“That which distiguishes the female half-breeds is a singularly intelligent and expressive physiognomy. Their hair,drawn back from their face, and sustained by long golden pins, is a marvelous luxuriance...A transparent chemise, of the same stuff as the headdress,descends as far as the waist,but not concelaling, a bosom that has never been imprisoned in stays...Nothing can be more charming,coquetish and fascininating than this costume which excites to the highest degree the admiration of strangers.” (Gironiere,l854:35-36).
May paghanga at pagnnasa sa paglalarawan ng dayuhang ito. Ang pagkilala hindi lamang sa alindog na sekswal ng babaeng india . Ngunit saan nagmula ang mga babaeng ito?
Bilang pinakapopular na red-light district noong dantaong labingsiyam, sa Binondo makikita ang mga lugar ng mujeres publicas. Karamihan sa mga kababaihang ito ay mga dating labandera at criadas . Marami sa kanila ang mula sa baryo at tumungo sa lungsod upang maghanap ng mabuting buhay; 28 porsiyento lamang ang pinanganak sa Maynila sa pagitan noong 1871-1896. Karamihan sa mga mujeres publicas na nasa kalye ay pulos kabataan: 41 porsiyento nang mga nahuli noong pagitan ng taong 1871-1896 ay mas bata pa sa edad 20 at 68 porsiyento naman ay mas bata pa sa edad 25. Karamihan sa mga ito ay pinamamahalaan ng mga cavecillas de prostituta na siyang nag-aalok ng serbisyo sa mga patron. (Bankoff,l996:41-46) Ang mga babaeng nahuhuli ay pinarurusahan sa pamamagitan ng pagpapatapon sa Davao o Balabac island sa bandang timog ng Pilipinas. Ang mga babaeng ito ay maaari lamang mapigilan sa pagpapatapon kung may lalaking magpapakasal sa kanila. Maraming kaanak ang naghahanap ng mga lalaking maaaring magpakasal sa kanilang anak. May ilang kaso naman na ang mga babaeng pinakakasalan ay ginagawang alila sa bahay o di kaya ay pinagtatrabaho muli bilang puta upang makapagsugal at makapagsabong ang kanyang napang-asawa. (Camagay, l989:123-124). Sa pagpasok ng dantaong labingsiyam, nagkaroon ng malawakang paghihigpit sa mujeres publicas dahilan sa paglaganap ng syphillis . Subalit dahilan sa napakahirap ng pagpapatupad ng pagpalis sa mujeres publicas dahil na rin sa tulong na nagagawa nila sa pagpapahilom ng pagod ng mga mangangalakal na Tsino, minabuti na lamang na bigyan ng restriksyon ang mga ito sa halip na patawan ng mas mahigpit na parusa. Noong 1897, binigyan ng kapangyarihan ang Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan na magbigay ng katibayan ng kalusugan at lisensiya sa mga mujeres publicas na magpapatingin sa kanila. Dahil dito ang mga mujeres publicas ay kinailangang kumuha ng katibayan na wala silang sakit upang makapagpatuloy sila sa pagtatrabaho.(Bankoff,l996:41-44)
Ang paglalako ng serbisyo,kasama na ang komersyal na pakikipagtalik ay ginagawa din ng mga kababaihang Ifugao kapalit ng mga konsumong tulad ng bigas,asukal ,dami,salapi at iba pang kailanganin.Bago dumating ang mga Kastila sa Kordileyera, hindi kilala ang kosnepto ng pakikipagtalik na komersyal. Nang dumating ang mga Kastila at Pilipinong sundalong nag-aalok ng pera kapalit ng serbisyong sekswal, naimbento ang salitang “caballeriza” na nangangahulugang “stable” at ang salitang “kabuleleha” ay ginamit para tukuyin ang mga babaeng naglalagi sa mga lugar na ito. Nagpatuloy ang ganitong gawi hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.Naging laganap ito sa mga lugar kung saan laganap ang sistemang “wage income” tulad ng Kiangan, Banaue at Mayoyao. Mayroon ding mga baryong makilala dahil sa mga kababaihang “kabuleleha”. Ang Cambulao, sa hilagang Ifugao, kasama ang Barlig at Natonin ng hilagang Bontok ay kilala sa mga tinatawag na “red house.” Bukod dito, kilala ang mga kababaihan mula sa Cambulo na dumarayo sa mga kampo ng mga nagtatrabaho sa kalye upang maglako ng serbisyong sekswal. Paglaon, nakilala ang Cambulo bilang lugar na pinupuntahan ng mga sundalo at manlalakbay na nais “mag-good time.”(Jenista,l987:208-209).
Bukod sa Tondo, kilala rin ang lugar ng Sampaloc bilang pugad ng mga”kalapating mababa ang lipad.” lalo na sa isang kalyeng kilala bilang Gardenia. Noong unang bahagi ng pananakop ng Amerikano sa Maynila, sa maliit na halaga, maaaring kalimutan ng isang lalaki ang kanyang sarili at maglunoy sa makamundong kaligayahan. ((Agoncillo,l978:57)
Sa sitwasyong ito, ang babaeng nagbibigay ng serbisyong sekswal ay naiugnay sa mga lugar na ginaganapan ng kalakalan. Hindi lamang kalakal ang ibinagbagsak sa pamilihan kundi maging ang mga katawan at serbisyo ng mga babae.
Sa paglaganap ng kalakalan sa Pilipinas, isa sa mga lalong popular na lugar sa bawat baryo ay ang palengke o pamilihan. Kadalasang makikita ang palengke sa isang bahagi ng kabuuuang plaza ng isang karaniwang baryo. Sa mga espesyal na araw, maaaring kumalat hanggang sa plaza ang mga pagtitindang nagaganap sa palengke. Sa mga ganitong araw makikita ang pagtitinda ng mga sariwang karne ( na hindi itinitinda sa mga regular na araw) , ang pagdating ng mga naglalako at ang pagdagsa ng mga taong mula sa ibang baryo na hindi dumarating sa palengke araw-araw. Kadalasang matatagpuang nagtitinda ay ang mga kababaihan; ang mga kalalakihan ay tumutulong lamang sa pagdadala at pagbibitbit ng mga produkto sa palengke ngunit kadalasa’y nagliliwaliw na sa sabungan (Hart,1955:27).Bukas ang pamilihan mula umaga hanggang gabi. Dito mahahanap ang lahat ng uri ng mga produkto mula sa bigas, isda, gulay,prutas, at iba pang mga pangangailangan ng mga tao na itinitinda ng mga kababaihan. Sinasabing ang pinakamagagandang prutas at gulay ay mula sa probinisya ng Kabite, dala-dala ng mga kababaihan sa mga basket na nakapatong sa kanilang ulo(MacMicking,1967:104-105)
Karaniwan nang ang kababaihang Pilipino ang may hawak ng pisi sa isang pamilya. Ayon sa salaysay ni Le Roy, hindi karaniwan ang kalagayan ng babaeng Pilipina kung ihahambing sa ibang babaeng Oriental. May relatibong kalayaan ang babaeng Pilipina at totoong malaki ang bahaging ginagampanan nila sa pagkontrol ng pamilya, sa larangang sosyal at larangang pang-ekonomiya. Mayaman man o mahirap, malakas ang karakter ng mga kababaihan at higit na mahusay sa negosyo kaysa sa mga kalalakihan.(Le Roy,l969,27) Karaniwang ang mga babae ang bumubuhay sa kani-kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke ng mga gulay, bigas, mga banga o habi ng abaka. (Hart,1955,27) Makikita rin ang mga kababaihan sa pintuan ng sabong bilang takilyera ng bayad sa sabungan o sa pintu.Sila rin ang nagtitinda ng mga kakanin, nganga, tabako sa labas ng sabungan.Samantala, ang mga batang babae naman ang nagtitinda sa mga nanonood sa loob ng mga teatro,kasunod ang kanilang mga ina. (Le Roy,l968:33-34,l94-197) Bagaman napasok na ng mga mumurahing koton mula sa bansang Aleman at Inglatera ang pamilihan mula nang magbukas ang Suez Canal, nanatiling larangan ng kababaihan ang maliliit na industriyang pantahanan tulad ng paghahabi at pagbuburda. Sa pangkalahatan ang pagtitingi ay tinuturing na teritoryo ng mga kababaihan pagkat magaling sila dito. Ang mga kalakalang hindi nangangailangan ng tawaran ay para sa mga kalalakihan.(Fegan, l977: p.2657) Mas nais nang maibenta ng mga kababaihan ang kanilang tinging paninda sa isang kapwa Pilipino, matapos ang mahabang tawaran at kuwentuhan, kaysa sa mga dayuhan , nang maramihan sa mas mababang halaga.(MacMicking,l967: 106)
Pansinin halimbawa ang paglalarawan ni Carlos Bulosan sa mga kababaihang nasa pamilihan sa nobelang “Amerika is in the Heart” na itinuturing bilang isa otobiyograpiya ng awtor sa panahong 1920’s..
“ My mother’s trading business was very simple and primitive..We awakened in the early morning and filled the earthen jar with bogoong, or salted fish, and peddeled it int the villages. My mother carried the jar on her head,while I carry a long tube of salt on my shoulder. ..My mother and I carried on our trade with the peasants by barter.For one cup of salt ew would get three cups of rice or four cups of beans;but for one cup of salted fish, which was more valuable than salt, we would get five cups of rice or six cups of beans. Sometimes the peasant had no rice or beans so we willingly accepted chicken eggs.( Bulosan, n.d.:33)
“It was five in the morning when we started with big baskets of beans on our hands.The overland highway had just been finished on our side of the Kataklan River, but beyond it and on to Puzzorubio it was still muddy.” (Bulosan,n.d..36)
Ang paglalarawang ito ni Bulosan ay kakikitaan ng karaniwang bahagi ng babae sa pamilya bilang tagalako ng mga produkto sa komunidad at sa pamilihan. Ang paglalagi ng mga kababaihan sa pamilihan ay nakapagbigay sa kanila ng maraming pagkakataon. Una kinikilala na dahilan sa sila ang nagdadala ng mga produkto sa pamilihan, sila ang nagkakaroon ng pagkakatoang makakilala ng mga bagong mukha at makasagap ng mga bagong balita. Pansinin halimbawa ang salaysay ni Bulosan sa “America is in the Heart” ay ukol dito:
“Selling bogoong (salted fish) and salt with my mother gave me an opportunity to meet many people and to become part of their lives...When we reached our destination we knew at once that we would have a good day.Whie my mother sat in the booth, behiond her two baskets of beans, I stoodon the cement pavement and watched the buyers going by. they were more elegant there than in our town. The marketers were dressed in immaculate white dresses. The women were agile in their leather slippers.Sometimes they came by carromata or horse-drawn flimy cab ..My mother brightened up when the more well-to-do citizens came with their servants. When we dished out the beans with polished coconut shell, her hands trembled and the beans spilled over the pavement.Se did not pay too much attention to her work but was admiring the delicately emrboidered dresses of the rich women, their smooth,silk handkerchiefs and he eay they carried themlselves in the market. For the first time I realized that mother,always in rags,noticed how people wore elegant clothes and walked royally in the crowded place.
A young girl who came into the market with two women servants attratced general attention.I knew immediately that she had not come to buy anything but to display her elegant dress and obedient servants. She walked like a queen between the long row of cloth dealers,poking at their merchandise with her tiny silk umbrella. Then having poked every roll of finery came to our side of the market; and the traders of beans and rice looked upon from their baskets,trembling with envy and admiration for the beautiful creatures “ (Bulosan,n.d.:.37)
Dahil sa pangangailangan ng gawaing pagtitinda, napipilitan ang mga kababaihang matuto ng mga kasanayan tulad ng pagbibilang, aritmetika na kailangang nila para sa maaayos na palitan. Gayundin, dito nila naeenkwentro ang mga bagong ideya at inobasyon. Halimbawa ang konsepto ng sanitasyon na malayo sa hinagap ng sinaunang Pilipino (LeRoy,l969:30) ay ipinakilala sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksyon ng mga pagkaing itinitinda noong panahon ng Amerikano. Sa mga tindahan din ng lutong pagkain unang na-enkwentro ang gamit ng kubyertos na hindi madals gamitin ng mga taga-baryo. Dito rin naipapakila ang mga bagong pagkain at gamit, mga dayuhan at bagong salta sa baryo pati na balita mula sa ibang bayan na nababasa sa mga supot ng pinamili (Hart,l955:29-30. ) May salaysay si Hart ukol sa pag-aangkat ng mga lumang diyaryo sa mga maliliit na baryo sa Pilipinas para gamitin bilang recyled na supot noong l953. Sa mga pamilihan din, tulad ng mga itinatayo tuwing may pista, sinasamantala ng gobyerno ang pagpapabatid sa madla ng nais nila pagkat dito nakikita ang mga hindi halos nakararating sa plaza.(Hart,l955;40) Ang mga pista ay nagkakaroon ng mahahalagang gamit para sa mamamayan. Pagkakataon ang pista para sa propagandang pulitikal lalo na sa mga lugar na hindi madaling maaabot . Pangalawa, sa mga parada at mga karosa sa parada, nakapagpapakilala ng mga bagong impormasyon at ideya tulad ng mga bagong gamit ng asin, disenyo ng basket at iba pa. Pangatlo, sa mga pista naipapakilala ang mga bagong gamit at ideya lalo na sa mga taga-baryo.Halimbawa, ang pagpapakilala ng ice cream ,mansana at orange at mga laruan ay naganap sa mga pista. Sa madaling salita, ang mga dayong may dalang bagong ideya ang isang mahalagang salik ng pista. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit nag-aangkat pa ng mga taga-siyudad na artista ang mga baryo tuwing pista. Ito na kasi ang naksanayan nilang konsepto ng pista. Gayundin, napalalawak ng mga pagpapakilala ng mga tauhan na mula sa ibang bansa (tulad ng sarsuwela o moro-moro) ang mundo ng mga taga-baryong walang-ideya ukol sa itsura ng ibang lugar o bahagi ng mundo. Gayundin, dito nakikita ng mga tagabaryo ang mgabagondisenyo ng damit o ang mga bagong uso na siya naman nilang gagayahin para sa susunod na pista (Hart,l955:46-50). Sa mga pamilihan din nagaganap ang palitan ng balita, ang interaksyon at pagpapakita ng pagkakaiba ng uri sa lipunan at mga inobasyon sa pamamagitan ng pagpapakilala ng lahat ng uri ng mga produkto.(MacMicking,l967:104).
Bukod sa mga produktong dala ng mga kababaihan sa pamilihan, bahagi rin ng kanilang inilalako ay ang serbisyong domestiko o komersyal. Sa pag-aaral ni Luisa Camagay sa mga kababaihan noon dantaong -labinsiyam, inisa-isa niya ang mga trabahong pinapasok ng mga kababaihan. Ang mga ito ay ang pagiging lavanderra, tenderra,cigarrera,criada (katulong), maestra,matronas titulares, mujeres publicas. Karamihan sa mga gawaing ito ay may kinalaman sa pagdadala ng isang produkto o isang uri ng serbisyo. Sinasabing ang mga babae noon (at kung tutuusin ay hanggang ngayon) ay nakikilala sa mga produktong kanilang nilalako--si Aling Maria Magsusuman si Aling Petrang Lechera , Aling Juaning na Mangguera , si Felisang mujeres publica at kung anu-ano pa. (Camagay,l995:3-99) Madalas, sa ulo nila ito sinusuno upang ilako sa baryo o sa komunidad. Tingnan ang mga larawan ng mga kababaihang tindera sa apendise. Madalas, kapag nakukunan ng larawan ang mga kababaihang ito’y nagkakahalo na ang imahe ng babae sa itsura ng kanyang mga produkto. Ang kanyang tapis at barong napapalamutian lamang ng bahagyang kulay bughaw at linya ay nabubuhay sa matitingkad na kulay ng mga prutas,gulay at iba pang produktong agrikultural na nilalako niya.
Ano kaya ang epekto ng pagkilala sa mga babae kasama ng mga produkto at serbisyong kanilang inilalako?
Pansinin ang paglalarawan sa mga babae maging sa pelikula. Sa pelikulang “ Titanic” (1998), kapansin-pansin ang hitsura ng mga headgear ng mga kababaihang nakasakay sa barko sa panahong 1900’s.Karamihan sa mga ito ay may mga dekorasyong bulaklak na nagtatayugan at nagpapalaki sa ulo at kabuuang hitsura ng mga nagsusuot nito. Gayundin, ang mga disenyo ng mga damit ng kababaihan sa kasalukuyan ay kadalasang kinakikitaan ng mga floral patterns at design , maging ang mga kulay ay may kinalaman sa kulay na kadalasang makikita sa mga bulaklak,prutas at mga produktong agrikultural. Maging ang ayos ng buhok na kulot , nakabolga , naka-tease upang umangat at magpalaki ng itsura ng ulo ay walang iniwan sa imahe ng mga malalaking puno, kung titingnan mula sa malayo. Dito sa Pilipinas, makikitang nagsusuot ng mga matitingkad na kulay ay ang mga kababaihang mula sa pook na hindi naaabot ng popularidad ng mga kulay na mahinahon. Ang mga kulay dilaw na mangga o di kaya’y lilang ube o di kaya’y naghuhumiyaw na kahel tulad ng kanlang mga produkto ay sa mga kababaihang mula sa kanayunan makikita.
May kinalaman kaya ang imaheng ito ng pagtutulad ng mga itsura ng puno at kababaihan sa karaniwang imahe ng mga kababaihan sa pamilihan?
Maaari, pagkat kung susundan ang proseso ng pagtutulad ng imahe sa babae at sa produktong dala-dala niya, maaaring ang pagtutulad sa mga produktong agrikultural ay nagiging isa sa imahen ng mga babaeng nagdadala dito. Kaya nga ba’t mas naiuugnay ang mga kulay na tulad ng sa mga prutas at bulaklak, imahen ng punong pinagmumulan ng mga prutas at pati na ang mga bulaklak at kulay nito sa mga babae pagkat sila ang nagdadala nito sa pamilihan at sila rin ang nagaalaga nito sa mga bukirin.
Sa isang banda, maaaring hindi lamang ganung kasimple ang prinsipyo ng pagkilala at representasyon., pagkat ang mga babaeng nagsusuot ng mga sumbrero at nagsusuot ng mga floral patterns at kulay na tulad ng sa nabanggit ay hindi naman mga kababaihang indio ,pagkat sa panahon ng 1900, ang mga babaeng indio ang itinuturing na pinakamababa sa uri ng mga kababaihang kinikilala sa Pilipinas.(Tiongson,l977: 1783 ) Nariyan ang mga babaeng Kastilang ipinanganak sa Pilipinas (criollo,criolle o creole) , ang mga may lahing Kastila-Pilipino na kilala bilang mga mestisa at ang mga indio. Kung ang mga indio ay madalas makita sa mga pamilihan pagkat nagdadala ng mga produktong mula sa mga probinsiya at bukid, ang mga kababaihang creole at mestisa ay nakikita naman sa simbahan, sa mga tertulia , at sa bahay , habang walang kapagurang nagpapahinga mula sa nakakapagod na pag-aayos ng sarili at pamimili ng mga tela sa mga tindahan ng Intsik ng walang nabibili.(Gironiere,1854:34-36 )
May kinalaman din ang pagpapatupad ng patakaran ng pamahalaan sa kalakalan para sa itsura ng mga babae. Halimbawa, ang paggamit ng kulay na hindi bughaw at indigo ay maaaring may kinalaman sa patakaran sa kalakalang ipinataw noong panahon ng Kastila. Maingat ang mga indio sa pagteterno ng kulay ng kanilang mga damit, lalo na ang mga kababaihan. Malaking halaga ang inilalaan nila sa pagbili ng mga kagamitang pangkasuotan tulad ng mga aretes at iba’t ibang disenyo ng saya. Paborito ang kulay na bughaw at indigo kaya’t kahit na magkakaiba ang nais nila sa mga disenyo at patern ng damit ay nakaayon sa mga kulay na ito. Hindi nila iniisip na magiging bagay sa kanila ang mga kulay tulad ng dilaw. Batid ito ng gobyerno nang magtakda sila ng mas mataas na buwis para sa mga kagamitan sa damit na kulay bughaw o indigo.Hinayaan nilang makapasok sa bansa sa mas mababang buwis ang mga produktong kulay dilaw at iba pang kulay na hindi gusto ng mga indio. Hinayaan pa nilang makapasok sa pamilihan ang isang uri ng dilaw na cotton twist nang walang buwis. Kung ano man ang layunin ng gobyerno sa palakad na ito ay hindi tiyak. Maaaring ito’y upang gawing pangit ang mga india na pinagseslosan ng isang asawa ng isang opisyal na gobyerno; maaari ring bahagi ito ng plano ng pagkawala ng paggalang sa sarili ng mga katutubo upang higit silang madaling mapanghawakan sa harap ng mga mapuputing criolle.(MacMicking,l967:136)
Bukod sa patakaran ng gobyerno, nariyan din ang mga patakaran ng simbahan na sinusunod ng mga indio. .Sa mga karaniwang indio, ang pagsubay sa sinasabi ng simbahan ang pinakamainam na edukasyong gabay sa pang-araw-araw na buhay. May mataas silang pagtingin sa sinasabi ng simbahan kaya’t anumang sabihin ng pari ay itinuturing na batas. Malakas ang impluwensiya ng pari sa mga gawi at pagpapahalaga ng mga mamamayan. Halimbawa, ang unang gawain ng isang alila ay ang pagliinis ng simbahan at pagdarasal. Matapos nito, maaari na niyang gawin ang anumang makasalanang gawain nang hindi nag-aalala sa mga idudulot nito. Gayundin, hindi nakalilimot ang mga kababaihan sa pagdarasal ng kanilang mga orasyon sa takdang oras na kadalasa’y ipinaaalala sa pamamagitan ng kalembang ng kampana. Bukod sa pamilihan, ang simbahan ang isa rin sa mga larangan pinaglalaanan ng kababaihan ng kanilang serbisyong walang bayad. Maraming nagsasabing siyam na buwan matapos ang isang pista, maraming anak na bastardo ang isinisilang.(MacMicking,l967:44-45)
Bukod sa lokal na kalakalan, ang kalakalan sa mga baybaying dagat ay pinapayagan lamang sa pagitan ng mga lokal na mangangalakal at hindi sa mga dayuhang mangangalakal.(MacMicking,l967:160-163). Kaya’t ang dayuhang mangangalakal ay mahalagang magkaroon ng lokal na kasosyo sa negosyo upang mapaunlad ang kanyang kalakalan. Ang mga manlalakbay noong unang panahon ay walang matuluyang disenteng lugar kung kaya’t ang mga kumbento ang nagsisilbing tuluyan para sa kanila. (Tiongson,l977:1785/Wilcox,l901:155-156)Naririto ang mga babaeng napipilitang magbibigay ng serbisyong libre sa paniniwalang bahagi ito ng kanilang serbisyo sa simbahan. Marami rin sa mga Kastilang napupunta sa Pilipinas ang walang-asawa kaya’t nakagawian nanilang mamili ng isang kakasamahin mula sa mga mestisa o di kaya ay mga india. Higit na kilala ang mga india sa pagiging tapat pagkat tinitingnan nila ang ganitong relasyon kaugnay ng pagpapakasal at pag-aasawa. Gayunpaman, hindi nila itinuturing na imoral ang pakikiapid nang walang basbas ng kasal. (MacMicking,,l967:51).
Ang pagiging bahagi ng kalakalan ay nangangailangan din ng angkop na kaanyuan at hindi lamang kasanayan.Dito nasok ang pamantayan ng kagandahang kinkilala ng mga Kastila. Ang konsepto ng kagandahang dala-dala ng mga babaeng Kastila ,halimbawa, ay halaw pa sa pamantayang mula sa Espanya. Sinasabing ang pamantayang ito ay mula pa sa pamantayan ng “wit,smut and scandal” mula sa Pranses noong dantaong labingpito.
“The Spaniards said that to make a woman all perfect, complete and absolute in loveliness, she must needs have thirty several beauties, the which a Spanish lady did once enumerate to me at Toledo...
Three things white: skin,teeth and hands
Three black: eyes,brows and lids
Three red: lips,cheeks and nails
Three long: body hair and hands
Three short: teeth ears and feet
Three broad: bosom,forehead and space between the eyes
Three narrow: mouth,girth of waist and ankle
Three big and thick: arm,thing and calf
Three long and fine: fingers,hair and lips
Three small and delicate: breast, nose and head” (MacMicking,l967:56)
Ang mga babaeng Kastila ay mapuputi at higit na marikit sa gabi kaysa sa araw. Mahilig sila sa masasayang kulay upang mabigyan ng kulay ang kanilang maputlang kutis.Bagaman madaldal sila at masayahin, bihira silang makilala sa mga usapan bunga ng hindi mahusay na edukasyon. Karamihan sa mga babae’y tumataba pagsapit ng edad treinta.Ang mga ibang nahihiyang sa klima at nananaba at gumaganda samantalang ang iba naman ay nangangayayat at pumapangit. Gayunpaman, ang kanilang mga gawi ay makinis at kasiya-siya. Ang kanilang gamit ng pamaypay ay para sa panghahalina ng isang napupusuan at pangdedepensa sa sarili. Ang damit ng mga Kastila ay nakasunod sa uso sa Pranses. (MacMicking,l967:55-57).
Mahirap ilapat ang pamantayang ito sa babaeng india pagkat kaiba ang kanilang itsura. Ang mga babaeng india ay magaganda kahit na maitim ang kanilang kutis. Ang kulay ng kanilang dugo ay nakikita sa kanilang pisngi at nakalilikha ng maganda kulay.Sinasabing ang kanilang mga mata’y napaliliwanag ng katalinuhan at ekspresyong hindi mahahanap sa iba pang babae sa kapuluan. Kapansin-pansin din ang kabukasan ng kanilang itsura nalalong nagiging kahali-halina kapag nasamahan pa ng kayumihan ng mga Asyano. (MacMicking,l967:108) Gayunpaman, mayroon din namang mga dayuhang nagsasabing pangit ang mga india. Ang katangiang makapagsasalba sa kanila ay ang kanilang kalinisan. Bukod dito, katangi-tangi ang kanilang maparaanin, tiwala sa sarili, pagpigil sa sarili sa salita at gawa, maayos na decorum,katipiran, pag-iingat, katahimikan, hospitalidad at tama bagaman hindi malikhang panlsa. Wala silang masasabing “social manners” pagkat hindi nila kayang abutin ito. Karaniwang ang mga india ang nagtatrabaho sa pinakamababang antas ng lipunan. Sila ang nagbuburda ng mga tela, nagbabalot ng tabako sa mga pabrika, nagaalaga ng mga bukid, nag-iigib ng tubig,naglilinis ng mga bahay upang magkaroon ng panahon ang mga mestisa at criolle na makadalo sa simbahan at mga tertulia at upang magkaroon ng pagkakataong yumaman ang mga mestisa mula sa kanilang pinagtrabahuhan. Sa dami ng gawain ng mga india, ni hindi nila kayang magpakasal o di kaya’y makapagpapakasal na lamang sila kung mayroon na silang sapat na perang pambili ng mga pangangailagan para sa bahay. Wala na rin silang panahong magpaganda.(Tiongson,l977:1780-1786)
Samantala,ang mga babaeng criolle ay maghapong nakahilata sa kama at hindi mabubuhay ng walang nakaalalay na muchacha. Matapos gumising ng tanghali na at mag-almusal,magpapahinga ito ng siesta at gigising na lamang sa bandang alas-singko upang maghanda para sa paglalakad sa parke at pagdalo sa mga tertulia matapos ng hapunan. Sa pangkalahatan, walang gasinong ginagawa ang babaeng criolle kundi ang maghilata,magpasyal at magpaganda. Dahilan na rin marahil sa kanilang maputlang kutis na gumaganda lamang sa lamlam ng gabi kaya sa gabi lamang nakikitang lumalabas ang mga kababaihang criolle.(Tiongson, l977:1780-1786 ).
Ang india ay karaniwan nang masipag, masayahin ,tahimik at maalalahanin sa kanilang mga responsibilidad. Maraming mahusay sa pagbuburda at nakalilikha ng mahuhusay na panyo at burda ng pinya na natatapos sa loob ng anim-labindalawang buwan ang isang burdang ga-panyo ang laki.. Ang mahabang panahong inilalaan sa paggawa ng ganitong uri ng produkto ay patunay lamang sa kasipagan ng mga kababaihang ito. (Wilcox,l901:201,208). Gayunpaman, ang mga binurdahang sinamay na ito ay igingawa ng mga india para sa mestisa na siyang nagtitinda ng mga produktong ito sa pamilihan. Tinatawag na sinamayera ang mga ito, pagkat bagaman karaniwang inda ang nagbuburda ay nakukuha rin nilang gawin ang gawaing ito habang nakikipaghuntahan sa kanilang mga manliligaw, suot-suot ang magagandang sinamay kanilang itinitinda. (Camagay, l995: 43 ) Mga mestisang sinamayera lamang ang maaaring makapagsuot at pagtinda nito pagkat hindi ito mabebenta ng simbilis kung ang india ang magsusuot nito at maglalako. May malaking kinalaman ito sa konsepto ng kagandahan na pilit na ginagaya ng mga mestisa mula sa mga Kastilang kanilang binebentahan ,pagkat sila ang may pera at sila rin ang larawan ng sulong na urbanidad na pilit nilang inaabot mula sa kanilang kalagayan sa lipunan..Wala silang ipinagkaiba sa mga modelo ng mamahaling damit at couture fashion sa kasalukuyan. Inilalako ng mga babaeng maganda at may tinatawag na “class” ang mga damit na ito sa mga fashion show at sa mga karatula sa kalye at maging sa mga magasin at pahayagan. Maging sa itsura ay napipilitang umangkop ang india upang makalugar lamang sa kalakalan sa urbanidad.
Paano nating sisipatin ang kababaihan,kalakal at daluyan sa panahon ng urbanisasyon?
Karaniwang service-oriented , matrabaho at mabusisi ang partisipasyon ng babae sa moda ng produksyon sa lipunan. Pangangalaga ng hayop, halaman, anak, asawa at bahay. Sa pataniman, ang mga babae ang nagbebenta ng mga gulay na inani, mga isdang nahuli sa karagatan at iba pang produkto. Sila ang “nagbababa” ng mga ito mula sa bundok o bukid tungo sa siyudad upang ibenta sa mga pamilihan. Sila rin ang unang nakakasaksi sa mga bagong reglas o regulasyon na itinatakda ng urbanidad sa mga indio. Gayundin, ang mga lugar sa pamilihan ay nakikilala sa mga produktong nilalako o tinitinda rito. Ang mga lugar ay binabansagan ng mga pangalan ayon sa vegetation o pananim na nakikita rito. Sa kaso ng mga babaeng naglalako ng kanilang paninda, ang mga babaeng ito ang isa rin sa mga kaparaanan upang matandaan ang isang lugar--sa produktong nakalako rito , na may kasamang mga babaeng naglalako nito. Sa ganitong pagkakataon, ang mga babae ang mga unang marker ng mga lugar na kahahanapan ngmga produkto o kalakal ng isang pamayanan pagkat ang produkto at babae ay kasingkahulugan dahilan sa asosasyon ng produkto sa naglalako at ng naglalako sa produkto. Ang mga babae ay nagiging pananda dahilan sa mga paninda nila--produkto man ito o serbisyong bahagi ng pagpapadaloy ng pag-unlad sa kalakalan. Ang babae ay nagiging pananda dahilan sa kanilang paninda. Babae-paninda-pananda.
Sa mabilis na daloy ng mga produkto mula sa bundok at bukid tungo sa siyudad, mahalagang papel ang ginampanan ng mga kababaihan bilang tagadala ng produkto at komersyo pati na ang serbisyong kakabit nito. Kapagdaka ang mga babae at daan,direksyon tungo sa isang lugar ay naging magsingkahulugan na rin. Ang karatula ng PAL para sa pag-welcome ng mga bagong dating mula sa isang lugar, ang mga advertisement ng Shell para sa isang bagong produktong para sa kotse ,na ginagamit bilang moda ng transportasyon ng tao at produkte sa mga kalye, ang mga karatula sa mga mall na nagtuturo ng this way please ay bahagi rin ng kabuuang larawan ng babae, produkto,daluyan.
Sa jeepney, ang mga road signs at regulations ay pinapakita sa mga sticker na may kasamang babaeng naka-bikini o babaeng seksi. Maging ang mga salita ay doble ang kahulugan. Halimbawa, isang babaeng naka-bikini at naka-pose ang kasama ng karatulang “danger: sharp curves ahead,” ;gayundin sa “do not enter at one way.” Katabi ng mga sticker na ito ang mga sticker ng Ina ng Laging Saklolo at Our Lady of Antipolo (Ina ng Kapayapaan at Kaligtasan sa Paglalakbay). Dalawang magkaibang imahe ng babae ,ang birhen at puta, ngunit kapwa bahagi ng kabuuuang larawan ng produkto,traffic signs and regulations.
Ang paglalarawan ng babae bilang pananda sa magkaibang pananaw--bilang puta at santa ay naglalagay sa babae sa isang pananaw pandaigdig na maaaring sa isang banda ay kakaiba sa konsepto ng babae bilang paninda at manininda ngunit maaaring sa huling pagsusuri ay maaari pa ring sipatin sa loob ng isang pangkalahatang diskurso ng kapangyarihan at kaalaman sa loob ng mundo ng kalakal.
Pansinin na sa simula at sapol, mahalagang bahagi ang ginagampanan ng kababaihan sa kalakalan. Sila ang lumilikha ng produkto, nagdadala ng mga produkto sa pamilihan, nakasasagap ng mga bagong inobasyon at ideya mula sa pakikisalamuha sa mga sentro ng pamilihan ng produkto at ideya. Bukod rito, bahagi rin sila ng mekanismong nagpapadaloy sa pagpapabilis ng kalakalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo sa mga tao--lalaki man at babae, para sa lalong maayos na daloy ng kalakalan. Samantala, ang mga mestiza sa pagpasok ng dantaong labingsiyam ay masasabing nakaukit na ng kanyang puwesto sa lipunan. Ito’y nagawa niya sa pamamagitan ng pangunguna sa mga kalakalan sa kalye na higit niyang napanghahawakan kaysa sa mga kalalakihang walang mabuting gawin kundi ang magsugal at maging gobernadorcillo o cabeza de barangay. Namasukan din siya sa mg paaralang pang-kababaihan tulad ng Sta.Potenciana kung saan niya natutunan kung paanong sumunod sa doktrina ng simbahan kaya’t samantalang ginagawa niya ang mga gawi ng india na lubos naman niyang minamaliit ay pinipilit din niyang umayon sa mga pamantayang itinatakda para sa mga criolle.(Tiongson, l977: 1784)
At ano ang natutunan niya sa loob ng simbahan, maging ito man ay sa pagiging utusan sa simbahan, tagapagsimba o bilang interna sa mga paaralang pinamamahalaan ng simabahan?
Kung sisipatin sa mula sa karanasang kolonyal, ang doktrinang relihiyoso ay nakapagturo sa mga kababaihan (mesitza man o indio) ng mga pagpapahalaga’t gawi na mula pa sa edad medyang kanliang pinagmulan. Kinakailangan ito ng kolonisador upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan. Kaibang-kaiba ang bahaging ginagampanan ng mga kababaihan sa Pilipinas kung ihahambing sa bahagi at turing sa mga kababaihan sa Europa noong panahon ng edad medya. At dahlan sa sila ang nakalulong ng tuwiran sa kalakalan, mahalagang malagyan sila ng supil upang matiyak ang paglalagay sa kanila sa tamang lugar sa lipunan, ayon sa punto de bista ng mga kolonisador. Sa panahong ang turing sa mga kababaihan sa Europa ay isang malaking suliraning pinapasan ng mga lalaki upang mapalawak ang kanilang kayamanan at kapangyarihan, ipinakilala sa kababaihang Pilipina ang ganitong uri ng pagtingin sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga dapat at hindi dapat para sa isang tunay na babae,ayon sa mata ng mga kolonisador.(Aresty,l970:118) Kaya’t samantalang umaalagwa ang mga babae sa kalakalan, itinuturo naman sa kanilang ang kanilang lugar ay dapat na sa bahay lamang ,upang mag-alaga ng anak at mag-alaga ng asawa. Ito’y batay sa pagtitiyak ng lugar ng babae kaugnay ng lalaki--ang pagtitiyak ng kanilang pagiging ama ng mga anak ng babae.
Ang pagsupil sa kababaihan ay bunga ng kanyang mahalagang papel sa lipunan bilang tagalikha at tagapagpadaloy ng produksyon. Kung sa reproduksyon ng tao, ang babae lamang ang makatitiyak ng ama ng kanyang anak; walang katiyakan ang isang lalaking kanya nga ang anak ng kanyang asawa kung hind niya ituturo at ipatutupad ang pagpapahalaga sa pagiging tapat at sa chastity ng isang babae. Samakatwid,wala sa lalaki ang kontrol ng salinlahi ng kanyang lahi. Gayundin, kung ang mga kababaihan ang may hawak ng pisi sa kalakalan, nasa kababaihan din ang kapangyarihang pangka-kabuhayan. Kung hindi ito susupilin, ano pa ang magiging papel ng lalaki sa lipunan kundi bilang palahian o “stud”? Tila kabaligtaran ito ng nananaig na pagtingin na ang babae ay palahian lamang ayon sa pananaw na pinalaganap ng relihiyong Katoliko na mula pa rin naman sa edad medyang may pagturing sa babae bilang pasanin at mga bagahe ng buhay. Ngunit bakit naging ganito ang paglalarawan sa kababaihan? Maaaring ang ganitong pagtingin ay mula pa rin sa gitgitan sa kapangyarihan sa pagitan ng kakayahan ng kababaihan at kalalakihan. Kung isusunod sa sinasabi ni Engels na ang babae ang naging unang pag-aari ng lalaki sa pamamagitanng monogamous na kasal at bunga na rin ng pagsuko ng babae ng kanyang kasangkapan sa produksyon dahilan sa kanyang papel sa reproduksyon ng lahi, lalabas na sirkumstansiya sa reproduksyon ng lahi ang may malaking kinalaman sa pagtatalaga sa babae ng lugar sa lipunan bilang pasanin at palahian lamang pagkat totoong babae lamang ang makagagampan ng papel na ito sa pagpaparami ng lahi. (Engels, 1972:29-49 ). Ang maikling panahong hindi nakasasabak ng tuwiran ang babae sa produksyon bunga ng panganganak ay lubhang pinalaki ng lalaki at nagbunga na ng pagtingin na pasanin at palamunin ang babae ng lalaki. Ngunit kung titingnan ang realidad ng babae , siya pa rin ang namamahala sa kuntil-butil na gawaing pangkabuhayan--mula sa paglalaba at pagluluto hanggang sa pag-aalaga ng bahay,bata,asawa,pananim at hayop. Samakatwid, mayroon pa ring tuwirang partisipasyon ang babae sa mga suportang istrukturang nagpapadaloy sa produksyon sa lipunan. At dahilan sa mahalagang daluyan ng produkto (kalakal man o tao) at kaalaman ang babae, mahalagang magkaroon ng mga batas , regulasyon at batas etikang makapaglalagay sa kanila at sa mga taong kasalamuha nila sa angkop na lugar upang mapadaloy ng maayos ang kalakalan sa lipunan. Kung gayun ang babae ay hindi lamang ipinagkaka-isa sa paninda at pananda kundi pati na rin daluyan ng kalakal at kaalaman.Babae-daluyan-paninda-pananda-bata.
Kung gayon, usapin pa rin ng pagpapanatili ng kapangyarihan ang usapin ng paglalagay ng supil sa kahalagahan at kapangyarihan ng babae sa lipunan. Ang paglalagay ng takdang lugar sa kababaihan sa lipunan ay walang ipinagkaiba sa konsepto ni Foucault na spatialization o pagkakahon upang malagyan ng simula at hangganan ang sakop ng kapangyarihan ng isang tao o grupo ng tao.(Fillingham,1993:121) Gayundin, ang konsepto ng pag-uulit ng mga kaisipang nais palaganapin ay makikita sa lahat ng bagay.(Selden,l993:160) Mahalagang maunawaan ang mga kondisyon at kalagayang naganap na maaaring kasabayang umiinog ng paglaganap ng kalakarang nais panatiliin. (Foucault,1970: 208).
Ganito ang kaisipang isinasaad sa isang salaysay ukol sa nagaganap noong dantaong labingwalo.
“ The 18th century...saw the beginnings of greater class distinction and social wariness than ever before. Little cause had existed when everybody knew his place and was reasonably content to remain in it. But not the social stratification grew more intricately stratified as the upsurge from below increased steadily and the middle class expanded. As Voltaire said, as in any beaker of ale, the expanding middle sought to merge with the froth at the top. The upper class struggled to prevent this and evolved a code of manners--regulations really-- modeled on those that governed court life but also composed of numerous private ceremonials observed in certain cliques and sets. Each ceremonial was an invisible bar against intruders and by the end of the century these had been codified into the rules of etiquette.” (Aresty,l970:129)
ANG BATAS ETIKA, BABAE, KALAKALAN, KAALAMAN AT DALUYAN SA SIYUDAD
Nang ipatupad ng mga Kastila ang programang reduccion noon dantaong 1500, binago nila ang kaayusang pisikal ng sentro kung saan patitirahin ang mga taong mula sa gubat at bundok. Kailangang maging kaigay-igaya ang itsura at kalagayan sa lungsod upang mahikayat ang mga taong lumipat dito mula sa kanilang kinamulatang lugar. Ang paghahanda ng mga kalye, ang imprastruktura ng mga gusali at kabahayan, ang paglalatag ng plaza complex ay bahagi ng aparatong magsasabuhay sa kalakarang nais ipatupad ng mga Kastila. Mapanghikayat man ito sa mga bagong kaayusang nais na ipasunod ng mga Kastila sa mga indio, ang higit na mahalaga dito ay ang pagsesentralisa ng kapangyarihan sa mga kolonisador sa paraang madali nilang makikita ang mga kilos at galaw ng mga tao sa pamamagitan ng estratehikong puwesto ng mga institusyong panlipunang magpapakalat ng kalakarang kolonyal. Ang bajo dela campana, ang puwesto ng kalakalan sa tabi ng munisipyo, ang pagkakalapit o konsentrasyon ng mga bahay sa malapit ng sentro ay indikasyon ng pagiging malapit ng mga nasa poder na ito sa may-kapangyarihan. Ang sinumang hindi nakapasok sa espasyong ito ay itinuturing na tagalabas, taong-labas. (Baquiran,l 996: xi)
Sa pagpasok din ng dekada nobenta, ipinatupad ang programang Philippines 2000 ng pamahalaang Ramos upang mapaunlad ang Pilipinas sa pagiging isa sa mga bansa sa Asyang mayroong tinatawag na tiger economy. Tampok sa programa ng Philippines 2000 ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng paghikayat sa mga dayuhang mangangalakal na magtayo ng negosyo sa Pilipinas . Nililikha ng gobyerno ang maayos na kalagayang pisikal at pulitikal upang mahikayat ang mga dayuhang mamumuhunan na mag-invest sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga highway, paglikha ng mga flyover upang mapabilis ang daloy ng trapiko, pagbubukas ng high-technology information superhighway, pagbubukas ng mga paliparang bukas sa mga international flights tulad ng sa Cebu at Davao, pagbuwag sa monopolyo sa telekomunikasyon at eroplano. Pinaunlad ang pagbubukas ng mga pabrika sa mga export-processing zone kung saan naka-konsentra ang mga malalaking pabrika at kung saan bawal ang welga, kontraktwal ang pagkuha ng mga manggagawa (kaya’t walang benepisyo). Nagbunga ito ng malakihang eksodo ng mga mamamayang nais mamasukan ng trabaho sa siyudad. Ang mga dating nagtatrabaho sa bukid na nagi nang pag-aari ng mga korporsyong agrikultura ay lumuwas ng siyudad bunga ng ginintuang pangako ng matiwasay na buhay sa lungsod.
Sa pagdagsa ng mga mamamayan sa sentro ng urbanidad, kinakailangang umangkop din sila sa daloy ng buhay sa loob ng urbanidad na ipinalalaganap ng may kapangyarihan. Kaya nga ba’t mahalagang magtakda ng mga batas etika o mga regulasyon sa dapat igawi o iasal ng mga tao upang makaangkop sa urbanidad. Ang ganitong pangangailangan ay dulot na rin ng nagbabagong realidad nang mas malapit na pakikitungo sa isa’t isa , lalo’t kung ihahambing sa pamumuhay sa gubat na lubhang malalayo ang mga kabahayan. Gayundin, sa harap ng mabilis na daloy ng bagong kaalaman at kalakalan sa lipunan, mahalagang magtakda ng mga regulasyong makapaglalagay sa mga produkto at tao sa kanilang tamang lugar sa lipunan. Ang mga regulasyong ito’y hindi ibinibigay sa isang papel at saka isa-isang pinasusunod sa sinumang bagong salta sa urbanidad. Ang mga batas na itoy’ nakikita sa lahat ng larangan ng buhay, bagay na sinusubukan upang matutunan at mabuhay ng nakaaangkop sa batas ng urbanidad. Ang mga batas na ito’y nakalaang magbigay ng direksyon sa mga bagong salta sa urbanisasyon, oryentasyon sa mga regulasyon at batas-etika sa urbanidad at mga patakarang dapat subaybayan upang mapanatili ang mabilis at madulas na pagdaloy ng kalakalan sa lipunan.
Paanong padadaluyin ang mga batas etikang kailangan sa pagliipat ng ideya at kalakal sa urbanidad?
Mahalaga ang pagkontrol sa sistema ng transportasyon sa panahong ito. Mahalagang magtakda ng mga regulasyon upang mapanghawakan ang daloy ng trapiko. Dito nagkakaroon ng sistemang pang-transportasyon na nagtatakda ng sino ang maaaring maglakbay sa lansangan, paanong maglalakbay sa lansangan, ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa paglalakbay sa lansangan.
Isa sa unang salaysay ng pagsasaayos ng daloy ng trapiko ay ukol sa pagaayos ng daloy ng daanan patungong Teatro Binondo noong l846. Katatapos pa lamang ng isang sunog sa isang lugar na dating kinatatayuan ng mga bahay buko.Dito itinayo ang teatro sa lugar na ito. Iniayos ang pagpasok sa kalye sa pamamagitan ng pagsok sa isang kalye Jacinto at isa pang bagong kalye upang maiwasan ang trapik ng mga karwahe. (MacMicking,l967:125) Sa kasalukuyan,ang sistema ng transportasyon ay binubuo ng mga sasakyang de-motor na ginagamit sa lupa at maaaring itinatawid sa dagat tungo sa isa pang isla sa pamamagitan ng mga inter-island na bangka. Ang ganitong sistema’y bunga ng pagiging pulu-pulo ng bansa. Gayundin, maraming mga pampublikong sasakyang gumigiyagis sa mga lansangan bagamat marami ring mga pribadong sasakyang dumaraan sa mga kalye. Ang mga lansangan ay mga kalyeng mula sa mga daraanan para sa mga sasakyang hila ng mga hayop hanggang sa mga konkretong expressway at flyover na makikita sa lungsod o di kaya ay tungo sa pagpasok sa lungsod. Noong l992 mayroong 1.3 milyong rehistradong sasakyang de motor sa Pilipinas at humigit-kumulang sa 7.8 milyong propesyunal at non-professional na drayber.(Lichauco, l993:1)
Ang mga drayber ng mga sasakyang de-motor ang makikitang nagmamaneho ng mga sasakyang bumabagtas sa mga lansangan sa siyudad. Upang makapagmaneho ng mga sasakyang de-motor kailangan munang matupad ang mga rekisitos ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon ( na lalong kilala bilang LTO o Land Transportation Office) upang makakuha ng lisensiyang nagbibigay pahintulot sa sinuman na magmaneho ng sasakyang de-motor. Ito ang unang hakbang sa pagbagtas ng lansangan bilang drayber sa siyudad. Bahagi sa mga rekisitos na hinihingi ng LTO ay ang birth certificate na nagpapatunay na ang nais magmaneho ay labing-anim na taong gulang at higit pa,nasa matinong pag-iisp,malusog na pangangatawan at walang nakakahawang sakit,marunong magbasa at sumulat sa sariling wika o Ingles. Mayroon pang ibang ligal na dokumentong hinihingi tulad ng pahintulot ng magulang, ID na magpapatunay ng edad, larawan at kabayaran ayon sa uri ng lisensiyang nais kunin. Kailangan ding mag-aral ng pagmamaneho sa mga may lisensiyang propesyunal o non-professional ngunit mas mainam kung makapag-aaral sila sa isang accredited na driving school. May labinglimang sesyon para sa pagtuturo ng batas-trapiko, “defensive driving”, wastong pag-ugali ng drayber at ang mga pagnunahing kaalaman para sa mekanismo ng sasakyan. Mayroon din sampung sesyon para sa praktikal na pagmamaneho. Matapos nito, kukuha ng pagsusulit ang nais na makakuha ng lisensiya--praktikal at nakasulat na eksam. Kapag nakapasa siya rito, saka pa lamang siya makakukuha ng lisensiya.(Corsiga,l994:3-10) Para sa mga mayroon nang lisensiya, namimigay pa rin ang LTO ng mga brochure para sa mga regulasyon at batas trapiko sa lansangan. Bahagi dito ang mga senyales,road signs at mga regulasyon na mahalagang kabisado ng drayber upang hindi matikitan ng mga traffic law enforces.
Kung mayroong mga regulasyon sa paglipiat ng kalakal mula sa isang lugar tungo sa isa, mayroon ding mga regulasyon at batas ng dapat at hindi dapat sa pagkilos ng mga tao sa loob ng urbanidad. Nakasaad ang batas-etikang ito sa isa sa mga kinkilalang akdang pampanitikan sa Pilipinas--ang Urbana at Felisa ni Modesto de Castro.
Noong 1857, natapos isulat ni Padre Modesto de Castro ang isang aklat na siyang maituturing na pangunahing gabay sa mga katanggap-tanggap na kabutihang asal at gawi. Ang aklat na “Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza” ay isang protonobelang naglalaman ng mga pagpapahalaga sa panahong hinihikayat ng mga Kastila ang mga tagabundok na magsipuntahan na sa lungsod. Mahabang panahon na ang pagpapatupad ng reduccion o ang pagpapatira sa mga indio sa isang lugar kung saan higit na mapapangasiwaan ng mga prayle at mga Kastilang pisyal ang pagkokolonisa sa mga indio.(Reed,l978:15) Hindi lamang maaaring bumaba mula sa kabundukan ang mga indio nang hindi natututo ng mga gawi ng urbanidad. Ayon kay Santos, ang Urbana at Felisa ay isang mahusay na alulod ng urbanidad at ahente ng kolonisasyon pagkat dito nila hustong natutunan kung paanong gagarin ang mga gawi ng mga Kastila. (Santos,l994:198) Sakop ng aklat na ito ang paglalahad ng mga dapat ikilos sa lahat ng laranga ng buhay.Pinauuna siyempre ang pagpapahalaga sa Diyos tapos ay sa magulang. Bahagi na rin dito ang mga dapat na ikilos sa simbahan sa pakikipagkapwa-tao,pakikipagsulatan,pagdalo sa piging,paglalakad sa lansangan, ,pakikipag-ibigan, at paglagay sa estado, mga dapat igawi ng babae sa lipunan. (Baquiran,1996). Sa paraang nakasaad sa sulat, isinasaad ni Modesto de Castro ang mga paraan at regulasyong dapat gawin ng isang lalaki at babae sa lungsod. Pangunahin sa mga tagubilin ni de Castro ang pagkilala sa Diyos nang higit sa lahat at ang pagdakila sa mga magulang,kahinhinan, ang pagiging masunurin sa mga ipinag-uutos ng nakatataas, ang pagiging matimpiin ,malinis sa diwa at sa kaanyuan at ang pagiging mapagkumbaba. Ilan lamang ito sa mga reglamentong lagi’t laging ipinaaalala ni de Castro sa pamamagitan ng mga bibig nina Urbana at Feliza. Bukod sa mga ito, may mga partikular na gawi na laging ipinaaalala tulad ng hindi pag-aalis ng sapatos habang nakaupo sa simbahan o di kaya’y ang hindi pagbitbit at paglalagay sa ilalim ng kili-kili habang naglalakad sa lansangan. Gayundin, ipinagpapamarali din ang pagsadsad ng mga sapatos habang naglalakad.(Baquiran,l996:18,83). Mayroon ding mga batas etika na may kinalaman sa pagbibigay -galang sa pagpunta sa piging, ang pagtitimpi sa pakikipag-usap at pagsalo sa pagkain, at ang gamit ng mga tamang pagbabantas sa pagsusulat. Lahat ng mga ito ay matamang itinuro sa mga paaralan noong panahon ng Kastila at itinuring bilang mga batas ng kabutihang asal,ayon sa pamantayan ng mga kolonisador. Pansinin ang mga paalala para sa mga kababaihan na pinadaanan sa mga bibig nina Urbana at Feliza:
“1. Pakaisipan ng isang dalaga na ang kanyang puri ay maipaghahalimbawa sa kayaman, sa hiyas na iisa-isa na iniingatan, sa minsang masira’y di na mauuli, sa minsang malaglag ay di na madarampot. Kaya may nagmamahal sa puri na mahigit pa sa buhay, na sumasagasa sa lalong dakilang panganib, huwag lamang mawala ang puring iniingatan. (Baquiran,1996:81,107)
2.Sa isang dalaga naman ay hindi nababagay ang lakad na pinag-aralan, ang magpakakendeng-kendeng at tumingin ng pasulyap sa binata sapagkat ikapupula sa asal.(Baquiran,1996:81)
3. Kung nalalansangan ang isang babae at napapamumutihan ng marikit na damit at mahahalagang pahiyasan ay parang magwawalang-bahala sapagkat masamang tingnan ang palagiang nag-aayos sa daan (Baquiran,l996:81)
4.Masama rin namanang kaasalan sa lansangan ang tingnang palagi ang chapin o tsinelas, pagpagin kung kinakailangan, bunutin sa paa’t bitbitin sa kamay o kipkipin sa ilalim ng kilikili...sapagkat nakikilala na hindi datihan ang paang sangkapan ng tsinelas at chapin. (Baquiran,l996:83)
5. Kung ikaw’y may anak na babae, pakaturuan mong matakot sa Diyos...pakaingatan ang kanilang pagkabirhen, turuang magmahal sa asal at magpakahinhin nang di lapastanganin ng binata.(Baquiran,l996:131)
6.Huwag tulutang mamintana lagi pagkat ang dalagang namimintana lagi ay kaparis ng isang buwig ng ubas na bibitin-bitin sa sanga sa tabing daan at nag-aanyayang papitas sa sinong makaibig.” (Baquiran,l996:131)
.
Ang panuntunang ito ay kalakhang nakatuon para sa mga babae bilang mga inang nagtuturo sa mga bata at para sa mga batang bagong sasabak sa mundo ng urbanidad. Ang pagsunod sa bawat sinasabi nito ay pagtitiyak na ang mga bumababa mula sa bundok upang maging bahagi ng urbanidad ay kumikilos ayon sa pamantayang tanggap ng mga may kapangyarihan sa urbanidad.Ang mga panuntunang ito ay napalaganap sa pamamagitan ng
kolonyal na sistema ng edukasyong kontrolado ng estado. Upang makapagsanay ng mga relihiyoso at masunuring guro , nagtatag ang pamahalaang Kastila ng isang paaralang normal para sa kalalakihan noong l863 sa Maynila, isang paaralang normal para sa mga kababaihan sa Nueva Caceres (Naga City) noong l875 at sa Maynila noong l892. Nagtayo rin ng mga paaralan para sa instruccion primaria ng mga lalaki at babae (isa para sa lalaki at isa rin para sa babae). Kinakailangang makapasa ang mga estudyante sa tatlong grado--ang entrada, ascenso at termino at pati na ang doktrina Kristiyano, moralidad, kasaysayan, pagbasa at pagsulat sa Kastila, batas paggalang, aritmetika at kasaysayang Kastila. (Tiongson,l978:135)
Patuloy na naglabas ng mga aklat na nauukol sa tamang gawi sa urbanidad. Noong 1932, naglabas si Clemente ng isang aklat na may pamagat na “The Laws of Etiquette”. Nakahanay asa aklat na ito ang mga pamamaraan ng mga dapat sabihin at paanong sabihin upang maging katanggap-tanggap sa lipunan. Sakop din nito ang lahat ng larangan ng buhay mula sa pagdalo sa piging, paglalakad sa lansangan, pagbati sa kaibigan,pagsusulat,pakikitungo sa lalaki at babae,paggalang sa Diyos at magulang at iba pang mga paksaing mahahanap din sa “Urbana at Felisa”. (Clemente,l932) Noong 1949, naglimbag si Simplicio (F) Bulaklak at Ignacio (L) Buwan ng isang aklat na may pamagat na “Anak na Magalang: Urbanidad.” Estilong usapan sa pagitan ng magulang at anak ang aklat .Nasa berso ito at naglalarawan din ng mga dapat na iasal sa mga okasyon ng pakikisalamuha sa tao, sa mga piging,pagdalaw sa bahay,pakikipagkapwa na tulad ng sa pagtalakay at mga ipinapangaral ng “Urbana at Felisa” . Pinangungunang pahalagahan ang Diyos, ang mga magulang at pati na ang mga dapat iasal sa mga okasyon tulad ng simbahan,pagdalaw sa bahay, pagdalo sa isang piging, sa eskuwelahan. Tinawag itong “Aklatang Lunas” na ginamit sa mga pampublikong paaralan na marahil ay ginamit bilang panlunas sa hindi pagkaalam ng mga galing sa bukid ng mga koda ng etika sa siyudad. Sa pagdaloy ng panahon, nakilala ang mga ito sa iba’t ibang katawagan tulad ng “Good Manners and Right Conduct” o GMRC, deportment , social orientation at ang lalong bagong terminong “values education”.
Kamakailan lamang isang kolumnista sa Manila Bulletin ang naglathala sa kanyang kolum na “ Safety in the Streets “ ng ilang gabay para sa pangangalaga sa sarili sa lansangan . Isang maliit na larawan ng manunulat na si Vic Vega ang napapalibutan ng kanyang mga naihanay na gabay sa ligtas na paglalakad sa kalye. Animo’y kausap ng magbabasa ang manunulat habang inaalam ang kanyang paalala. Isang paalala ni Vega ang nagsasabing “stay near people but beware from drunks and groups of suspicious looking people and drug addicts. If you pass them, ignore their snide remarks.” Sa mga salitang ito’y para na ring umalingawngaw ang salita ni de Castro na “ huwag kang makikain o makiinom sa masamang tao at nang huwag kang sumamang katulad nila.” (Baquiran,l996:103).
Mayroon ding mahigpit na tagubilin si Vega para sa pangangalaga sa mga kababaihan. Ayon kay Vega, ang krimeng laban sa puri ang pinakabrutal na krimen. Dahil dito mainam nang isagawa ang mga susunod na hakbangin bilang proteksyon sa kababaihan.
“1. Parents and guardians must be the first ones to protect their daughterwards against sex maniacs. Girls must not be allowed to wear provocative garbs which attract attention of sexually-inclined persons.
2. Women should not accept rides or invitations from strangers, even friends they don’t completely trust.
3.When walking alone, avoid drunks,unruly groups and hangers on a street corner or intersection and most important,avoid walking alone.
4. When a woman is attcked by a sex maniac, she should use her natural defense and act fast,scratch,kick,jab,bite and lastly scream.
5. Women, when at home must not move about half-dressed or naked because this invites peeping toms and rapists.” (Vega,l998)
Pansining ang mga paalala ni Vega ay walang ipinagkaiba sa mga paalala ni de Castro noong dantaong labingsiyam. Nakatuon pa rin ito sa usapin ng pangangalaga sa puri ng babae sa harap ng urbanisasyon.
Hindi rin kaiba ang mga aklat na lmumabas sa dekada nobenta sa pamantayang Urbana at Felisa. Kumikita ang mga aklat ni Margie Holmes ukol sa mga katanungan ng madla ukol sa kanilang lovelife at sex life. Isa itong kumpiliasyon ng mga sulat mula sa mga lalaki at babaeng may suliranin sa kanilang love life at sex life. Itong huli ang higit na pinagtutuunan ng pansin. Sa kanyang aklat na “Sexy Saucy Spicy”, tinatalakay ni Holmes ang mga suliraning may kinalaman sa sex na itinuturing na rin bilang isang suliraning pangkalusugan sa kasalukuyan.Gayunpaman, marami sa mga tanong at suliranin ay maaaninagan ng mga values na maaaring nakapaaekto ng malaki sa sex life ng mga magkarelasyon,mag-asawa o mga single. Nariyan ang usapin ng pagka-birhen, ang pagkakasakit dahil sa sobra o kulang sa seks, ang mga katanungan ukol sa pleasurable sex. Kapansin-pansin na sa kabila ng popularidad ng programang ito at pagiging laganap ng mga programang ito, marami pa rin ang mga suliraning ukol sa mahirap na ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae; ang hindi maintindihang double treatments sa mga isyu tulad ng promiscuity vs. virginity sa babae, enjoyment vs. sin, enjoyment vs. stereotyping of women. Karamihan sa mga sumusulat ay mga middle class na lalaki at babae.(Holmes, l993 )
Sulatan din ang pormat ng aklat tulad ng sa Urbana at Felisa. Nagsasabi rin ang sinusulatan na si Margie Holmes ng mga do’s and don’ts sa pag-ibig at sexlife na upang ma-assure ang mga sumusulat na OK pa rin ng kanilang ginagawa sa parametro ng mabuting gawi at asal at siyentipikong pagtingin sa sex at relasyon. Sa biglang tingin ay parang moderna na ang mga ito,malayo sa mga pamantayang sinasabi sa Urbana at Felisa.Gayunpman, kapag sinuri ng mabuti,marami sa mga sulat ang nagiging sulat dahil pa rin sa mga pamantayan ng Urbana at Felisa at dapat ikilos ng lalaki at babae sa urbanidad. Gayunpaman at senyales ng urbanidad ang mga sulat kay Margie Holmes, ang mga ito ay naglalaro pa rin sa parametro ng tanggap at hindi tanggap sa lipunan. Ang mga usapin halimbawa ng pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend ay bahagi ng pamantayan ng pagiging “angkop” (proper) para sa isang lalaki o babaeng nasa urbanidad. Katulad pa rin ito ng mga batas etika ng mga gawi at dapat na asalin na isinulat ng mga manunulat na lalaki ukol sa pag-iibigan noong edad medya. Samantalang mukha itong moderna at siyentipiko, may mga batas at regulasyon pa ring kailangang sundin upang mapanatili itong katanggap-tanggap.
Ang pormat ng sulatan at tanungan na para bang nililikha ang ideya na may isang makapangyarihang nagsasabi ng tama at mali ay umalingawngaw maging sa mga programa sa radyo at telebisyon. Sa mga usong programa tulad ng “Kris”, “Isumbong Mo kay Tulfo”, “Mareng Winnie”, at maging sa mga kolum ng mag-asawang Meilly at iba pang kolum ng pagdulog sa mga magasin tulad ng MOD,Women’s at iba pa, naroon ang pormat ng tanong sagot na walang ipinagkaiba sa pagtatakda ng tanod na hindi nakikita para sa gagawin ng mga tao. Naroon ang pagkilala sa bisa ng isang awtoridad na sasagot sa suliranin samantalang naghahanap naman ang tao ng sagot dito hindi mula sa kanyang sariling karansan kundi mula sa mga sagot at pamantayang takda ng isang awtoridad.
Kung tutuusi’y hind naman nauna si de Castro sa pagsusulat ng ganitong aklat sa batas etika sa lipunan. Nagkataon lamang marahil na sa Pilipinas ay siya ang unang nakapaghanay ng mga patakarang dapat sundin ng mga nasa urbanidad. Sa Europa, kung saan din sumalok ng mga kaalaman at gawi ang Espanya ay marami nang nagsulat ukol sa mga batas etika . Karamihan sa mga batas na ito’y halaw din sa mga batas etika na ipinatutupad sa mga korte ng hari at reyna noong panahong edad medya.
Isa sa mga unang nagsulat ukol sa mga gawi ng pagiging sibil sa panahon ng edad medya sa Europa ay ang mga Italyano. Karamihan sa mga manunulat na ito ay may malakas pang impluwensiya mula sa mga Griyego noong unang panahon. Isa mga unang manunulat ng ukol sa mga gawi ay si Tommasino di Circlaria na nagsulat ng “Treatise on Courtesy” noong dantaong 1200. Ang kanyang panulat ay ukol sa moralidad ngunit karamihan dito ay nakatuon sa wastong gawi. Halimbawa sinabi niya ang paggawa ng usap,pagbubunyag ng mga sikreto at pagyayabang ay malapit sa kasalanan at ang pagwasiwas ng kamay habang nagsasalita ay senyales ng hindi mahusay na kinalakhan. Sinabi rin niyang hindi dapat maglakad ng napakabilis ng mga babae at hindi rin dapat umupo ng naka-cross ang binti. Hindi rin dapat maglagalag ang mga mata ng mga kababaihan ;dapat ay tuwid lamang ang tingin nito pagkat hindi kanais-nais ang gawing palinga-linga habang naglalakad sa lansangan. Sinabi rin niyang hindi dapat makipagpitpitan ng talino ang isang babae sa harap ng mga kalalakihan. Nakakahiya ito para sa buong kababaihan at mas mainam nang hindi siya maging masalita sa harap ng mga lalaki. Sa pangkalahatan, hindi maganda ang isang babaeng masyadong maraming nalalaman pagkat ang inaasahan lamang sa mga babae ay ang maging kaakit-akit, kaibig-ibig at madaling pamahalaan. (Aresty,l970:27-28).
Bukod sa aklat na ito, nariyan din ang “The Booke of Urbanite”(1460) ni John Russell na ukol din sa mahusay na gawing marka ng mahusay na pamilyang pinagmulan, ang “The Order of Chivalry” (1484) ni William Caxton , “The Book of Good Manners” ni Jacques LeGrand at marami pang iba. (Artesy,l970:49-60) Kapansin-pansin sa mga aklat ng etikang ito’y umiikot ang mga batas etika sa mga paraan ng tamang pakikisalamuha sa lahat ng larangan ng buhay ,mula sa detalye ng paghihiwa ng karne sa pinggan hanggang sa tamang paraan ng paghawak ng baso hanggang sa wastong paraan ng pananamit. Kapansin-pansin din na karamihan sa mga ito’y nasusulat ng mga lalaki.
Kakatwa lamang na hindi maaaring hindi mabanggit ang mga batas etika nang hindi binabanggit ang inaasahan sa kababaihan sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga inaasahan salalaki. Isang nagngangalang Baldassar Castiglione (Baldesar Castiglione sa salin ni Charles Singleton,l959)) ang nagsulat ng “The Book of the Courtier”(1528). (Aresty,l970:62-63) Sa isang salaysay batay sa ilang gabi sa korte ng Urbino, inilarawan ni Castiglione ang mga kaibig-ibig na katangian ng lalaki na batay sa katangian ng isang ideyal na courtier.
1.”I would have our courtier born of a noble genteel family, because it is far less becoming for one of low birth to fail to do virtious things than for one of noble birth ..And since this luster of nobility does not shine forth in the dees of the lowly born, they lack that spur, as well as that fear of dishonor, nor do they think themselves obliged to go beyond what was done by their forebears; whereas to the well-born it seems a reproach not to attain at least to the mark set by their ancestors. Hence it is almost always happens that in the profession of arms, as well as in other worthy pursuits, those who are distiguished are men of noble birth, because nature has implanted everything that hidden seen gives a certain fornce and quality of its own essence to all that springs from it. ... I do not deny that the same virtues can rule in the lowborn as well as in the wellborn but since its our task to form a courtier free of any defect whatsoever, and endowed with all the praiseworthy, I deem it necessary to have him of noble birth, not only for man other reasons but because of public opinion which sides with nobility”
2.” The courtier should be endowed not only with beauty and grace but with that certain grace we call an air.”
3. “I hold that the prinsipal and true profession of the courtier must be that of arms which I wish him to exercise with vigor and let him be known among others as bold energetic and faithful to whomever he serves. And the repute of these good qualities will be earned by exercising them every where,every time and place...so the reputation of a gentleman whose profession in arms if ever in the least way he sullies himself through cowardice or other disgrace always remains defiled before the world and covered with ignominy. “
4.”However we do not wish him to make a show of being so fierce that he is forever swaggeringin his speech.....therefore let the man we are seeking be exceedingly fierce,harsh and always among the first,wherever the enemy is; and in every other place humancemodest,reserved,avoiding ostentations above all things as well as that imprudent praise of himself by which a man always arouses hatred and disgust who hear him”
5.”I would have our face be not so soft and feminine, as many attempt to have who not only curl their hair and pluck their eyebrows ,but preen themselves in all those ways that the most wanton and issolute women in the world adopt; and in walking in posture and in every act, appear so tender and languid that their limbs seem to be on the verge of falling apart; and utter their words so limply that it seems they are about to expire on the spot; and the once they find themselves in the company of men of manners, the more they make a show of such manners. These, since nature did not make women as they clearly wish to appear, and he should be treated not as good women but as public harlots, and driven not only from the courts of great lords but from the society of all noble men....
6.Then coming to bodily frame, I say it is enough that it be neither small nor big, because either of these conditions causes contempoptous wonder. men of either sort are gazed at in much the same way that we gaze at monstrous things. And yet, if one must sin in one or the other of these two extremes, it is less bad to be on the small side than to be excessively big; because men who are so huge of body are often not only obtuse of spirit but are also unfit for every agile exercise,... and hence I would want him well build and shapely limb and would have him show strength and suppleness, and know all the bodily exercises that befit a warrior. ...
7.And in this judge it is his first duty to now how to handle every kind of weapon, both on foot and on horse, and know the advantages of each kind and be especially acquianted with those of arms that are ordinarily used among gentleman, because apart from using them in war (where perhaps so many fine points are necessary) there often arises differences between one gentleman and another, resulting in duels, and quite often those weapons are used which happen to be at hand. Hence knowledge of them is a very safe thing. Nor am I one of those who say that skilll is forgotten in the hour of need. ;for he who loses his skill at such times shows that out of fear he has already lost his heart and his head. I wish our courtier to be a perfect horseman in every kind of saddle and in addition to having a knowledge of horses and what pertains to riding let him put every effort and diligenc into outstripping others in everything a little, so that he may be always recognized as better than the rest...
8.The courtier should know how to hunt because it resembles war.He should also know how to swim,jump, throw stones for besides their usefulness in war, it is frequently necessary to show one’s prowess in such things.Another noble exercise and most suitable for a man of the court is the game of tennis which sows off disposition of body, quickness and litheness of every member and all the qualities that are brought out by almost all other exercise. “
9. “Let him do all others that others do in a comely manner.”
10.”What is important and necessary to the courtier in order to speak is knowledge.
What one has to say or write must be given in good order. It must then be well expressed in words, which words, must be proper, select, lustrous, and well-formed, but above all be words which are still used by the people.”(Singleton,l959: 28-43)
Nakasaad sa mga ito ang mga katangiang karaniwang hinahanap sa lalaki hanggang sa kasalukuyan--matapang, marunogn humawak at armas upang magtanggol, maginoo,matalino, mahusay sa larangan ng palakasan--mga katangiang may kinalaman sa kanyang bahagi bilang inaasahang tagapagpalawak ng kapangyarihang sakop ng isang poder o kaharian.
Maging ang mga kaibig-ibig na gawi ng isang lalaki ay nakabanggit din sa aklat ni Castiglione.
1. “The courtiers should above all else, obey and to further the wishes of the one he serves without adulation; I would have the courtier bend himself so that the prince cannot see him without feeling. Our courtier will not indulge in foolish presumption;,he will not be careless in speaking words which can offend,instead of trying to please.”
2.”He will not try to make his way into his masters’ chambers or private quarters when not invited. But if a courtier shoud happen to be in private with his lord, he must become another person, and lay aside grave matters for another time and place, and engage in conversation that will be amusing and pleasant to his lord, so as not to prevent him from gaining such relaxation...let him take care not to cause his lord any annoyance..”
3. “The courtier must take great care to make a good impression a the start and consider how damaging a fatal a thing it is to do otherwise.”
4. “The courtier will not suffice to win him universal favors with lords and cavaliers and ladies unless he have also a gentle and pleasing manner in his daily conversation.” (Singleton,l959:109-133)
Habang inilalarawan ni Castiglione ang mga katangian ng isang mabuitng lalaki, panaka-naka’y nabanaggit din ang mga katangian ng babae ngunit hindi sa larawang kaibig-ibig.Halimbawa ay ang sumusunod:
“..this man, who is favored by so many women must have been an simpleton and practically worthless, For it is the way of women always to favor the worst and like sheep to do what they see the first one do, be that for good or ill. Moreover, they are so jealous among themselves that this man could have been a monster and they would still have tried to steal him away from one another.”(Singleton,l959:132)
Ang ganitong hindi mabait na paglalarawan ng babae ay bunga na rin ng pagtingin sa babae bilang mga bagahe at pasanin ng mga lalaki. Nakapaloob sa sinabi ni Sir John Suckling ang pagtingin sa mga babae noong edad edad medya:
“Women are the baggage of life; they are
Troublesome and hinder us in the great march
And yet we cannot be without ‘ em.” (Aresty,l970:115)
Ang mga ganitong konsepto ay halaw sa konsepto ng sining ng pag-ibig na lalong kilala sa tawag na courtly love. Una itong nakita sa mg panulat ng makatang si Ovid ng Roma na nabuhay noong panahon ng Haring Augustus. Mula sa kanyang mga tula na “The Art of Love”, ‘The Cure of Love” at ang “Amours” hinalaw ng mga kalalakihan ang kanilang sistema sa .konsepto ng pag-ibig at pag-iibigan. Katangian ng ng pag-ibig ang pagiging senswal at nagaganap sa labas ng kasal.(Parry,l960:4)Katulad nito ng pagtingin ng mga kalalakihan noong edad medya na ang isang lalaking nag-aasawa ay hindi nagaasawa dahil sa pag-ibig kundi upang mapalawak ang kanyang lahi, kapangyarihan at kayamanan kaya’t ang kanyang ibang pangangailangan ay maaari na niyang gawin nang labas sa kasal.(Artesy,l970:116). Ipinakilala rin sa courtly love ang konsepto ng pag-ibig bilang isang giyera at ang bawat mangingibig ay tulad ng isang sundalo.Kailangan niyang malansi ang isang babae,habang hindi tinututulan ang kanyang mga ibig. Ang konseptong ito ni Ovid ay nahalo at napaunlad sa mga panitikan at sa mga trubador sa timog Pranses at ito na ngayon ang lalong nakilala bilang courtly love . Nakabatay ang pagtingin na ito sa konsepto na ang pag-ibig ay isang sining at dahil sa isa itong sining ay mayroon batas na kailangang sundin. Bilang bahagi ng sundalo ni Kupido, kailangang pangayayat at hindi makatulog sa kanyang serbisyo; hindi niya maaaring ibigin ang sariling asawa kundi ang asawa ng iba kung kaya kailangan itong gawing lihim. Hindi maaaring manatili ang pag-ibig nang walang panibugho o pagseselos. Sinasabing ang ganitong konsepto ng pag-ibig ay napagyaman na rin ng mga trubador na naimpluwensiyahan na rin ng kultura ng Kastilang Muslim noong dantaong sampu.(Parry,l960:7)
Hindi miminsang sa mga aklat ng etikang nasulat ay laging nababanggit ang mga gawing dapat iasal ng mga babae. Mula sa pananamit na dapat na nagtatakip ng katawan hanggang sa mga patakaran at gabay sa pag-iibigan. Isa sa mga aklat na malawakang tinalakay ang mga katangian ng babae ay ang aklat ni Andres Capellanus (Andreas the Chaplain) na “The Art of Courtly Love”
Ilan sa mga katangian ng babaeng inihanay ni Cappelanus sa kanyang aklat ay ang sumusunod
“1.The mutual love which you seek you cannot find in a woman,for no woman ever loved a man or could bind herself to a lover in the mutual bonds of love.For a woman’s desire is to get rich through love.
2.All women are spotted with the vice of a grasping and avaricious disposition and they are always alert and devoted for the search for money or profit.
3.All women are thieves and we say that they carry purses.You can not find a woman of such lofty station or blessed with such honor or wealth that an offer of money will not break down her virtue.
4.Every woman is by nature a miser but she is also envious and a slanderer of other women,greedy and a slave to her belly,inconstant, fickle in her speech, disobedient and impatient of restraint, spotted with the sin of pride and desirous vainglory, a liar, drunkard, a blabber, no keeper of secrets, too much given to wantonness, prone to every evil and never loving a man in her heart.
5. Everything a woman says is said with the intention of deceiving, because she has always one thing in her heart and another on her lips.No woman ever trusts any of her men friends and she thinks everyone of them is a deceiver so she always keeps herself in the mood for deception.
6. Woman is also prone to all sort of evil. Whatever evil this world is greatest,that any woman will commit without fear and for a trivial reason.” (Parry, l960:200-210)
Mapanlinlang, ganid, walanghiya--ito ang mga katangiang karaniwan sa babae. Ano kayang dahilan at ganitong kasama ang pagkakalarawan sa kababaihan? Ano kayang dahilan at ganoong kaibig-ibig ang paglalarawan sa isang lalaki?
Isipin na lamang nating kung hindi ganitong kasama ang larawan ng kababaihang inilalahad ng mga kalalakihan sa kanilang mga panulat, hindi magkakaroon ng dahilan upang magtakda ng mga batas etika na susupil sa malayang pamamamahayg ng kababaihan. Hindi magkakaroon ng matuwid ang pagtatakda ng mga regulasyon sa pakikitungo ng babae sa lipunan. Mahalagang salik marahil ang sinasabing ang mga kababaihan dati’y ginagawang asawa ng mga kalalakihan upang mapalawak ang kanilang kayamanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karapatan sa kayamanan ng babae at sa pagpapalawak ng kanilang lahi. Itong huli, ang isang aspeto ng buhay na lubhang kinaiingatan ng mga kalalakihan pagkat tanging ang babae lamang ang may kontrol nito. At napatutunayan ito ng isa pang sinabi ni Castiglione.
“For since women are imperfect creatures and since of themselves they were not able to do any worthy thing,, it was necessary ,through shame and fear of infamy, to put a curb on them which would give them some good quality. And it was chastity that seem more needful for them than any other quality, in order for us to be certain of our offspring; hence it was necessary to use our wits, art and all possible ways to make women chaste and as it were,allow them, in all other things to be of little worth , and to do constantly, the opposite of what they should do.Therefore, they are permitted without blame to commit all other faults, if we try to sting them for all those defects which as we have said are permitted them” (Singleton,l959:189)
Sa pahayag na ito’y maiuugat nang lahat ang mga hindi magandang larawang iniuugnay sa babae at ang usaping ng gitgitna ng kapangyarihan. Totoong kinikilala ng kalalakihan ang malaking bahagi ng babae sa produksyon at reproduksyon ng lahi sa lipunan. Mahalaga ang bahagi ng babae sa produksyon pagkat sila ang pinagmumulan ng mga produkto bilang mga tagapaglikha at tagapangalaga ng mga ito sa bukid at pabrika. Gayundin, sa pamamagitan ng kakayahan ng mga kababaihan sa reproduksyon, ang babae rin ang may tiyak na tagasunod sa kanyang lahi pagkat siya lamang , at wala nang ibang maaaring daanan ang isang tao sa mundo kundi sa pamamagitan ng isang babae. Malaki ang kapangyarihang naidudulot nito pagkat ang pagkakaroon ng tiyak na linya ng salinlahi ay nakapagtitiyak ng sakop at kapangyarihan sa kababaihan. Kung hindi kikilalanin ang lalaking nagpunla ng semilya sa sinapupunan ng babae, tuluyan nang mababaon sa limot ang lalaki at maaari na nga lamang mauwi ang kanilang existence sa mundo bilang mga sisidlan ng semilya, mga buhay na tapayan ng sihay-punlay. Kaya’t mahalagang tunay na maitakda nila ang mga hangganan ng pinaglalagyan nila ng kanilang semilya upang matiyak nilang ang mga produktong iluluwal ng mga babaeng pinagpunlaan nito ay maaari nilang ariing kanila. Ang mga produktong ito na magiging bata kapagdaka , ang magtitiyak ng kanilang patuloy na existence sa mundo, sa pamamagitanng itinakdang kalakaran ng pagdadala ng pangalan ng lalaki bilang bansag, upng matunton ang kanilang pinagmulan. Ang mga babaeng nagkanlong at naging daluyan ng pagkamulat ng mga batang ito sa mundong ibabaw ay pinagwawalang -bahala at naisasaisantabi. Binabansagan ng kung anu-anong mahahayap na bintang upang masupil at maikintal sa isipan na ang hangganan ng kanilang kapangyarihan ay hanggang sa pagluwal lamang pagkat hindi kanila ang pangalang dala kundi ang sa lalaking nagpunla ng semilya sa kanilang sinapupunan. Usapin pa rin ng pagkilala sa kapangyarihan.
May ugnayan kaya rito ang mga batas etikang inihanay ni de Castro para sa kababaihang bagong sumasabak sa mundo ng urbanisasyon?
Balikan natin ang mga senyales at regulasyon ng trapikong nakakalat sa kalye.
Ang mga batas trapiko ay itinakda upang mapanatiling maayos ang daloy ng mga produkto at tao sa loob ng siyudad. Ayon sa “Updated Traffic and Transport Management Plan for Metro Manila (l993-l998),
“ The increase in Metro Manila’s population and its dominant commercial and industrial activities has necessitated the provision of an efficient urban transportation for maximum mobility within and around the metropolis.Consequently the ensuing urban transportation demand has put pressure on government to implement improvements and upgrading of transportation services and traffic engineering facilities...Like roads, there exists an increasing pressure for the upgrading and maintenance of traffic facilities to respond tothe increasing urban transport demand..” (MMDA,l993:1-2)
Ang mga senyales ng trapiko at regulasyong kailangang sundin sa pagpapadaloy ng mga produkto at tao mula sa isang lugar tungo sa isa pa ay mga batas na ipinatutupad upang matiyak ang kaayusan ng kalakalan sa lipunan. Mahalaga ang sistema ng pananda upang sa isang tingin ay mapagsino ng sinumang motorista o manlalakbay ang mga daan na maaari niyang pasukan ,daanan, pag-ingatan at iba pang kailangang isaalang-alang habang nasa kalye. Ang mga panandang ito ay mabilis na nauunawaan ng mga motorista sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalaganap ng konsepto ng representasyon ng ideya ng mga senyales tulad ng do not enter, one way, accident prone area, danger at iba pang karatulang sa isang tinginan ay makikilala ng motorista. At dahil sa ito ang ipinalaganap na senyales para sa pagtitiyak ng pagsasagawa ng isang uri ng gawi at pagkilos, naging pamilyar na konsepto ito , naging representasyon sa loob ng urbanidad kaya’t madali itong mauunawaan at tatanggapin ng motorista bilang senyales at regulasyon sa kabuuang proseso ng daloy ng transportasyon ng produkto at tao sa lungsod.
Saan muling papasok ang babae sa usaping ito?
Kung susundan ang kabuuang talakayan ng mga konseptong babae at daluyan ng kalakalan,kaalaman at produkto, makikita na ang babae at lansangan ay masasabing iisa. Kung ang mga lansangan at kalye ay nagiging mahalagang daraanan ng mga produkto at kalakal sa loob ng siyudad, ang mga babae ay mahalaga ring daluyan ng kaalaman ,produkto at kalakalan. Sa simula’t sapul ay nakita na ang mahalagang papel na ginagampan ng kababaihan sa produksyon sa lipunan. Mula sa reproduksyon ng tao, produksyon ng mga produktong dinadala sa pamilihan, pagdadala at paglalako ng mga produktong kaugnay ng kalakalan hanggang sa paglalako ng mga serbisyong makapagbibigay suporta sa pagpapaunlad ng kalakalan ay naroon ang mahalagang ambag ng kababaihan. Ito ring partisipasyon ng kababaihan sa kalakalan at produksyon ang siyang nagbibigay sa kanya ng pagkakataong makatuklas ng mga bagong kaalaman na higit pang nagpapalalim at nagpapatibay sa kanyang mahalagang papel sa produksyon. At tulad ng papaunlad na bahagi ng anumang uri sa lipunan, ang banta ng pag-unlad ng kababaihan bilang isang mahalagang salik ng produktibong sektor ay nangangailangang supilin kung para hindi manatiling banta sa kalalakihang may hawaka ng kapangyarihang nananaig sa lipunan.
Bakit kababaihan?
Pansinin na sa Pilipinas, ang mga unang mangangalakal na dayuhan ay kinailangang magkaroon ng kasosyong lokal upang makapagpatuloy ng pangangalakal sa mga baybaying komunidad. Ang pinakamainam na kasosyo ay ang mga kababaihang nakasabak sa produksyon at kalakalan at di tulad ng mga kababaihang Europeo, ay walang habas sa pakikisama sa mga kalalakihan nang labas sa kasal. Gayundin, nasa kababaihang Pilipino ang kahusayan sa pakikipagkalakalan kaya’t wala nang iinam pang kasosyo kundi sila. Ngunit kailangang mapanatili ang kontrol ng mga kalalakihang dayuhan sa kalakalan kaya’t kailangang ipakilala, sa paraang institusyonal , ang mga batas etika na ginagamit sa Europa , na lubhang nakapaglalagay sa kababaihan sa isang lugar na hindi nagsisilbing hamon sa kapangyarihan at kontrol ng kalalakihan. Ang pagtuturo ng mga pagpapahalagang Kanluranin ay nakapagsupil sa umaalagwang kalakasan ng mga kababaihan , sa larangan ng produksyon at reproduksyon. Ang pagpapalaganap sa imaheng ng babaeng mahina, kimi, may may puring pinag-iingatan at ang imahen ng babaeng harot at walang bait sa sarili ay pawang mga katangiang nagbibigay ng pagmamatuwid sa pagtatakda ng mga batas etika sa kababaihang nais maging bahagi ng urbanisasyon.
Samaktwid, ang katatayuan ng kababaihan, pagkat nananatiing banta sa kapangyarihan sa lipunan bunga ng kanilang partisipasyon sa kalakalan ay kailangang lagyan ng mga regulasyon at supil upang matiyak ang pagkakaroon ng puwang sa kapangyarihang tinatamasa ng mga kalalakihang naghahari sa kalakalan. Tulad ng mga batas at regulasyon sa lansangan na nagtitiyak sa maayos na daloy ng kalakal mula sa isang kontroladong pagawaan tungo sa isang kontroladong pamilihan, ang mga batas-etikang ipinatutupad para sa kababaihan ay naglalayong supilin ang anumang hamong maaaring iharap ng partisipasyon ng kababaihan sa produksyon ng lipunan.
Ang pagtatakda ng mga batas-etika at regulasyon sa pakikitungo ng mga tao sa loob ng urbanidad ay mahalaga ring magkaroon ng mahusay na pagtatagpo ng ideya at representasyong mabilis na mauunawaan ng mga tao. Mahalagang mapalaganap ang mga konseptong iniuugnay sa mga taong kasangkot sakalakalan sa lipunan upang sa isang tingin ay mabilis itong mapagsino at maunawaan. Kaya nga ba’t ipinalaganap ang mga isteryotipong kaisipan ukol sa kababaihan upang marasyunalisa ang mga batas at regulasyong nilikha upang makontrol sila. Pagkat bakit pa nga ba lilikha ng mga regulasyon kung wala nang kailangang supilin? Kung ang mga kababaihan ay sing-bait ng mga larawan ng mga kalalakihan, anong pangangailangan para sa isang batas na magtatakda ng mataas na pagpapahalaga sa katapatan, pagkakimi at kapurihan? Itong huli, ang kapurihan ay lubhang pinalalaganap na kaisipan sa pamamagitan ng mga imaheng magkasalungat bagaman pareho ang nais sabihin. Ang imahen ng birhen na dapat gayahin at ang imahen ng puta na hindi dapat gayahin kaya’t dapat na ibaling ang pansin sa pagiging birhen na lamang. Kakatwang ang pagtatakda ng batas etika ukol sa kapurihan ay may malaking kinalaman sa pagpapahalaga ng kalalakihan sa pagtitiyak ng pagpapalawak ng kanilang lahi, samaktwid ay usapin pa rin ng kapangyarihan .
Ang pagpapalaganap ng urbanidad ay bahagi ng pagpapalaganap at pagpapanatili ng sakop ng isang puwersa ng kapangyarihan sa lipunan . Ang konsepto ng urbanisasyon ay walang iba kundi ang pagpapatupad ng programang magbabago sa pisikal, kultural, pang-ekonomiya at pampultikang kalakaran na magpapadaloy ng kontrol ng kaalaman, kapangyarihan at taong kasangkot sa kabuuang sistemang ito. Ang daloy ng kaalaman at produktong bahagi ng kalakalan ay kinakailangang lagyan ng mga batas at regulasyon upang mapanatiling kontrolado ayon sa kaayusang pabor sa nasa kapangyarihan. Ang daluyan ng produkto at kaalaman ay nakikilala at nagagawang tanggap bunga ng pagpapalaganap ng kaisipan na minamarkahan ng pagkilala sa mga babaeng nagdadalo at lumilikha ng produkto . Upang mapanatili ang mga produkto,kalakal, daluyan at babae sa kani-kanilang puwesto sa lipunan na sumusuporta sa kalakaran ng kalakal na kontrolado ng nasa may-kapangyarihan, nagpakilala ng mga batas ng etika at regulasyong magtitiyak ng disiplina para sa mga bahagi ng kalakalan at ang karampatang parusa sakaling sumalungat sila sa batas na naitakda. Wala itong ipinagkaiba sa konsepto ng panopticon na nagpapasunod ng isang kalakaran bunga ng representasyong kinikilala ng mga tao bilang batas, kahit na wala nang isang taong tuwirang nakabantay dito.(Barry,l996:176) Makikita ito sa pagkastigo bilang mga outcast sa mga babaeng hindi sumusunod sa mga batas etikang itinakda sa kanila upang mapanatili ang kanilang puwesto sa tabi ng buong daloy ng produksyon;gayundin, ang mga batas trapiko at regulasyon ay may karampatang multa at parusa sakaling hindi sumunod ang sinumang motorista . Ang konsepto ng tama at maling gawi at pag-iisip ay nahuhubog, kung gayon ng mga batas etikang para sa kababaihan at lansangang kapwa daluyan ng kalakal , kaalaman at tao sa loob ng kabuuang dinamiko ng diskursong pangkapangyarihan sa lipunan.
Samantala, habang nananaig ang kalakarang ito, hindi nababanggit ang mga nasusupil na pagkilos na bahagi rin ng kabuuang istrukturang pangkapangyarihan sa lipunan. (Fillingham,l993)Pagkat hindi mabubuuo ang larawan ng kapangyarihan kung walang mga pagtuligsa o paghamon sa kapangyarihang nakapagpapatibay din sa kabuuang diskursong ito. Dito marahil maiuugnay ang pangkalahatang disgusto ng mga humahawak sa programa ng trapiko sa hindi magtagu-tagumpay na programang pangtrapiko, gaano man itong kahusay na iplano o gaano man itong kasipag na pagtulung-tulungan ng mga institusyong panlipunan. Lagi’t lagi’y nasasabing isang araw lamang daw kayang ipatupad ng mga mamamayan ang batas at pagkatapos nito’y kinakalimutan na.Maglagay man ng mga bakal na harang upang itaboy ang mga tumatawid sa pedestrian lane ay tiyak na magkakaroon ng mga binaklas na baka na siyang nilulusutanng mga tumatawid na ayaw pumunta sa malayong tawiran. Gayundin, ang kalakaran sa mga bus at malalaking trak ng produktong pinagbabawalang dumaan sa flyover sa Tandang Sora. Kapag walang pulis na nagbabantay, gumagamit pa rin ng flyover ang mga bus at malalaking trak kahit na bawal. Gayundin, kahit na anong pagkastigo ng lipunan sa mga babaeng hindi umaayon sa batas etikang itinakda ,patuloy pa rin ang pagbubuntis ng babae nang walang kasal o di kaya’y pagiging bahagi ng kalakalan upang mabuhay.
Kunsabagay, ang ganitong pagtuligsa at pagsuway ay bahagi pa rin ng pangkabuuang diskurso ng tunggalian ng kapangyarihan sa lipunan.
****
MGA PILING SANGGUNIAN
MGA AKLAT
-
Aresty,Esther B. The Best Behavior. New York: Simon and Schuster.1970.
-
Bankoff,Greg. Crime Society and the State in the Nineteenth Century Philippines.Q.C. Ateneo de Manila Press,l996.
-
Barry,Peter. Beginning Theory.An Introduction to Literary and Cultural Theory. Manchester at New York: Manchester University Press,l995.
-
Blair, Emma Helen at James Alexander Robertson. The Philippine Islands.1493-1898. 55 vols. Mandaluyong:Cacho Hermanos Publishing House,l973.
-
Bulaklak,Simplicio F. at Ignacio L.Buwan. Anak na Magalang:Urbanidad. Maynila: Ignacio Luna at mga Anak,1949.
-
Bourdeille,Pierre at Seigner de Brantome.Lives of Fair and Gallant Ladies. salin ni Allinson. New York: Liveright,l933.
-
Bulosan,Carlos.America is in the Heart. New York: Harcourt,Brace and Company.reprinted by National Book Store,Inc.Manila, n.d.
-
Camagay,Ma. Luisa. Working Women in of Manila in the 19th Century. Q.C. UP Press and University Women’s Studies Center, l995.
-
Capellanus,Andreas.The Art of Courtly Love.salin,intro. at tala ni John Parry.New York:Columbia Press,l960.
-
Castiglione,Baldesar. The Book of Courtiers. trans. by Charles Singleton. New York: Anchor Books, Doubleday and Company,Inc.
-
Clemente,E. The Laws of Etiquette. Manila: n.p. l932.
-
Corsiga,Thelma. Ang Drayber na Pinoy.Lungsod Quezon:Land Transportation Office,l994.
-
De Castro,Modesto. Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Felisa inedit ni Romulo Baquiran Jr. Lungsod Quezon:Sentro ng Wikang Filipino,Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas at National Commission for Culture and the Arts ,l996.
-
De Lorries,Guillaume and Jean de Meun. The Romance of the Rose. trans. and ed. by Frances Horgan. Oxford and New York: Oxford University Press,l994.
-
Doeppers,Daniel F. Manila 1900-1941.Social Change in a Late Colonial Metropolis.Q.C. Ateneo de Manila University Press,l984.
-
Engels,Frederick. The Origin of the Family,Private Property and State. inedit at may introd. ni Eleanor Burke Leacock. New York: International Publishers,l972.
-
Fillingham,Lydia Alix. Foucault for Beginners.New York: Writers and Readers Publishing Inc.l993.
-
Foucault,Michel. The Order of Things. New York: Pantheon Books,l970.
-
Geroniere,Paul P. de la. Twenty Years in the Philippines.New York:Harper and Brothers,Publishers,1854.
-
Hart Donn V. The Philippine Plaza Complex: The Focal Point in Culture Change. Culture Report Series, Yale University l955.
-
Hollensteiner,Mary R.” The Urbanization of Metro Manila. “ nasa Modernization: Its Impact in the Philippines IV. inedit nina Walden Bello at Alfonso de Guzman II. IPC Papers No. 7. Quezon City : Ateneo de Manila University Press, l969.
-
Holmes,Margarita Go Sinco. Sexy Saucy and Spicy. Pasig:Anvil Publishing Inc.,l993.
-
Le Roy,James and Joseph Earle Stevens. The Philippines Circa l900. Manila: Filipiniana Book Guild,l968.
-
Lichauco,Rene C. The Philippine Road Rules and Regulations Handbook. English version.Q.C. Green Ads Group,l993.
-
Jenista,Frank. The White Apos American Governors on the Cordillera Central.Q.C. New Day Publishers,Inc. l987.
-
MacMicking,Robert. Recollections of Manila and The Philippines During 1848,1849 and 1850. ed. and ann. by Morton J.Netzorg. Manila:Filipina Book Guild,l967.
-
Mallat,Jean. The Philippines.History,Geography,Customs,Agriculture,Industry and Commerce of the Spanish Colonies in Oceania. trans. by Pura Santillan Castrence with Lina S. Castrence.Manila:National Historical Institute,l983.
-
Medina,Isagani at Luning Ira. Streets of Manila.Metro Manila:GCF Books,Inc.l977.
-
Reed,Robert. Colonial Manila.The Context of Hispanic Urbanism and Process of Morphogenesis.Berkeley,Los Angeles and London:University of California Press,l978.
-
Robles,Eliodoro. The Philippines in the 19th Century.Q.C. Malaya Books,Inc.,l969.
-
Scott,William Henry. Barangay.Sixteenth Century Philippine Culture and Society. Q.C. Ateneo de Manila University Press,l994.
-
Selden,Raman at Peter Widdowson. A Reader’s Guide to Contemporary Literary Theory. Ikatlong edisyon.New York,London Toronto,Sydney,Tokyo,Singapore. Harvester Wheatsheaf, l993.
-
Thomas,Henry. Spanish and Portuguese Romances of Chivalry. Cambridge: Cambridge University Press,l969.
-
Wilcox, Willis Bliss. Through Luzon on Highways and Byways. Philadelphia.Franklin Book Company. 1901.
MGA ARTIKULO
-
Agoncillo,Teodoro.”Ancestral City.” Turn of the Century. inedit ni Gilda Cordero Fernando at Nik Ricio. Manila: Basic Media Systems,Inc. l978.
-
Camagay,Ma. Luisa. “Mujer Publica” Manila:History,People Culture. inedit nina Wilfrido Villacorta, Isagani Cruz at Ma. Lourdes Brillantes. Manila: De La Salle University Press,l989.
-
de Jesus,Edilberto. “The Tranvia.” Filipino Heritage. vol.7 Manila:Felta Book Sales,Inc.l977.
-
Fegan,Lydia S. “Marketing List” Filipino Heritage vol. 10. Manila:Felta Book Sales,Inc.l977.
-
Sta.Maria,Felice.”Who’s Minding the Store” Filipino Heritage. vol.5 Manila:Felta Book Sales,Inc.l977.
-
Tiongson,Nicanor.”The Colonial School.” Turn of the Century. inedit ni Gilda Corder Fernando at Nik Ricio. Manila: Basic Media Systems,Inc.,l978.
-
_______________.”Woman in the Nineteenth Century Philippines.” Filipino Heritage vol.7.Manila:Felta Book Sales,Inc.,l977.
MGA PAHAYAGAN
“Protection from Maniacs”Manila Bulletin,Marso14,l998.
“Safety in the Streets” Manila Bulletin,Marso 13,l998.
“Megadike Repair Intensified” Manila Bulletin,March 17,l998
“Ramos opens 3 sections of highways” Manila Bulletin,March 15,l998
DI-LIMBAG NA TESIS
Santos,Ronell. “Ang Lipunan at Kasaysayan sa Urbana at Feliza” (Di-limbag na tesis,M.A.Unibersidad ng Pilipinas, Diliman ,l994)
PAMPUBLIKONG DOKUMENTO
- Kongreso ng Pilipinas.”An Act Creating the Metropolitan Manila Development Authority,Defining its Powers and Functions,Providing Funds and Therefor and For Other Purposes” Ikatlong Sesyon,Hulyo 25,l994.
- Metropolitan Manila Authority.”Implementing Guidelines,rules and Regulations of Ordinance No.78-03-A,Series of l992,Re: towing of Illegally Parked and Stalled Vehicles” Memorandum Circular No.92-07,l992.
- Metropolitan Manila Development Authority.”The Updated Traffic and Transport Management Plan for Metropolitan Manila. (l993-l998),n.d.
PROGRAMANG PANRADYO
Ted Failon at Korina Sanchez.”Hoy Gising!” DZMM 630 khz,Abril 15,l998.
MGA LARAWAN
“Bb.Pilipinas Winners” (Photo),Manila Bulletin,Marso 17,l998
“Bb.Pilipinas Candidates”(Photo) Manila Bulletin,Marso 15,l998
“Mango Vendor” Manila Bulletin,Marso 15,l998
“Ilocano Peasants” CCP of Philippine Encyclopedia Art vol. 1.Manila:Cultural Center of the Philippines,l993.
“Vendadera de Aroz” The Filipino Heritage. vol 5.Manila: Felta Book Sales,Inc.1977.
“A Country Woman with Native Products for the Market” at
“A Country Road with Verdant Growth of Bamboos Alongside” Wilcox,Willis Bliss.Through Luzon on Highways and Byways. Philadelphia: Franklin Book company,l901.
“Una Mestiza de Paseo” at “India” Filipino Heritage vol. 7 Manila:Felta Book Sales,Inc.