas at National Commission for Culture and the Arts,l996.
  1. De Lorries,Guillaume and Jean de Meun. The Romance of the Rose.  trans. and ed. by Frances Horgan. Oxford and New York: Oxford University Press,l994.
  1. Doeppers,Daniel F. Manila 1900-1941.Social Change in a Late Colonial Metropolis.Q.C. Ateneo de Manila University Press,l984.
  1. Engels,Frederick. The Origin of the Family,Private Property and State. inedit at may introd. ni Eleanor Burke Leacock. New York: International Publishers,l972.
  1. Fillingham,Lydia Alix. Foucault for Beginners.New York: Writers and Readers Publishing Inc.l993.
  2. Foucault,Michel. The Order of Things. New York: Pantheon Books,l970.
  1. Geroniere,Paul P. de la. Twenty Years in the Philippines.New York:Harper and Brothers,Publishers,1854.
  1. Hart Donn V. The Philippine Plaza Complex: The FocalPoint in Culture Change. Culture Report Series, Yale University l955.
  1. Hollensteiner,Mary R.” The Urbanization of Metro Manila. “ nasa Modernization: Its Impact in the Philippines IV.  inedit nina Walden Bello at Alfonso de Guzman II. IPC Papers No. 7. Quezon City : Ateneo de Manila University Press, l969.
  1. Holmes,Margarita Go Sinco. Sexy Saucy and Spicy. Pasig:Anvil Publishing Inc.,l993.
  1. Le Roy,James and Joseph Earle Stevens. The Philippines Circa l900. Manila: Filipiniana Book Guild,l968.
  1. Lichauco,Rene C. The Philippine Road Rules and Regulations Handbook. English version.Q.C. Green Ads Group,l993.
  1. Jenista,Frank. The White Apos American Governors on the Cordillera Central.Q.C. New Day Publishers,Inc. l987.
  1. MacMicking,Robert. Recollections of Manila and The Philippines During 1848,1849 and 1850. ed. and ann. by Morton J.Netzorg. Manila:Filipina Book Guild,l967.
  1. Mallat,Jean. The Philippines.History,Geography,Customs,Agriculture,Industry and Commerce of the Spanish Colonies in Oceania. trans. by Pura Santillan Castrence with Lina S. Castrence.Manila:National Historical Institute,l983.
  1. Medina,Isagani at Luning  Ira. Streets of Manila.Metro Manila:GCF Books,Inc.l977.
  1. Reed,Robert. Colonial Manila.The Context of Hispanic Urbanism and Process ofMorphogenesis.Berkeley,Los Angeles and London:University of California Press,l978.
  1. Robles,Eliodoro. The Philippines in the 19th Century.Q.C. Malaya Books,Inc.,l969.
  1. Scott,William Henry. Barangay.SixteenthCentury Philippine Culture and Society. Q.C. Ateneo de Manila University Press,l994.
  1. Selden,Raman at Peter Widdowson. A Reader’s Guide to Contemporary Literary Theory. Ikatlong edisyon.New York,London Toronto,Sydney,Tokyo,Singapore. Harvester Wheatsheaf, l993.
  1. Thomas,Henry. Spanish and Portuguese Romances of Chivalry. Cambridge: Cambridge University Press,l969.
  1. Wilcox, Willis Bliss. Through Luzon on Highways and Byways. Philadelphia.Franklin Book Company. 1901.

MGA ARTIKULO

  1. Agoncillo,Teodoro.”Ancestral City.” Turn of the Century. inedit ni Gilda Cordero Fernando at Nik Ricio. Manila: Basic Media Systems,Inc. l978.
  1. Camagay,Ma. Luisa. “Mujer Publica” Manila:History,People Culture. inedit nina Wilfrido Villacorta, Isagani Cruz at Ma. Lourdes Brillantes. Manila: De La Salle University Press,l989.
  1. de Jesus,Edilberto. “The Tranvia.” Filipino Heritage. vol.7 Manila:Felta Book Sales,Inc.l977.
  1. Fegan,Lydia S. “Marketing List” Filipino Heritage vol. 10. Manila:Felta Book Sales,Inc.l977.
  1. Sta.Maria,Felice.”Who’s Minding the Store” Filipino Heritage.  vol.5 Manila:Felta Book Sales,Inc.l977.
  1. Tiongson,Nicanor.”The Colonial School.” Turn of the Century. inedit ni Gilda Corder Fernando at Nik Ricio. Manila: Basic Media Systems,Inc.,l978.
  1. _______________.”Woman in the Nineteenth Century Philippines.” Filipino Heritage  vol.7.Manila:Felta Book Sales,Inc.,l977.

MGA PAHAYAGAN

“Protection from Maniacs”Manila Bulletin,Marso14,l998.

“Safety in the Streets” Manila Bulletin,Marso 13,l998.

“Megadike Repair Intensified” Manila Bulletin,March 17,l998

“Ramos opens 3 sections of highways” Manila Bulletin,March 15,l998

DI-LIMBAG NA TESIS

Santos,Ronell. “Ang Lipunan at Kasaysayan sa Urbana at Feliza” (Di-limbag na tesis,M.A.Unibersidad ng Pilipinas, Diliman ,l994)

PAMPUBLIKONG DOKUMENTO

  1. Kongreso ng Pilipinas.”An Act Creating the Metropolitan Manila Development Authority,Defining its Powers and Functions,Providing Funds and Therefor and For Other Purposes” Ikatlong Sesyon,Hulyo 25,l994.
  1. Metropolitan Manila Authority.”Implementing Guidelines,rules and Regulations of Ordinance No.78-03-A,Series of l992,Re: towing of Illegally Parked and Stalled Vehicles” Memorandum Circular No.92-07,l992.
  1. Metropolitan Manila Development Authority.”The Updated Traffic and Transport Management Plan for Metropolitan Manila. (l993-l998),n.d.

PROGRAMANG PANRADYO

Ted  Failon at Korina Sanchez.”Hoy Gising!” DZMM 630 khz,Abril 15,l998.

MGA LARAWAN

“Bb.Pilipinas Winners” (Photo),Manila Bulletin,Marso 17,l998

“Bb.Pilipinas Candidates”(Photo) Manila Bulletin,Marso 15,l998

“Mango Vendor” Manila Bulletin,Marso 15,l998

“Ilocano Peasants” CCP of Philippine EncyclopediaArt vol. 1.Manila:Cultural Center of the Philippines,l993.

“Vendadera de Aroz” The Filipino Heritage. vol 5.Manila: Felta Book Sales,Inc.1977.

“A Country Woman with Native Products for the Market” at

“A Country Road with Verdant Growth of Bamboos Alongside”  Wilcox,Willis Bliss.Through Luzon on Highways and Byways. Philadelphia: Franklin Book company,l901.

“Una Mestiza de Paseo” at “India”  Filipino Heritage vol. 7 Manila:Felta Book Sales,Inc.

This student written piece of work is one of many that can be found in our University Degree Other Languages section.

(?)
Not the one? Search for your essay title...
  • Join over 1.2 million students every month
  • Accelerate your learning by 29%
  • Unlimited access from just £6.99 per month

Related University Degree European Languages, Literature and related subjects Skills and Knowledge Essays

See our best essays

Related University Degree Other Languages essays

  1. Analyse the poem, "A Work of Artifice", using strategies/tools of feminist criticism.

    This has its origin in ancient Chinese custom. Women of higher classes in particular had their feet bound at a young age so that they would appear dainty and feminine. Although this was a symbol of prestige and physical beauty, it had its drawbacks. Women were rendered incapable of working or even walking, restricting their lifestyle drastically.

  2. Hoe zorgen economies of scope in de productieafdeling van Coca-Cola voor een zo succesvol ...

    Naast deze twee giganten zijn er ook nog een aantal followers, dit zijn de volgers van de leiders in de markt, zij dagen de leiders niet uit maar profiteren wel van kansen die door de leiders gecreëerd worden (Anonymous1, 2012).

  1. Mitologia indyjska- rozwj panteonu bstw oraz wierze indyjskich na przestrzeni dziejw.

    Pierwotnie poÅÄczeni zostali rozdzieleni i tÄskniÄ do siebie. PodziaÅ na trzy strefy zwane trzema Åwiatami tÅumaczy symbolikÄ cyfry trzy uważana za liczbÄ dynamicznej równowagi i tworzenia, która staÅa siÄ podstawa dalszych kombinacji w wedach. Wiele mitów tego okresu tÅumaczy powstanie Åwiata i bogów. NaleÅ¼Ä one do jednych z bardziej i interesujÄcych mitycznych opowieÅci.

  2. SIST EN ISO 14001. Skupina standardov ISO 14000 je rezultat veletnega dela v ...

    Temelji so vzeti iz britanskega standarda BS 7750. Danes skupina ISO 14000 šteje že 21 objavljenih standardov, tehniÄnih poroÄil in smernic. Standard ISO 14001 predstavlja nekakšen kompromis med razliÄnimi pristopi, kar je zlasti razvidno iz tega, da standard ne predpisuje zahtev za zaÄetne okoljske analize. 3. KAJ JE ISO 14001?

  1. Categorii de audit i audit statutar. Angajamentul de audit

    Auditul extern poate fi realizat atât de persoane fizice cât Åi de persoane juridice (cabinete sau societÄÅ£i de auditori), membri ai Camerei Auditorilor Financiari din România, în condiÅ£iile prevÄzute de acest organism profesional,dupÄ cum unitatea aplicÄ sau nu Standardele InternaÅ£ionale de Contabilitate.

  2. Amerikaanse Midden Oosten Beleid: De Relatie tussen de VS en Israel Van Truman tot ...

    Realistische benadering van de internationale politiek De eerste benadering van de Amerikaanse Midden Oosten politiek heeft betrekking op de concurrentie om macht tussen verschillende staten. De Koude Oorlog is in onze recente geschiedenis een goed voorbeeld van machtsconcurrentie. Twee grote machtsblokken strijden om wereldhegemonie.

  1. Mecanisme fiscal-bugetare de stimulare a exporturilor

    Åi Canada). Criteriile generale care stau la baza acordÄrii de facilitÄÅ£i în Å£Ärile dezvoltate, sub forma scutirilor, reducerilor sau rambursÄrilor de taxe directe sau indirecte percepute asupra mÄrfurilor care fac obiectul exportului, sunt: 1. Natura mÄrfii (gradul de prelucrare, valoarea adÄugatÄ pe plan local, noutatea produsului etc.); stimulentele fiscale sunt

  2. Asigurarea creditelor de export

    iar pe de altÄ parte, preia efectele de trezorerie ale operaÅ£iei cu plat la termen. Acest tip de credit se acordÄ pentru perioade scutre de timp, iar pÄrÅ£ile contractante întocmesc un singur contract, cel comercial, în care sunt incluse toate informaÅ£iile relevante: cantitate, preÅ£ unitar, valorea, termene Åi modalitÄÅ£i de platÄ etc.

  • Over 160,000 pieces
    of student written work
  • Annotated by
    experienced teachers
  • Ideas and feedback to
    improve your own work